Chapter 3 : Guitar Teacher ♥

104 8 1
                                    

~Kylie's POV~

"Ah Luke, san natin gagawin yung project?" -tanong ko sakanya habang tinitignan ang kabuuan ng bahay nila. Sa lahat ng bahay na nakita ko, dito ako gandang-ganda sa bahay nila. Alam nyo ba ang bahay ni Edward Cullen sa twilight? Yun parang ganun bahay nila. Mas malaki, mas makulay at di gaanong masalamin lang ang kanila.

"Dun sa kwarto ko. Ah Kylie, una kana ha? Pupuntahan ko lang sina Manang Lucy. Ang kwarto ko ay sa second floor, pangatlong kwarto sa kanan.Yung may nakasulat na 'KEEP OUT' sa pintuan haha" sabi ni Luke na may halong tawa. Ang cute niya pala grabe. Ang sarap pisilin ng pisngi niya ^___^v

"Ah sige Luke, intayin ko nalang ikaw. sagot ko na nakangiti at nagsimula na akong maglakad sa kanilang bahay. Nakarating nako sa second floor at may mga mga maids akong nakasalubong. Nakangiti sila sakin.

"Good Afternoon, Miss Kylie"

bati nila sa akin na may ngiti. Kilala nila ako? Nginitian ko din sila.

"Good Afternoon din po atsaka kylie na lang po ang itawag nyo sakin." sagot ko na nakangiti sakanila. Ang babait naman nila :)

"Paano nyo po ako nakilala?" -tanong ko

"Ah-ah--- nako!,May gagawin panga pala kami Hija. Sige mauuna na kami" sagot nila ng nagmamadali. Nagtataka man hinayaan ko nalamang ang pagtataka ko.

"Ah sige po" sagot ko naman

At nakita ko kaagad ang kwarto ni Luke. Dahan-dahan ako pumasok rito. At ....... wow. Ang cute ng kwarto nya!!! Kulay blue at may stars na design. Walk in closet, collection ng kotse na laruan at transformers. Mga gitara, wow Ang cooool. Mga gadgets. Yung bintana niya ay yung may place na pwedeng upuan. Umupo nalang ako sa kama niya.

Naglaro nalang muna ako sa phone ko. Ilang minuto lang ang lumipas, dumating nadin si Luke.

~Luke's POV~

Nang umakyat na si Kylie papuntang kwarto ay agad naman akong nagpunta ng kusina upabg tignan kung nandoon si Manang Lucy. Agad ko naman syang nakita. Yinakap ko sya at tinanong kung nasan si Mama.

"Ah nako Grey, umalis ang Mama mo. Nagpunta na namang ibang bansa. Nagmamadali at may aasikasuhin daw siyang importante don. Pasenasya nadaw at hindi sya nakapagpaalam saiyo." Sagot ni Manang sakin

"Ah sige po 'nang, pupunta napo ako sa kwarto ko." sagot ko sla at bago paman ako makalabas ng kwarto ay agad akong tinawag ni Manang Lucy.

"Ay nako, Grey Hijo!" tawag ni Manang

"Po? Bakit po Nang?"

"Eh tunay ngang pagka-ganda ni Kylie."

"Ah haha, oo nga po nang." pagsang-ayon ko naman ng nakangiti kay manang.

"Sige po'Nang akyat nako sa kwarto."

"Sige Hijo, dadalhan ko nalang kayo ng makakain mamaya." sabi ni Manang at nginitian ko nalamang siya at umalis na ako.

Nadatnan ko si Kylie na naglalaro sa phone niya. Nang makita nya ako ay agad siyang tumayo, tinago ang phone niya at nginitian ako.

"Wazzup? Let's start?" tanong niya

"Ah s-sige. T-tara na" sagot ko at kinuha ko na ang mga gamit na gagamitin namin.

"Okay, so tara na haha" tawa ni Kylie at sinimulan na namin gawin yung project.

*Makalipas ng 2 oras (still in Luke's POV)

Hayss. Eto medyo naliliyo padin kami. Tinary na namin ng tinary, iba yung itsura nung ginagaya naming project sa internet.

"Luke, pahinga muna. Grabe nalulugaw na ako. Hahaha"

"Ah s-sige. ako din eh. Imisin k-ko na to ah." sabi ko at di sinasadyanf masulatan si Kylie ng pentlepen sa kamay.

"Ah-ah nako! S-sorry kylie! Di ki sinasa--" naputol ang sasabihin ko ng sulatan niya din ako sa kamay.

"Ah ganon? Hmm, Let the pentlepen games begin!" sabi nya at yan nagsulatan lang kami at nilinis na ang mga braso namen na puro sulat. Kanina ko pang napapansin na lagi syang nakatingin sa gitara ko.

"Luke? pwese mo ba akong kantahan?" tanong nya bigla na ikanagulat ko naman.

"Ah K-kylie kase... ano eh--"

"Please? Lucas?" tanong niya at wala na akong nagawa.

"Ah kylie, shortcut ko na ah. chorus na kaagad."

"Ah, hahahaha. Sige" habang nakangiti

• 'I won't let this little things, slip out of my mouth. 'Cause if I do, it's you, oh it's you, they add up to. And Im inlove with you. And all your Little Things °

"Grabe Luke, ang galing mo pala kumanta! Turuan mo naman ako maggitara?" -kylie

"Ah kylie, sigurado kaba? I m-mean, diba kase ayaw niyong m-madikitan kayo ng mga n-nerd?" -habang nakatungo

"Hindi ako kagaya nila kelly noh"

"Ah okay sige oh hawakan mo to."

at binigay ko kay kylie ang gitara na agad naman nyang kinuha.

~Kylie's POV~

At eto, tinuturuan na ako ni Luke. Pero hindi ko makuhakuha tong chord na to. Naliliti ako kung paano.

"Luke, pano bato? Nakakainis naman eh di ko magets" sabi ko ng naiirita na.

"Ganito kase" At nagpunta na siya sa likod ko. Hinawakan niya yung isa kong kamay para magawa ng tama yung chord. Magkalapit din ang muka namin. Grabe hindi ako makagalaw. Frozen na ata ako dito. At nagawa ko nang tama yung chord.

"Yun! Nagawa ko din! Yes! sabi ko at tumingin kay Luke. And at the same time nagkatinginan kami. Shucks! Super lapet namin parang ganto oh. 'LAPIT' yan ganan. Umiwas kaagad ng tingin.

"Ah Luke, sorry ah. Medyo nagdidilim na eh. Uuwi na ako. Okay lang ba? Bukas nalang ulit natin gawin yung project. Thankyou ah"

"Hatid na kita"

"Ah sige wag na."

At hinatid nalang ako ni Luke sa gate at agad na pumara ng taxi. Nagpaalam lang ako kay Luke at umalis na. Bakit ganon? nung nagkadikit kamay namin paramg may...... Spark??? ●0●

VOTE & COMMENT PLEASE :)

//T N T I A H

The Nerdie turned into a HottieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon