ᴥChapter Fourᴥ

67 5 3
                                    

~**~**~**~

Gising...

Hoy kayong dalawa gumasing nga kayo dyan!

Uy! late na kayo!

Tsk, putragis! Si Kuya ko bang ugok yun?? kainis ang aga aga istorbo mats.

“Ah sige hindi kayo gigising dyan” napangiti ako ng narinig kong umalis na siya. Haay buti naman makakatulog pa ako ng bongga!

“Gaaaaah!” napabalikwas ako sa pagkakahiga ko umulan ba? Napatingin ako sa paligid ko at nakitang nasa...

“Ay langya bakit nasa rooftop ako?” tanong ko

“Ugok ka talaga! Dito kayo natulog ni Chanyeol oh!” sabi ni kuya, may kasama pang batok yun ah. Geh. Pero what?! Kami ni Chanyeol? Napatingin ako sa likod ko at nakita si Dobi na basang basa din tulad ko. Oo binuhusan kami ni kuya ng tubig gamit yung sprinkler tch. Adik yan eh -__-

“Anong oras na kuya?” sabi ni Dobi habang tinatanggal yung jacket niyang suot kasi nabasa din.

“Oras? Late na kayo alam niyo yun?!” sigaw ni kuya

“Taray mo!” sabi ko sabay tayo tas hinila ko na ulit si Chanyeol. Pero bago kami bumaba sa second floor tumigil ako at humarap kay kuya

“andyan pa uniform mo no?” tanong ko sakanya. Tumango naman siya

“Pahiram muna--”

“waaah tomboy ka bunso?!!!!”

“oo bakla ka kasi” sarcastic kong sabi. Badtrip yan eh, pwede naman mang gising ng normal mang babasa pa? Sinimangutan niya naman ako, oo na ang cute ng kuya ko.

“oo naman no pwedeng pwedeng hiramin ni Chanyeol yun” si kuya kasi graduated yan sa school na pinapasukan ko ngayon. Kaya may uniform siya, and 3 years graduate na siya dun sa school na pinapasukan ko kaya college na siya. Pero kahit college pa lang siya pumapasok narin siya sa company namin. Tinuturuan kasi ni dad eh.

“Okay good” sabi ko sabay layas ulit.

Unidentified Feeling (HT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon