CHAPTER TWO

24 2 0
                                    

Patricia's POV


Totoo ngang napakalaki ng eskwelahan nila Kuya. Hindi ko maikakailang pang mayaman lamang ang Iskwewlahan. Kanina ko pa pinagmamasdan ang bawat sulok ng madadaanan namin at paulit-ulit lang din akong namamangha.
Pagkarating namin ng Maynila ay dumeretso kami sa bahay kung saan nakatira ang dalawang Kuya ko. Hindi kalakihan ang apartment ngunit tama lang para sa aming tatlo. At nasisiguro kong sa panahon ngayon ay mayroong kamahalan ang mga bahay upahan sa maynila. Sinubukan ko namang tanungin si kuya Kiel kung magkano ba ang bayad ay sakto lang naman daw.
"Kuya, totoo ba itong nakikita ko?" tapik ko sa balikat ni Kuya Patrick nang hindi inaalis ang mga mata na aliw na aliw sa nakikita.
"Aray!" masama ko siyang binalingan nang bigla akong pinitik sa noo.
"Masakit?" sarkastikong tanong niya.
"Ikaw kaya pitikin ko sa noo Kuya at tatanungin din kita kung masakit.."nakanguso kong reklamo  habang himas himas ang noo.
"Tsh! Kung gano'n ay hindi ka nananaginip. Totoo ang nakikita mo at hindi ka nga nananaginip" pagmamalaki niya.
"Pwede naman akong sagutin ng maayos, namimitik pa..." bulong ko pero sa talas ng pandinig niyan, siguradong rinig rin ako kaya inirapan lang ako, "...pero seryoso Kuya napakalaki at napakaganda, grabe!" bakas ang pagkamangha sa mukha ko.
Sa entrance palang nito ay nakakabighani na, hi-tech ang lahat sapagkat itatapat mo lamang ang iyong ID sa isang maliit na monitor na tinatawag na scanner ay magbubukas ito upang bigyan ka ng daan.
Ang mga daanan ay puro semento at wala kang makikitang anumang putik. Ang tataas ng mga building na animo'y isang hotel. Mapapanganga ka na lamang at mapapatanong sa sarili mo.
Paaralan ba ito?
Hindi ko lubos maisip na mag-aaral ako sa napakagarang paaralang ito. Naisip ko tuloy kung paano nakaya nila nanay at tatay ang mapaaral sila Kuya sa ganitong kalseng paaralan.
"Isara mo yang bunganga mo at baka mapasukan ng langaw Patchot." nang sabihin iyon ni Kuya Kiel ay automatiko ko naman iyong inisara.
"Napakaganda talaga Kuya grabe!" puno parin ng paghanga ang nararamdaman ko para sa eskwelahang ito.
"Ganiyang-ganiyan din ang reaksiyon ko nang una akong pumasok dito." sagot nito habang nakatingin sa akin.
"Kuya, paano ka pala nakapasok dito? Sa nakikita ko ay mukhang hindi kaya nina nanay ang mapag-aral kayo ng sabay ni Kuya Patrick dito. Napakagara at mukhang mahal ang babayaran." kunot noong tanong ko dito.
Nakita ko naman kung pano siya tahimik na tumawa at ginulo ng bahagya ang buhok ko.
"Wala ka bang bilib sa mga Kuya mo?" taka ko itong pinagmasdan at naghintay ng sunod nitong isasagot "Scholar kami ni Patrick dito, basketball player ang Kuya Patrick mo at scholar naman ako sa academics. Nakalimutan mo bang Magna Cumlaude ako?" taas noo nitong sagot.
Oo nga pala, kaya naman mabilis itong natanggap sa trabaho ay dakilang matalino ang kuya ko. Hindi rin naman kasi binaggit ni Kuya Patrick na player pala siya dito. Kaya naman pala hindi masiyadong nahirapan ang mga magulang ko.
"Ah," tatango tango kong sagot.
"Kaya ikaw, pag-igihan mo ang pag-aaral mo ha?" sabi nito sakin. Tiningnan ko naman ito nang may halong pagmamalaki.
"Nakalimutan mo din ba Kuya na With High Honors ako?"
"Ayan ang kapatid ko. Pero teka nga, hindi mo pa sinasabi sa akin kung anong kurso ang kukunin mo, nandito na tayo para magenrol pero wala ka pang nababanggit sa akin."
nagtatakang saad nito.
"Sikreto sana kuya e, kaso tutal nagtanong ka na, kaya sasabihin ko nalang." sagot ko.
"So ano nga?" batid kong excited itong malaman kung anong kurso ang kukunin ko.
"Education kuya." masaya kong tugon ngunit kumunot naman agad ang noo nito.
"Bakit naman iyan ang napili mo? At alam mo bang maraming sangay ang kursong Education?" tanong niya.
Ngumiti naman ako ng napakalawak.
"Alam ko Kuya at English ang napili kong pag-aralan. " nag-asta pa akong parang lalaki sa harap nito, ngumiwi naman ito at ginulo ng bahagya ang buhok ko.
Ugali talaga nila ang paggulo ng buhok ko sapagkat ako lang daw ang natatanging babae sa pamilya.
Anong konek?
"Tsh! Sa asta mo'ng 'yan guro ang kukunin mo? Eh bakit naman English?" may kalokohan din minsan 'tong isang to eh.
"Wala ka ba'ang tiwala sa'kin? Hindi naman sa nagmamayabang Kuya ah, feeling ko kasi kaya ko 'yung kursong 'yun eh. Tsaka ano ba'ng mali kung 'yun ang kukunin ko? Mukha ba akong nangangain ng bata?" mahabang lintaniya ko na tinawanan lan niya.
Tsk! Kung di ko lang talaga Kuya to, nabatuklan ko na.
"Sige na sige na, nagtatanong lang eh hahahaha. Susuportahan naman kita kahit saan mo gusto, may tiwala ako sa prinsesa ko." sagot nito at nginitian ako ng napakasweet.
Yan ang gusto ko sakanila, magaling lang silang mang-asar pero todo kung sumuporta.
Hindi ko maiwasang mamangha sa kagandahang lalaki ni Kuya Kiel. Ako man na sarili nitong kapatid ay hindi ikakailang nagu-gwapuhan sakaniya. Bagay na bagay nito ang mga ngiti at nakakabighaning talaga.
Pumasok kami ni Kuya sa isang kwarto na may nakapaskil na Dean's Office sa taas ng pintuan.
Bumungad samin ang isang matanda, batid kong nasa 60's na ang edad nito. Ngunit gayunpaman ay mababakas sa  mukha nito ang kakisigan. Ngumiti iyon nang mamataan ang Kuya ko.
"O, Mr. Dimagiba, long time, no see. How are you?" tumayo ito ng bahagya at inilahad ang kamay upang makipagkamay sa kuya ko.
"I'm doing good Dean." magalang na inabot naman ng kuya ko ang kamay ng tinatawag nitong dean at nakipagkamay.
"What's the sudden visit?" kapagka ay tanong nito nang makaupo ito
"Ah, this is Patricia Elish Dimagiba Dean, I'm going to enroll her here." nakangiti namang pakilala sakin ni Kuya. Tulad din nito ay nakipagkamay din ako sa guro.
"Oh, would you mind if I ask who is she?" tanong ng dean.
"No problem Dean, shes my sister dean. I'm going to enroll her here as a fresh in Education Department." nakangiti namang sagot ni Kuya.
Batid kong close ang dalawang ito, sa pakikipag-usap pa lamang ay nakikita kong malayo ang pinagsamahan ng dalawa.
"I see, but this is Engineering Department." ang dean.
"No worries Dean I just thought of visiting you first instead. Maaga pa naman po." mababakas ang respeto sa tono ng kuya ko.
"Oh thank you then! I'm also glad that you're here." ramdam ko ang pagkagalak ng guro sa pagbisita ng Kuya ko.
Nagtuloy tuloy ang usapan nila pero wala sakanila ang atensyon ko, kundi nasa loob ng kwartong iyon. Napakagara ng opisina, maraming paintings na mukhang mamahalin ang nakakabit sa dingding, susyaling mga kurtina. Ngayon lamang ako nakakita ng ganitong kagarang opisina.
May opisina rin ang nanay sa aming barangay ngunit walang wala iyon sa nakikita ko ngayon. Ni hindi ito umabot sa kalahati nito. Napakalawak nito at may sariling sofa.
"I think we need to go Dean, I'll visit you again soon, and I'll make sure that I have so much time." hindi ko na natapos ang paggala ng tingin ko sa opisinang iyon nang nadinig kong magpaalam ang kuya ko.
"I'll look forward to it." sagot naman ng dean, at tuluyan na kaming lumabas sa kwartong iyon.
Paglabas namin ay hindi ko mapigilang ilabas ang pagkamangha ko sa kung gaano nalang kagaling at kagalang ang pananalita ni Kuya ng English.
"Ang galing mo naman umingles kuya." sa totoo lang ay ngayon ko lang marinig ang kuya kong umingles kaya naman ay nadagdagan ang pagkamangha ko rito.
"Natututunan iyon Patricia. Noong una ay limitado lamang ang nalalaman ko, at dahil nga mayayaman ang nakakasalamuha ko at mga susyalen, natuto ako sa mga ito." mahaba niyang sagot.
"Pano 'yon kuya? Porke ba mayayaman at susyalen ang nakakasama mo ay gumagaling ka na sa pagsasalita ng ingles? Aba'y kung ganon palay palagi akong makikipag-usap sa mga kaklase ko." dire-diretso kong sabi.
Dinig ko ang matunog ngunit mahinhin nitong ngiti at bahagyang ginulo ang buhok ko..
"Napakadaldal mo talaga. Ibig kong sabihin ay marahan lamang sa pagsasalita ng tagalog ang mga ito. Mas madalas silang magsalita ng ingles kesa magtagalog." sagot niya
"Ah, gano'n pala 'yon. Panahon na siguro'ng gamitin ko ang kadaldalan ko hahahah..."
Mahinang tawa lang ang tanging naisagot ni Kuya at nagpatuloy ng lakad. Pumasok kami sa isang building, batid kong iyon ang magiging building namin sapagkat dito kami pumasok.
Pansin kong alam na alam ng kuya ko ang pasikot sikot ng paaralang ito. Ni hindi ko malang nakita na nagtanong ito sa kahit sino. Katulad ng nauna ay pumasok kami sa isang Dean's office.
"Goodmorning Dean." bati ng kuya ko sa guro na nasa harapan namin.
Di katulad ng kanina ay babae ang dean dito. Batid kong nasa 40's ang edad nito.
"Mr. Dimagiba, glad to see you here." nangunot agad ang noo ko. Ganito ba kasikat ang kuya ko na kahit sino ay kilala siya?
"Yes Dean, glad to be back here." nakangiting tugon naman ni kuya. "Ah, Dean this is my sister, she wants to be part in your department." dagdag nito at itinuro ako.
"Oh, hi there sweety." imbes na makipagkamay ay bineso ako nito. "Your sister, huh?" baling nito sa kuya.
"Yes Dean the one and only." sagot naman nito. Ngumiti naman sa aking ang guro.
May inabot itong form sa akin at kailangan ko daw iyong fill-up-an lahat. Nagpatulong naman ako sa kuya ko sa tuwing may hindi ako naintintihan.
Hindi nagtagal ay natapos ko iyong sulatan at ipinasa iyon sa guro kasama ang lahat ng requirements na kailangan sa enrollment.
"Hope you'll enjoy in this department Patricia. By the way I'm Dean Agatha Wong,  the dean of Teacher Education department. " nakangiting sabi sakin ng guro nang ipasa ko iyon.
"Patricia Elish Dimagiba po. Maraming salamat po Ma'am." inabot ko naman ang nakalahad niyang kamay.
"Alis na din po kami Dean Wong, it's nice to see you again Ma'am."  Kuya.
"Oh yes you may. Nice to see you again Kiel. See you again soon Patricia." nakangiting sagot ng guro.
"Thank you ma'am." 'yun lang at lumabas na kami ng office.
"Nakakapagtataka namang kilala ka ng mga guro kuya at mukhang close ka pa sakanila." ngumiti naman ito at inakbayan ako habang naglalakad.
"Sabi ko naman sa'yo ay nakapagtapos ako dito ng may karangalan kaya naman kilala ako ng halos lahat ng guro rito." sagot nito.
"Wala na ba tayong pupuntahan pa na guro Kuya?" tanong mo. Malay mo may pupuntahan pa pala siya.
"Gustuhin ko mang bumisita sa iba pa, wala na akong oras. May pupuntahan pa ako kaya sa susunod na lamang."

"Ah gano'n ba. Sige Kuya. pero alam mo Kuya, nakakapressure naman pala na makasama kayo dito. Biruin mo, ang kuya Patrick ay nasisiguro kong kilala rin dito sapagkat isa siyang player at ikaw naman ay kilala bilang isa sa matalinong estudyante." may halong ngiti ngunit kabado kong saad.
"Ang totoo ay kasali rin ako sa Basketball team ng paaralang ito, kasabay ko ang kuya Patrick mo," natawa pa ito ng bahagya at nagkamot sa batok  "...ngunit umalis ako rito sapagkat gusto kong mas makapokus sa aking pag-aaral. Ang Kuya Patrick mo naman ay hindi rin maikakailang matalino ito ngunit mas pinili nitong manatili doon sapagkat hilig naman nito ang pagbabasketball. At hindi ibig sabihin no'n na magpapabaya na siya sa pag-aaral." mahabang paliwanag nito.
"Siguro nga'y dapat ko ring galingan upang pumantay sainyo." determinado kong sagot dito.
Nagngitian naman kami nito at pinagpatuloy ang paglalakad palabas ng eskwelahan. Nang malapit na kami ng gate ay natanaw ko si Kuya Patrick. May mga kasama ito, batid kong mga kaibigan niya iyon.
"Kuya!" sigaw ko.
Kita ko kung paano siya lumingon sa kaniyang mga gilid upang hanapin ako. At ng sa huli ay Nakita naman
"Tapos na?" tanong nito nang tuluyan itong makalapit.
"Oo kuya, grabe ang gara naman pala dito!" excited ko sagot dito.
"Kaya ikaw, umayos ka at nang bumagay ka naman kahit papano rito." nagsisimula na naman itong mang-alaska.
Automatiko namang sumimangot ang mukha ko at nakangusong tumingin kay Kuya Kiel.
"Hindi ba ako bagay dito Kuya?"
"Naku, huwag kang maniniwala diyan, kahit saan ka magpunta ay nababagay ka."
nakangiti pa nitong sagot sakin.
"Talaga kuya?" lumiwanag naman ang mukha ko at nakangisi kong binalingan si Kuya Patrick. narinig mo yon? Anong karapatan mong sabihin sakin yan. Dapat nga hindi kinakahiya yung ganito Kuya, pinagmamalaki ha? Pinagmamalaki! sabat ko naman at ang walang hiya ay tinawan pa ako.
"Loko lang 'yon Patchot, ikaw naman. Alam mo namang ikaw ang pinakamaganda sa pamilya bukod kay nanay, hindi ba?" si Kuya Patrick.
"Malamang Kuya, e ako lang naman ang babae niyong kapatid!" sabay naman silang natawa ni Kuya Kiel.
"Ang arte mo, ikaw na nga sinabihan ng maganda nagrereklamo ka pa! patuya nitong singit.
Mabilis ko siyang inismiran, Kung sayo rin lang galing Kuya Patrick, duda pa kung maniniwala ako. Tsk!
Eh di wag! Ang arte akala mo may mukha
masama ko siyang tinignan joke!! nag peace sign pa ang loko. Uuwi na kayo?" bigla ay baling niya kay Kuya Kiel.
"Oo sana kuya kaso nakita ka namin kaya naman nahinto kami." sagot ko.
"Ah, kasi naman ay malapit na ang pasukan, tuloy ay balik ensayo na kami sa basketball." kakamot-kamot pa ito sa ulo.
"Oo nga pala Kuya, hindi mo nabanggit na nagbabasketball ka pala." sabi ko nang maalala ko ito.
"Hindi ka naman kasi nagtanong Patchot," sagot nito at ginulo ang buhok ko.
"Osiya, bumalik ka na sa mga kasama mo Patrick. Mukhang naiinip na ang mga ito." inginuso pa ni Kuya Kiel ang grupo na mukha nga naming naiinip na.
"O sige, mauna na ako, ingat kayo pag-uwi" at tumakbo na ito papunta sa mga kasama nito.
"Tara na Kuya." tuluyan na naming nilisan ang eskwelahan na iyon.
Nang makalabas ay bigla akong nakahinga ng pagkaluwag-luwag. Wala pa man ay nakaramdam na ako ng pagod, siguro ay dahil ito sa labis na pagkamangha sa eskwelahan.
"Hindi pa tayo nakakabili ng mga gamit mo Patchot, gusto mo ba ay ngayon na natin bilhin ang mga iyon?" agaw pansin ni Kuya.
"Naku Kuya, siguro bukas na lang, wala pa man ay nakaramdam ako ng pagod ngayon. Siguro ay sasabay na lang ako kay Lala bukas." sagot ko rito.
Ang Lala na tinutukoy ko ay ang kakakilala ko pa lamang na kaibigan sa tinutuluyan naming apartment. Magkatabi kasi kami nito ng apartment, mabait naman kaya nakapalagayan ko agad ng loob.
"Sige ikaw ang bahala."
Dahil nga napagod ako ay naisipan na naming umuwi. Hindi na namin nagawa ang kumain sa labas kaya naman nagluto na lang ang kuya ng pananghalian namin. Matapos kumain ay nagpaalam si Kuya Kiel dahil may pupuntahan daw siyang importante. Ako lang ang natira sa bahay, alas kwatro na nang tanghali at kakagising ko lang.
Maya-maya ay may narninig akong katok galling sa pimtuan naming. Dali dali akong lumapit rito at pinagbuksan kung sino man ang nasa labas. Bumungad sakin ang nakangiting si Lala habang may hawak na baso.
"O, Lala anong atin?" tanong ko rito.
"Pwede bang humingi ng mainit na tubig? Hindi pa kasi ako nakakabili ng mga gamit para sa apartment eh, please?" nakalabi nitong pakiusap. Natawa naman ako rito.
"Oo naman, halika dito sa loob," aya ko dito.
Nang makapasok ay pinaupo ko muna ito sa may upuan at kinuha ang bitbit nitong baso. Dumeretso ako sa kusina upang kumuha ng mainit na tubig. Nang makakuha ay bumalik ako sa sala kung saan ko ito iniwan.
"Ano ang iyong gagawin sa mainit na tubig na ito, Lala?" imposible namang magkakape ito, napaka-init ng araw ngayon, dagdag mo pa na mainit ang kape.
"Hindi pa ba halata Patch? Magkakape ako." Sabi na eh..
"Aba'y napaka-init, buti nakakapagkape ka?"
"Walang pinipiling oras ang kape Patch, lalo na kapag ako ang iinom." taas noo nitong sagot habang nakatingin ng diretso sa akin.
Tinawanan ko naman ito at "Ikaw ang bahala" sabi ko.
"But you know what Patch, I really wanted to ask this question" bigla ay saad nito. Ayan na naman tayo sa inglesan heheheh
"Ano iyon?" kunot noo kong tanong.
"Saang Province kayo?" hindi ko naman inaasahan ang tanong niyang iyon dahil syempre hindi ko rin naman alam na interesado naman pala siya.
"Bakit mo naman naitanong?" umupo ako sa kalapit kong upuan sapagkat nangangalay na ako.
"Because I'm a probinsiyana rin like you." nagulat naman ako rito.
"Ang akala ko ay taga-dito ka sa maynila, hindi ko inaasahang ika'y probinsiyana rin tulad ko." no'ng una ko kasi itong makita ay hindi mababakas sa itsura nito ang pagka-probinsyana kaya naman ay nagulat ako sa sinabi nito.
"Nope, nag-aaral lang ako dito sa maynila."
"Pananalita mo pa lamang kasi ay halatang taga dito ka."
"Actually, matagal na ako dito, mga ilang years na rin. Every bakasyon lang  ako umuuwi ng probinsya namin because I'm studying here."
paliwanag niya.
"Kung gayon ay bakit hanggang ngayon ay wala ka pa ring gamit sa apartment mo?" muli kong tanong.
"I used to live in a condo unit pero lumipat ako rito dahil I got bored and one more reason is malapit ito sa school ko." sagot naman niya.
"Hindi pa pwedeng ilipat ang mga gamit mo rito?"
"Tinatamad ako e, I'll just buy nalang."
Ahh, mapera naman pala. "Pwede mo ba akong samahan bukas?" nahihiya pa nitong tanong.
Naalala kong kailangan ko nga rin palang bumili ng mga gamit ko sa school.
"Oo naman at isa pa bibili rin ako ng mga gamit pampaaralan bukas kaya sasabay na lang ako sa'yo." nakangiti kong sagot dito. Pumunta ako sa may kusina upang magtimpla ng kape. Kita ko kasing lumamig na ang mainit na tubig sa hiningi ni Lala kaya naman ay dito ko nalang ito pakakapehin tutal medyo matatagalan pa ang usapan namin.
"Okay great!" bigla naman ako nitong niyakap sa likod, sumunod pala ito sa akin. "And by the way, hindi mo pa sinasagot ang question ko, saang probinsya ka galing?" sabi nito sabay alis sa yakap.
"Ah oo nga pala. Sa Probinsya ng San Jose ako galing." humarap ako rito at ibinigay ang kape.
"Really? What a coincidence!" gulat na gulat ang reaksyon nito sa sinabi ko.
"Bakit naman?"
"Because I also came there. San Jose rin ako. " excited nitong sabi.
Inaalala ko naman kung mayroon nga ba akong naalalang katulad niya ng apelyido pero wala naman akong matandaang may nakasalamuha na ako. Siguro taga ibang baryo siya.
"Pagkakataon nga naman."
Marami pa kaming napag-usapan nitong si Lala tungkol iyon sa mga bagay bagay sa lugar na pinanggalingan naming pareho. Kesyo andami daw nitong masasayang ala-ala sa lugar na iyon. Masasabi kong napakadaming magagandang pasyalan ang probinsya namin, hindi maikakaila ang kagandahang taglay niyon.
Nang tingnan ko ang orasan na nakasabit sa dingding ay medyo nagulat ako. Hindi namin namalayang pareho na gabi na pala. Masyado kaming nasiyahan sa kwentuhan. Naputol lamang ang kwentuhan nang bumukas ang pintuan at iniluwa no'n ang dalawang kuya ko.
"Oh, andito ka pala Lala." si Kuya Kiel.
"Opo kuya, humingi lang ako ng hot water and we got a little talk." nakangiti itong nakatingin sa kuya ko.
Little talk pa pala sakaniya iyon? Gano kaya kahaba yung long talk nito?
"You can eat with us kung gusto mo," si Kuya Patrick naman.
"Really? Can I?" bakas ang saya sa tono ni Lala nang tanungin ito.
"Oo naman, madami naman itong binili namin sa labas e, so you can join us." Kuya Kiel.
Tumango tango naman ito. Pinagsaluhan namin apat ang pagkaing dala ng kuya ko. Pagkatapos ay kaunting kwentuhan ang naganap.
Bandang alas nwebe na nang gabi nagpaalam si Lala. Magaan ang loob naming tatlo sa babaeng iyon. Mabilis namin siyan nakasundo kaya naman ay ganun na lamang kami kakomportableng kasama ang isa't isa.
Nang matapos kong hugasan ang mga pinagkainan ay dumretso na ulit ako sa kwarto ko at natulog.
*********
Follow me:


Twitter: @k_shiiee


Instagram: karla_shiee

Facebook: Karla Ubiña Mabborang


Lovelots❤

Exquisite ExceptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon