TH-1

132 4 3
                                    

"Kiks, tulungan mo naman ako mamili ng mga regalo mamaya for christmas oh. I've been busy these past few days narin kasi kaya nalimutan ko yung pagbili ng gifts.  Pleeaasseee" I said sweetly to Francis on phone.

"a-ah eh, sorry Mahal ha,  kasi ano, ano kasi uhhhmmm nagpasama rin si Mama ngayon mamili ng grocery para sa Noche buena, sorry talaga mahal. "

Disappoinment covered my face.

"ahh,  syempre ok lang. Geh mahal, kay Mika na lang ako mag-papasama tsaka kay Ella"

"haaa?  Uhm sabi kasi ni Ella may lakad din sya ngayon uhm kay Mika ka na lang mag-pasama mahal. Promise,  sasamahan kita next time!  Di lang talaga ako pwede ngayon." he said on the other line.

"ahhh ganon ba.  Sige kay Mika na lang. Geh mahal, maghahanda na ako.  Bye, Mahal. I love you, ingat ka. "

"geh Mahal,  ingat karin.  Love you" -Francis

I ended the call.

Hays,  he's been acting weird these past few days..

Oh baka ako lang tong weird,  maybe?

I was about to text Mika,  when she called up.

"oh Miks! Sakto napatawag ka! "

"Shar,  pasama naman mamili ng regalo oh.  Di kasi ako nakapamili dahil sa Prelim examination natin. Grabe!  hassle ng second sem! "

"hahahahaha baliw,  sakto! Ako rin eh, di pa nakapamili!  Geh kitakits tayo sa Mall,  12 noon. Sa national books store,  magazine section"

"geeehh byeeee kita kits! " she said as she Hang up.

6 pm na.

Matapos namin mamili ng mga regalo for our friends and family, napagdesisyonan namin ni Mika na magpahinga muna sa Starbucks.

Di kaya biro ang magbitbit ng 6 plastic bags and 4 paper bags for damn 6 hours.

We ordered for our own frappes and a slice of blue berry cheese cake then immediately searched for a vacant table.

Nagkwentuhan lang kami, ng nagkwentuhan.

"Uy shar,  matanong nga. Bakit hindi si Francis ang iniyaya mo ngayon?  Himala ha! "

Inubos ko muna ang kakasubo ko lang na Cake at uminom ng konti.

"ah,  kasi sasamahan nya daw Mama nya ngayon mag grocery."

"Ahhhh ganon ba. Uy shar!  Quarter to 7 na,  lika na,  uwi na tayo"

We decided to go home. Gabi na rin kasi at 30 minutes pa ang byahe pauwi.

"una na ako Sharleng!  Byeee" she waved and bid good bye as she entered the taxi. Nag ba-bye na lang din ako.

Naghihintay pa ako ng isa pang taxi na dumating.

Ayan meron na!

Paparahin ko na sana ang taxi ng makita ko ang isang familiar na pigura.

Wait,  is that Ella!??

With FRANCIS!??

TORN HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon