Kapani-panibago ang nasa paligid ko.Nagtataasang gusali at nagtatayugang kalsada.
Kapansin pansin ang nagkikislapang mga ilaw na animo'y nagmumukhang bituwin sa ibabaw ng lupa tuwing sasapit ang gabi.
Nagdadagsaang mga sasakyan na nagiging sanhi ng mabagal na usad ng trapiko.
Kasabay nito ay ang nakakasukang amoy ng usok ng mga sasakyan.
Mga taong tila may sari-sariling mga mundo.
Mga estudyanteng nagtatawanan at mukhang nagkakasiyahan kasama ang mga kaibigan.
Mangilan ngilang makasintahan ang aking natatanaw sa mga parke, kitang kita ang pagmamahalan ng bawat isa.
Mga taong naghahanap buhay, nagtitinda ng ice cream, fishball, lobo at iba pang pwedeng itinda sa mga parke.
Mga batang nagsisipagtakbuhan at nagsasaya.
Ito'y kabaliktaran sa aking pinanggalingan.
Walang matatayog na kalsada at walang natataasang gusali.
Ang tanging meron lamang ay mga tulay at sira sirang kalsada.
Puro bukirin ang nakikita at nagalalayuang mga tahanan.
Ngunit sariwa ang hangin sapagkat walang masyadong sasakyan na nagdudulot nang mahaba-habang trapiko.
Ibang-iba ang ang ngayong nakikita ko sa dating lugar na pinaggalingan ko.
Simple ang buhay...
Malayo sa gulo...
Mababait na mga tao...
Katulad ba nito ang buhay dito?
Makakaya ko bang makipagsapalaran sa kapani-panibagong kapaligirang nasa harap ko?
Magagawa ko pa ba ang mga bagay na nakasanayan ko?
Maiiba ba ng lugar na 'to ang pag-uugaling meron ako?
Iilang mga katanungang maaaring walang sagot.
Ang tangi ko na lamang gawin ay ang tanggapin ang pagbabago ng buhay ko, ng nakasanayan ko, at ng maaaring magiging takbo ng buhay ko.