Chapter 13: Family day.

538 22 9
                                    

Note: Here’s Chapter 13. Hope you like it. :)

Thanks for still supporting this story kahit na matagal bago ko ito na update ulit. :)

Salamat din sa nagbasa ng note ko last chapter. :)

Maguguluhan kayo dito pero maiintindihan nyo din pagkadating ng revelations.

P.S. I'll edit the spacing pag nagka time ako ng maluwag. :)

Vote.CommentsPlease.Follow(?). Enjoy!

--------*

Chapter 13: Family day.

*Raine’s P.O.V.*

Sunday ngayon at nandito kami ng family ko sa isang private resort ng pamilya namin.

Birthday kasi ni Tita Priscilla. Gusto daw nya lahat makasama dahil minsan lang kami makumpleto dahil busy sa mga businesses nila. Pero wala naman ang anak nila ni Tito Chris.

Kanina pa ako bagot na bagot dito dahil wala naman akong ka-close sa mga 2nd cousin ko.

Ako lang kasi ang nag-iisang babae. =__=

 

“So kelan ang balik nyo sa space para sa experiment nyo?” –tanong ng isang tito ko kay Dad.

Yhup! Scientist si daddy at kasama din sya sa mga nagpupunta sa space para sa pinag-aaralan nilang planeta. Malayo daw ito sa Earth. Kaya minsan, hindi namin sya nakakasama ng matagal. Lalo na kapag umaalis sila.

Noon ngang 8 years old ako, nagpunta rin silang space tapos halos isang taon sila doon.

 

“Hindi ko pa alam. Pero ipinatatawag kami ng nakakataas eh.” –sagot ni Papa.

“Bakit daw?” –tanong ni Tito.

Alam kong masama makinig sa usapan pero hindi ko maiwasang macurious sa trabaho ni dad. Hindi naman kasi sila nagke-kwento sa akin pagdating sa trabaho nila. Lalo na sa pageexperiment nila sa space.

“Sabi ni Pareng Chris, kailangan daw kami kausapin ng nakakataas lalo na ako kaya kailangan na lumipad paalis.” –sabi ni Dad. Si tito Chris yung asawa ni Tita Priscilla.

So kailangan pala ulit nilang umalis.

Hindi nila ako napapansin na nakikinig dahil nandito ako sa may duyan sa gilid ng resort. Nasa may terrace naman sila.

“Alam na ba ni Raine at ni Jane?”

Jane ang pangalan ng mom ko at Ranzel naman si dad.

“Si Jane alam na yung tungkol dun, pero si Raine, hindi ko pa nasasabi sa kanya. Hindi ako makatyempo eh. Minsan naman hindi kami magpang-abot. Madalas umalis eh. Sabi ng mga maid, may boyfriend na daw.” –kwento ni dad.

So alam na pala nila.

 

“Aba dalaga na pala. Nakita mo na ba yung lalaki?”

Her Hired Boyfriend. (EXO FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon