20

116 6 0
                                    

twenty: elevator

R-18

SOBRANG SAKIT NG ULO KO NANG MAGISING AKO. Sinubukan kong alalahanin kung anong nangyari kahapon. Nanaki ang mata ko nang maalala.

I kind of confessed to him. Nakakahiya!

Masakit din ang katawan ko dahil sa massage kahapon. 

"Good morning," Bati ni Mari na nasa kusina at nagtitimpla. Dahan dahan akong umalis sa kama at umupo sa high stool. Naglapag siya ng advil at tubig kaya kinuha ko agad ito at ininom.

"May ipapakita ako sa'yo." Kinuha ko ang phone ko sa bedside table at bumalik sa pagkakaupo. Pinagmasdan niya lang ako bago ko tinapat sa kaniya ang phone ko. Nanlaki ang mata niya dahil doon.

"Kailan 'yan?" Tanong niya. I grinned before taking my phone back.

"Kagabi lang." Napahilamos siya sa mukha niya dahil doon.

"That's so embarrassing," Tinalikuran niya ako kaya natawa ako. Napatingin kami kay Gia nang maglakad siya palapit sa'min.

"Ano nangyari kahapon?" I shrugged before drinking my water. Inabutan siya ng advil at tubig ni Mari. Napatingin kami nang bumukas ang pinto at sunod sunod na pumasok sila Carina, Asteria, at Snow na magulo ang buhok.

"Sinong hindi lasing kahapon?" Tanong ni Gia sa kanila. Umupo sila sa high stool bago nangalumbaba.

"Wala, lahat tayo lasing. 'Di ko nga alam pinagsasabi ko eh." Sabi ni Asteria bago sumimsim sa kape niya.

"Lintek na Jack Daniels." Snow cursed while holding her head.

"All of you were so wild last night, I'm so embarrassed to call y'all my friends." Sabi ni Carina habang umiinom sa tsaa niya.

"Ano nga nangyari? Wala naman akong nilaplap, 'no?" Tanong ni Gia. Carina chuckled before opening her phone and showing us some pictures and videos.

"TANGINA NAKAKAHIYA NAMAN!" Tinakpan ni Snow ang mukha niya gamit ang mga kamay niya. 

"Dito lang tayo, wala ng lalabas." Sabi ni Asteria habang nakatingin sa pictures. 

Hindi naman masyadong nakakahiya ang nangyari sa'kin. Nakahilig lang ako sa balikat ni Ky habang nakatulog. Ang kapal ng mukha niyang laruin ang buhok ko, lintek na Ky.

"'Wag na tayo mag shopping, chill na lang tayo dito hanggang hapon." Tumango kami.

"I'll call the room service." Umalis si Mari sa harap namin at tinawagan ang room service for breakfast.

"I have facemasks," Tumayo si Carina at pumunta sa room nila para kunin ang mga facemasks. Hinintay namin sila.

"Anong mukha na lang ihaharap ko kapag nakadaan ko siya mamaya, Diyos ko ka Asteria, napaka laki mong kahihiyan." Asteria's talking to herself. She looks so miserable. Napatingin ako sa phone ko nang tumunog ito.

k. akriel: good morning, shortcake.

aianeclair: gm.

k. akriel: have u eaten? i didn't see you today, where r u?

Umirap ako bago sumagot.

aianeclair: were having room service. katamad bumaba.

k. akriel: oh, ok. u gonna attend the all-white party?

aianeclair: yeah.

k. akriel: see u later, then ;)

Tumaas ang kilay ko sa emoticon niya. Hindi ko na siya na-reply-an dahil dumating na ang room service namin. Kanina pa pala nakabalik si Carina, hindi ko napansin dahil nagce-cellphone ako.

Sky's not the Limit (Sky Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon