Uno

11 0 0
                                    

May 27, 2020
9:35 AM

Bakit ba kasi gusto kita? Bakit hindi nalang ako? Sa akin ka nalang kasi


I mentally rolled my eyes with the thoughts popping on my head. Napukpok ko ang ulo ko sa mga naiisip ko.


Nagpatuloy ako sa paglalakad patungo sa university para magpa enrol sa second sem.


Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. May ilang estudyante rin sa grounds na nakaupo at nakikipag kamustahan. Napaismid ako nang may nakita akong pamilyar na tao na umiiyak. Mas sumimangot ako ng makilala kung sino ang nagpapatahan.

What a sight


I sighed heavily and closed my eyes for a minute when I walk passed them, when suddenly I bumped into someone.


Napaangat ako ng tingin at nakita ko ang nakangising pagmumukha ni Kio.


"Mukhang problemado ka aking reyna ah?"


Kumunot ang noo ko, at halos mag isang linya ang kilay ko sa pagtataka sa sinabi niya.


"What nonsense are you talking about Kio? At reyna mo talaga?" Tumaas ang isang kilay ko sa huling tanong ko sa kanya.


Ngumisi lang siya at inakbayan ako bago sinama sa kanyang paglalakad.


Pumirmi ang mga labi ko nang makita ko ang ilan sa mga estudyante na ang sama ng tingin sa akin.


"Kio sinasabi ko sayo, pag may humila ng buhok ko sasapakin kita"


Tumawa ito kaya lalong umasim ang mga mukha ng mga babaeng masama ang tingin sa akin.


"Hindi ko hahayaan mangyari yun Alyx. Reyna kita" Bulong nito at kinindatan pa ako


"Ewan ko sayo Kio, teka saan ba tayo papunta? Magpapa enrol pa ako"


"Kain tayo, sobrang stress ng bakasyon ko. Samahan muna kita mag enrol"


Tumango ako at hinayaan siyang hilahin ako papuntang registrar.


"Bakasyon tapos stress ka?" Tanong ko


"Reyna ko, walang bakasyon sa kurso ko okay?"


I smirked upon hearing his answer


"If I know, mas stress ka sa ML. Alam ko likaw ng bituka mo Kio"


Kio laughed exaggeratedly kaya halos ay napalingon sa gawi namin.


Napapikit ako sa kahihiyan, nang maramdaman kong hinalikan niya ako sa pisngi.


Namulat ko kaagad ang mga mata ko at sinamaan siya ng tingin na nakangisi lang. Narinig ko pa ang mga singhap at impit na sigaw ng ilan sa ginawa ni Kio


"Kiss mo din ako reyna ko"


Tiningnan ko siya. Pinag-iisipan kung susundin ko ang sinabi niya o sasapakin nalang siya bigla, nang may mahagip ang mga mata ko.


Bahagya siyang tumitig sa gawi namin, kaya agad kong binalik kay Kio ang atensiyon ko. I smiled sweetly at him


"Lapit ka, dali"


"Baka naman sasapakin mo ako reyna ko?"


"Why would I? Dali na lapit---"


Halos mawalan ako ng balanse ng bigla ngang nilapit ni Kio yung mukha niya pero nakatagilid, kaya nakaharap na sa akin ang kanang pisngi niya.


"Oh ayan na, dali na reyna ko"


Nanindig ang mga balahibo ko sa batok nang maramdaman ang mga maiinit at masamang tingin na ipinupukol sa akin.

At dahil gusto kong mas magalit sila at makita niya, ngumisi ako at hinalikan ang pisngi ni Kio.


Talagang pinatunog ko ang paghalik kaya naman halos bumunghalit ako ng tawa sa reaksiyon ng mga babaeng estudyante.


"Ang tamis naman reyna ko"


"Halika na bilis, kailangan ko pang mag enrol"


Tumawa ito ng mahina at saka ulit umakbay. Bahagyang yumuko si Gio para bumulong.


"Asa ka pang mapagseselos mo siya"


Inirapan ko siya at tinampal sa tiyan bago nagmadaling lumakad.


Hindi ko naman ikinakaila nga tama ang sinabi ni Kio. Sumulyap ako ng tingin sa may likod, at nakita ko siyang walang pakealam. Binalik ko sa harap ang tingin ng mapansin kong lilingunin niya ako.


"Mamaya ka sa bahay Kio"


May diin kong bulong sa hayop kong pinsan na tawa lang ng tawa.

AugenblickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon