Prolouge

49 6 16
                                    

"Fck bat ngayon pa umulan." i cursed, at tumakbo papunta sa waiting shed para makasilong dahil basang basa na ako sa ulan.

Tinignan ko yung bag ko at napamura ako sa sobrang inis dahil basang basa na ito ng ulan, tinignan ko yung loob ng bag ko kung may nabasa ba sa mga gamit ko o wala and thank goodness walang nabasa doon dahil waterproof naman yung loob.

Umupo nalang muna ako para makapagpahinga dahil sa pagod tumakbo para makasilong.

Nagpatila ako ng ulan dito dahil sobrang lakas ng ulan kaya napagdesisyunan ko munang magstay dito dahil wala din naman akong dalang payong.

Nagulat ako ng magvibrate ang phone ko sa bag ko, kaya kinuha ko ito at tinignan kung anong meron.

Napatigil ako sa iisang notification na nasa lockscreen ko.

@gabrielkurt_ sent you a message:

You look pale, Look behind you.

dahan dahan akong lumingon sa tabi ko at laking gulat ko at nandito sya sa tabi ko. bat ngayon pa? bat ka pa bumalik?

"Hi" he greeted with a smile, anong meron sa lalaking to at para makapagsalita sya na parang wala lang yung nangyare samin nung nakaraang 3 taon.

"Magsalita ka naman muka akong tanga dito o nagsasalita magisa" dagdag nya.

"Then quit bugging me" i said.

"Sungit naman parang hindi naman tayo naging magjowa noon" ganti nya habang nakangisi.

"What do u want" sambit ko.

"You" he said with matching grin on his face.

Bwisit, bat hanggang ngayon malakas pa din ang epekto ng mga salita nya sakin? ganon na ba ako katanga? o sadyang marupok lang ako? no, hindi pwede.

Tumayo na ako at inayos ang gamit ko dahil sa inis sa kanya, nang magsalita sya ulit.

"O san ka pupunta umuulan pa-" magsasalita palang sana sya nang pinutol ko iyon.

"You know what? i don't have time for your shits, please leave me alone like you did to me 3 years ago" i said in a cold tone.

Umalis na ako sa pwesto ko at tumakbo kahit na malakas pa din ang ulan makalayo lang sa kanya. pinabayaan ko nalang mabasa ang gamit ko.

And here i am, while running i'm crying like an asshole on the street but who cares.

Pumara ako ng isang taxi para makasakay at makauwi. Tinuro ko sa driver ang address papunta sa condo ko.

When i got home, dumeretso ako sa kwarto ko forgetting that my mom was there. Pagpasok ko sa pinto, sinarado ko agad yon at napaupo. Siguro dala narin ng pagod ko at halo halong emosyon. Sumandal ako sa pinto at mula dito natatanaw ko ang pagbagsak ng ulan mula sa kalangita pero unti unti narin itong tumila.

flashback

Para akong napako sa kinatatayuan ko at nanlalabo ang mata. Niyukom ko ang dalawang palad ko at kinagat ang labi para pigilan ang nagbabadyang luha.

Sa harap ko nakasandal sa bookshelf si Liana, my bestfriend. Habang si Gab hinahalikan siya. Hindi ko napigilan napahikbi na ako at tuloy tuloy ang daloy ng luha sa pisngi ko. Napatigil sila at napatingin sa'kin.

"E-ella wait I-I can explain" halatado sa mukha ni Gab ang pagkagulat at pagsisisi but it's too late for that.

"Explain what, Gab? That you were just kissing MY BESTFRIEND?" Diniinan ko ang huling kataga at tinignan si Liana na nakayuko, iniiwasang magtama ang titig naming dalawa.

"Ella I'm so sorry—"
Pinutol ko ang sasabihin ni Gab at pinunasahan ang luha sa pisngi ko.

"I'm tired of your bullshit anyway. Go on, magsama kayong dalawa. Tutal bagay na bagay naman ang dalawang basura" i add and smile bitterly at tinalikuran sila. bawat hakbang sobrang bigat.

i'll never forget this day. makalimutan mo man, ipaparanas ko sayo lahat ng ginawa mong kagaguhan sakin.

end of flashback.

Napapikit ako at tuloy tuloy ang mainit na likido sa pisngi ko. it still hurts, hurts so much. Kahit may nararamdaman pa 'ko sayo, hindi yun exception para isantabi ko ang ginawa mo sakin 3 years ago, Gabriel Kurt Valentino.

What I Never Told You (Onhold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon