AKO SI PRINCE

294 12 5
                                    

Ako si Prince. Simple lang, madaling mapangiti pero sabi ng iba malalim raw ako kung minsan. Hindi ko nga alam kung bakit nila nasabi yun pero ang alam ko, may isang taong mas higit na nakakaintindi sa mga kabaliwan ko. Yung taong nakakasakay sa mga trip ko--si Pem, hindi nya tunay na pangalan. Ako lang ang tumatawag sa kanya ng ganyan. Ewan ko ba, mas gusto kong tinatawag ang isang taong malapit sa akin sa ibang pangalan na ako lang ang tatawag sa kanya ng ganun. 

Minsan, nagkayayaan kami sa Mall of Asia. Inaabot din kami ng madaling araw dun. Ayun, nagkwento lang naman sya ng tungkol sa crush nya. Di ako nagseselos aH. Wala sa vocabulary ko yun. 

"Pem, pwede ba ibang topic naman?!"

"Bakit selos ka?"

"Kapag change topic "selos" agad? 'di ba pwedeng naiinggit muna?"

"Bakit ka naiinggit? Siguro ideal girl mo ko no?"

"Ayoko ng taong katulad mo no! kasi, ang gusto ko, ikaw mismo!"

Sabay tawa. Tamang trip lang. (hahaha)

"Lagi mo nalang ako pinagtitripan."

"Uy hindi ah... binibiro ka lang e."

"Iwanan kita dyan e."

"Kapag iiwan mo ko, pwede bang sumama?"

"Tulig ka rin e no? Aning ka na ba?"

Kumuha sya ng isang bagay at ibinigay sa akin.

"O ayan, kausapin mo! Bwisit!"

"Uy, galit na sya hehe, lam mo namang di ko matiis na nagagalit ka sa kin e.  Ikaw lang kaya ang bestfriend ko, ang nagiisang babae sa buhay ko!  Alam mo namang ikaw ang SUSI ng puso ko e, naks!"

"Weeeh? E sino ang kasama mong babae kanina?"

"Ha? ah... eh... DUPLICATE?"

Ayun, nagtampo na nga. Iniwan ako bigla. Hindi pa tapos ang dinner.  Kung umasta naman to akala mo syota ko pero gusto ko naman yung ganito hehe hinabol ko sya inakbayan na akala mo utol ko. Bigla nyang tinapik ang kamay ko. 

"Alam mo, sumusobra ka na ha!  Napapagod na akong kahahabol sayo!"

 " At sino ba ang nagsabi sayo na sundan mo ko?"

"So, hindi na tayo sabay uuwi? Aalis na ako..."

"Tara, umupo nga muna tayo rito, napagod ako e."

Titigil ka rin pala e.  Minsan talaga dapat ang mga babae tinatakot e. hehe Umupo muna kami sa Razon's.  Masarap ang halo-halo rito.

"Hati nalang tayo, di ko kayang umubos ng isang order."

"O sige ba, basta susubuan mo ako. hehe"

"Nakakahiya ka, ano pa isipin ng ibang taong makakakita sa tin, magsyota tayo! eeew

"Kung maka-eeew ka parang ikaw pa ang lugi ah..."

"Anong tingin mo sa sarili mo? haha Lahat talaga ng gwapo, gago no?"

"Aray naman! Anong sabi mo?  Gago ako?"

Muntik na nyang mabuga ang halo-halo.

"Alam mo Prince, kapag kasama kita, napapangiti mo ko. Promise."

"Alam mo, pag kasama kita... inaantok ako"

"Bakit? Boring ba ako?"

"Kasi masarap magpahinga sa tabi mo eh...=)"

"Bumabanat ka nanaman ah, banatan kita dyan e.  Baka maniwala ako nyan." 

Akala ko nahuhulog na sya sa kin. Sabay bitiw ng salitang "JOKE!" Sinundan pa ng tawa. Sa totoo lang may nararamdaman ako para kay Pem, mas higit pa sa relasyon namin bilang magkaibigan. May isang bagay lang naman akong kinakatakutan e, ang mabalewala ang samahan namin kapag tinuloy ko ang nararamdaman kong ito sa kanya. 

"But you know what Prince, someone told me, reliable source naman; he told me na crush mo raw ako?"

Kinabahan ako. Hindi ko alam ang isasagot ko.

 "Di ah? Sino nagsabi? Bobo naman nun?

"Sila. :("

"Hindi kita crush... kasi mahal kita.  Nakakainis naman sila, magsabi na lang, mali pa! pahug nga..."

Sabay bitaw ng salitang "JOKE" sa totoo lang takot akong malaman nya yun at para na rin makabawi ako sa pang-aalaska nya kanina. 

Minsan nagkatampuhan kami. Hindi kami nagpansinan. Hindi rin ako nagtetext sa kanya. Hanggang sa magkita kami sa isang restaurant.  Kasama nya isang lalaki, baka manliligaw nya.  Kasama ko naman mga kabarkada ko.   Nagkatinginan kami pero saglit lang, kunwari hindi magkakakilala. 

"Si Pem oh nasa kabilang mesa."

Sabi ng isa kong kasama. Hindi ko nalang pinansin, parang hindi ko narinig.

"Ay... LQ? Okay, hands-off ako dyan."

Mabuti nalang at nakaramdam ang kaibigan kong yun, kung hindi, uupakan ko na e. 

"Ano ang order mo Prince?"

"Pinaputukang tiyan ng bangus, pre."

"Anong paputok gagamitin natin? Kwitis?"

"E yang nguso mo... gusto mo pasabugin ko?!"

Mainit ang ulo ko, di ako mapakali sa pwesto namin, nakikita ko sila e.  Ang sweet.  Si Pem naman pa-cute.  Hindi ako nakatiis, tinext ko sya.

"Uy!" SMS sent

"?" SMS received

Nakakapikon talaga to oh, anong reply to?  Anak ng tokwa naman oh... 

"Mag-usap nga tayo!"

"May pag-uusapan ba?"

"Makikipag-ayos ako."

"Bakit, makikipag-ayos ka?  May sira ka ba?"

"Wow... ang lalim naman ng sagot mo! Ibaon kita 6 feet below the ground e!"

"K"

Waaaaaaaaaah... moody talaga ang babaitang to! Humanda ka sa kin mamaya! 

Nagkaayos din naman kami. May mga tampuhan lang talaga kung minsan kahit sa mga pinakasimpleng bagay. Gaya ng paghawak ng payong.

"Hawakan mo nga tong payong!"

"Mabisyo ka ha... Magdadala ka ng payong tapos pahahawak mo sa iba? Ako nga nagtitiis dahil di ko nakagawian ang pagdadala nyan."

"Hindi ka gentleman!"

"Ano ang ibig mong sabihin? Kapag ang lalake hindi tinulungan ang babae, hindi na agad gentleman? E di hindi ka rin magiging isang lady kung hindi ka natulungan ng isang lalake! Ganun ba?"

"Maghanap ka ng kausap mo!"

"Miss, pwede ba kitang makausap?"

(Dumiretso lang sya ng lakad. Parang hindi ako narinig.)

"Uy!" (May halong lambing)

"Tigilan mo ko!  Ang pangit mo!"

"Bakit maganda ka?"

"Kung sabihin ko bang 'OO' may magagawa ka?"

"Magpoprotesta ako! Loko!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 17, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

AKO SI PRINCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon