Dos

7 0 0
                                    

May 28, 2020
8:06 AM

"Hello Nat--"

"Where are you Alyx? Kanina pa kami dito, inugat na kami kakahintay sayo" Bulyaw na bungad ni Natalia sa kabilang linya

Tinikom ko nalang ang bibig ko at hinayaan siyang magsalita. Ang ingay grabe!

"Ano?! Hindi ka ba magsasalita?-"

"Akin na nga yan Nat, ako na kakausap. Ang ingay mo" Biglang sabat ni Silvanna at narinig ko pa ang iilang murahan nila.

"Alyx? Saan ka na?" Malambing na tanong ni Silvanna sa akin.

Napangiti naman ako sa tono niya, at bahagyang natawa sa singhap ni Nat sa kabila.

"Sorry Vanna, pahirapan pa akong lumabas ng bahay kanina eh"

"Ha? Diba nakapagpaalam ka naman kay Tito at Tita ng maayos?"

"Yes, I did pero hindi ko naman alam na umuwi pala si kuya kagabi. Nagulat nalang ako nung papalabas na ako ng bahay bigla nalang may humigit sa braso ko. Kinorner pa ako ni kuya at tinadtad ng tanong" Sumbong ko kay Silvanna

Narinig ko naman ang bahagyang tawa ni Silvanna at Natalia sa kabilang linya, so I presumed ni loud speaker nila ang tawag.

"Buti naman at napapayag mo rin kalaunan?" Natatawang tanong ni Natalia

Bahagya akong ngumiti

"Kung alam niyo lang, kulang nalang umiyak ako para payagan ni kuya. Buti nga lang nakita kami ni Manang kaya ayun pinagsabihan niya si kuya na pagbigyan na ako"

"Hahaha buti naman. Oh? San ka na ba?"

"Malapit na, wait andito na ako. Nakikita ko na kayo"

Nakasuot ng beige casual si Natalia habang naka skirt at off shoulders naman si Silvanna na may kanya-kanyang bitbit na hand bag. Napailing ako sa porma nilang dalawa.

"What the? What are you wearing?" Natalia gasped exaggeratedly when she saw me getting out of the car.

I sighed with her statement, and continued walking to where they are seated.

"Hello guys, sorry for being late. And what's wrong with my outfit Nat?"

"Oh my gosh! I jus---"

"Ang OA mo Nat, Alyx is wearing decent naman. Halika na nga" Hinila na kami ni Silvanna papasok sa mall.

Kinawit ni Natalia ang braso niya kay Silvanna. Nang akmang gagawin rin ni Silvanna sa akin yun agad akong lumayo at nginiwian siya dahilan para umirap siya at natawa.

"Wow Alyx ha, para namang aanhin kita kung makalayo ka, sampalin kita diyan eh" Binilisan ni Silvanna ang lakad niya kaya tatawa-tawang nakakaladkad si Natalia na benelatan pa ako.

Napailing nalang ako sa kanilang dalawa. I love my friends but I just can't stand doing cheesy things. And even though we treat each other fairly, still I can't help thinking that I am always left out whenever the three of us are together.

I shrugged off such thoughts. Eto talaga ang sakit ko eh, ang hilig ko mag overthink ng mga bagay-bagay kahit hindi naman dapat.

Namimili na silang dalawa ng mga dresses, bags at shoes. Since hindi ko naman talaga hilig ang shopping, umupo nalang muna ako at pinanood silang dalawa na may tig dalawang staff na nakasunod sa pagkuha ng kanilang pinipili.

AugenblickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon