【UNTITLED】

2 1 4
                                    

"Uy crush este pres. " Sabi ko sa crush kong President ng classroom namin
"Ano nanaman Belle" Parang inis na sabi nya kaya napa simangot ako

"Bat parang galit ka?" Nagpapacute kong sabi kaya parang lumambot ang ekspresyon nya HAHA sabi ko na crush nya din ako eh

"Oy di naman ako galit ah" Pagsusuyo nya saken sige lang crush suyuin mo pa ko tumango lang ako sakanya at bumalik sa upuan ko at Hindi na sya pinansin buong maghapon

Uwian na.
Habang papunta ako sa gate ay may nag text saken kaya binuksan ko yun it was my brother kaya napangiti ako dahil may naisip akong kalokohan

"Sino yan?" Nabigla ako dahil sa biglaang pag sulpot ni Joshua
"A-ah wala" Sabi ko at tinago ang Selpon ko Napatingin sya sa bulsa ko ng tumunog ito kaya dali dali ko itong kinuha at   naglakad palabas

Dun ko nakita si kuya na pinagkakaguluhan ng mga babae Napangiti naman sya ng makita ako at pilit na nakikipagsiksikan para puntahan ako

"Andito kana pala" Sabi nya at hinalikan ang ulo ko natural na naman kasi samin yun kaya ok lang

"Kuya Nakatingin ba sya?" Bulong ko baka kasi marinig kami e
"Oo, sobrang sama nga eh" Sabay kaming napatawa dahil sa sinabi nya

"Uhh kuya? Mukhang may problema tayo"sabi ko sakanya kaya nagtaka naman sya
" Ano?" Nag tatakang tanong nya
"Ung mga may crush sayo mukhang susugod dito anytime" Sabi ko at napatingin kami sa isa't isa mukhang pareho kami ng iniisip

"Pag bilang ko ng tatlo" Sabi nya nilingon ko naman ung mga babae at parang handa ng pumunta dito napadako ang tingin ko kay Joshua at nakita ko syang Nakatingin kay kuya ng masama

"ISA-"
"DALAWA-"
"TATLOOOOO-" kaya sabay kaming tumakbo at pumunta sa kotse nya agad nya naman itong pinaharurut ng mabilis

Pagkarating namin sa bahay ay tawa kami ng tawa dahil sa nangyari kanina

Kinaumagahan pagbaba ko sa kotse ni kuya ay nakita ko si Joshua na parang may inaabangan kaya nagkunwari akong nagseselpon dadaanan ko na Sana sya ng bigla nyang hinawakan ang Wrist ko

"Mag usap tayo" He said while dragging me arghhh
"Ano ba" Sigaw ko sakanya napatigil kami sa Likod ng school kaya tinignan ko sya ng masama

"Kung gusto mong pagselosin ako. Ok nagseselos na ko pwede bang layuan mo na yun" Dahil sa sinabi nya ay kinilig  Sino ba naman kasing babae ang di kikiligin diba?

"I like you Belle, no cut that--" Kaya nagtaka ako sa sinabi nya anudaw?
"I love you Belle" He said and kissed my cheeks and hold my wrist papuntang classroom.

One shot Stories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon