CHAPTER 8

235 2 1
                                    

[ Jusryll's P.O.V ]


Incoming call: Mom


---

[ Napatawag po yata kayo. ]

" Gusto lang kitang kamustahin "

[ Ayos naman po ako dito, kayo po ni kamusta naman po kayo dyan? ]

" Ayos naman kami dito anak. Sya nga pala umuwi na daw dyan sa pinas si Daniel nasabi lang sakin ng Tito Rommel mo, nagkita na ba kayo? "

[ Talaga po? hindi pa po kami nagkikita ]

" Ah ganun ba? Sige ikamusta mo nalang ako sa kanya pag nakita kayo ha. "

[ Yes mom ]

" Mag iingat ka lagi ha, huwag ka mag alala pag nagka sama na kayo ni daniel sya na mag aalaga sayo "

[ But mom-- ]

" No but's anak, sige bye na may aasikasuhin pa ako . "

[ Sige ingat po bye. ]


---


" Hey! " Sus! kay aga-aga may inaaway na naman siguro sina Rhian at Charlene.

" Are you Deaf!? " lumapit sakin yung dalawa

" Kanina ka pa namin tinatawag ah! " -Rhian

" Wala naman akong naririnig "

" Wala? talaga lang ha? O nagbibingi bingihan ka lang? " teka nga inaano ko ba 'tong dalawang to?

" Sa wala naman talaga kong naririnig eh! " sigaw ko sa kanila nakakasura na din kasi!

" How dare you to shout on us! "

" Kasi gusto ko at wala kayong pakielam! " sagot ko sa kanila wala akong time makipag away sa kanila. Papaalis na sana ako ng may biglang humablot sa buhok ko

" ARAY ANO BA!!! BITAWAN MO NGA AKOO!!! MASAKIT HA!!!! " hindi ko inubos yung conditioner sa bahay para lang sabunutan ako

" Ang bastos mo kasi, hindi kapa namin tapos kausapin tapos lalayasan mo na kami " -Charlene

" Bitawan nyo muna kasi yung buhok ko!! " agad naman nilang binitawan " Ngayon ano ba yang sasabihin nyo? "

" Bakit ang landi mo? " Eh?

" Ano bang problema nyo? "

" Problema namin? Simple lang IKAW!! "

" Teka nga! Ano ba ginawa ko sa inyo?! "

" Masyado ka kasing feeling dyan! Lagi kang naka dikit kay Kim, lalo na nung nasa tagaytay tayo!! "

" Anong masama don magkaibigan naman kami "

" Oh? Talaga? Baka naman nilalandi mo lang sya? " -Rhian.

" Bakit nyo sya inaaway? Ikaw ba yung girlfriend non? " may nagsalita galing sa malayo siguro narinig nya yung lakas ng boses namin

" Oo nga, hindi naman ikaw yung girlfriend pero kung maka asta ka kala mo kung sino " pag sang-ayon ko, kahit hindi ko kilala kung sino yung nagsalita

" HINDI NGA NYA AKO GIRLFRIEND, BUT I WILL ASURE YOU. MAGIGING KAMI. " talaga lang ha?

" Wait girl! Ang gwapo nung guy!! "

" Sino yan girl? Gwapo nga ha! "

" Oo nga, Shems girl transferee sya dito? " rinig ko bulungan nung dalawa. ngayon sino kayang malandi samin? nakakita lang ng gwapo ts!

Suddenly It's Magic [Book 1] (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon