Chapter 16: Cloud?

306 17 1
  • Dedicated kay Para sa Lahat ng nagta-tyaga ng story ko.
                                    

A/N: Surprise! Christmas gift ko para sa inyo. :)

Merry Christmas! Take care and I love you all. :*

Don't give up on this story, please?

I'll update again before New Year. I hope you'll wait for it. :)

P.S. In-edit ko lang yung may ____ , nalimutan ko kasi nun, eh si MV lang yung mdali tandaan username. XD

-----------

Chapter 16: Cloud?

*Raine's P.O.V.*

Isang linggo na ang nakalipas matapos nung surprise ni Kevin sa akin nung birthday ko.

At ngayon nga nagsimula na ang Intramurals week.

Bilang candidate for Valedictorian, kailangan ko pa rin pumasok kahit na gusto ko na lang matulog sa bahay. 4 days na lang kasi pageant na. Rest day na rin namin.

Wala namang klase ngayon. May kanya kanya kasing booths na assigned sa bawat sections sa 4th years and 3rd years. Habang yung lower years, sila yung mga magiging customers at bukas din ang school para sa mga outsiders. Pero mas hinigpitan nila yung security. Yung college students naman, per course ang booths nila na susuportahan. Kumbaga tutulong sila. Bunutan yun kung saan sila tutulong.

Pumasok lang ako today para bisitahin ang booth namin.

Dahil 1st section kami sa 4th year, maganda ganda yung napunta sa amin. Kaya lang medyo hassle. Café yung napunta sa amin.

Kaunti lang naman ang sanay sa pastry sa amin. Mga 10 out of 35 . Yung Café naming, hindi lang sa cakes/sweets and coffees , nag ooffer din ng Pasta and different drinks. Para daw malakas ang kita.

Naglilibot ako ngayon sa school grounds.

Nandito kasi yung mga booths. May mga stalls na nakalagay tapos may mga chairs and tables lang para sa mga costumers.

Wondering why wala ako kasama ? Busy din sila sa kanya kanyang booths.

Sila Kevin, Luhan at Xiumin ang booth nila na nasuportahan yung sa Videoke/Singing booth ng 3rd year section B.

Sila Baekhyun, Yixing, Jongdae, at Chanyeol naman, sa Jail booth ng 4th year section C napunta.

Si Suho sa Bati booth ng 3rd year Section A napunta. Yung Bati Booth dun yung mga may gusto batiin ng personal or through letters or ipapabati mo lang dun sa announcer ata. Sila din yung nagdadala sa receiver nung mga letters. May ilan na sinasabi kung sino sila, yung iba hindi.

Ang tumutulong sa Section namin buti na lang mga Culinary arts students.

Lucky, right? XD

"Baekhyun, I love you na! Ang cute cute mo! Oh My Gosh! From Chelsea of 4th Year Section A "

Napatingin ako sa booth nila Suho dahil narinig ko sya. Sya pala ung nagsisilbing announcer ng Bati Booth. :D

"I so love you Kevin Wu! Iwan mo na lang si Raine! Sa akin ka na lang! Boring kasama si Raine. From Sheena of 3rd Year Section D." -habang binabasa ni Suho un, madilim ung anyo nya.

"Whoever this sender is, back off b*tch! Kay Jessica na si Kevin! And please lang pow, sa mga nagpapabati, be good please! Or else I won't read your F'in message!"

Napailing na lang ako at dinaanan na lang sila.

Hindi na lang ako nagpapaapekto sa mga naririnig ko sa paligid ko dahil wala naman ako mapapala kapag pinatulan ko sila.

"Raine! Ayan ka na pala! Tara na dun sa booth natin!" -sabi sa akin ng humahangos na si Aimie. Classmate ko.

Naglakad na kami patungo sa booth namin pero napahinto ako sa narinig kong message na para sa akin na binabasa ni Suho.

Her Hired Boyfriend. (EXO FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon