Chapter 25: First

8 0 0
                                    


Leyanne

"Hindi kita tinititigan no, iniisip ko lang kung paano sasakay," pagdadahilan ko.

"Dito ka sa likod sumakay kasi may upuan naman," tugon nito habang iginiya niya ako papunta sa likod ng bike.

"Wait lang, parang mahihirapan akong sumakay."

Hindi ito sumagot bagkus bumaba ito sa bisikleta. Pinatayo niya ang bisikleta ng mag-isa saka niya ako hinarap at tiningnan pagkatapos ay ngumisi ito ng bahagya na dahilan para bumilis ang pintig ng puso ko.

Damn, grabi 'yong karisma niya sa akin.

Nakakapraning!

Bago pa man ako bumalik sa aking katinuan ay nahanap ko na lamang ang kaniyang presensiya na ilang pulgada na lamang ang layo mula sa aking kinatatayuan.

Dahan-dahan niyang nilapit sa akin ang kaniyang mukha habang nagpapakita nang lokong ngiti.

Nagsisimula na ring mangatog ang aking mga binti dahil sa ginagawa nito. Nakakapanghina ang kaniyang paglapit. Tila nilalambot nito ang aking katawan. Sa isang iglap lang ay marahan niyang hinawakan ang aking pisngi at nawalan na nga ng lakas ang aking sistema nang magtama ang aming paningin.

"Subukan mo munang umangkas. Kapag mahirapan ka, bubuhatin nalang kita."

Namilog ang aking mga mata sa kaniyang sinabi at napabuntong-hininga. Dahan-dahan akong kumawala sa aming distansiya at inayos ang aking postora.

"S-sasakay na ako."

Natamaan ko ang pagngisi niya at ang pagkagat-labi niya bago niya sinampa ang kaniyang sarili sa bisikleta.

"Mabait na bata."

Gusto ko mang sumbatan siya dahil sa pang-aasar nito, ngunit sinamaan ko na lamang siya ng tingin dahil wala naman akong laban.

Mabilis ako mapikon at kilala ko na ang lalaki na 'to. Kapag alam niyang pikon ang isang tao, mas lalo lang niya itong aasarin. He's definitely good in ticking me off. Kung hindi ko lang talaga siya mahal, este gusto, matagal ko na siyang sinampal.

Nang makaangkas ako sa upuan ay bahagya akong nawalan ng balanse pagkatapos kong umurong.

Nahihirapan talaga ako lalo pa't unang beses kong sumakay sa isang bisikleta, ni hindi ko rin alam paano mag-drive ng ganito. Nakikita ko lang ang mga ganitong sasakyan sa daan at wala akong interest o balak na matutunan o masakyan man lang ito noon dahil feeling ko hindi ito komportableng sakyan. Pero ngayon, tila unti-unti akong nagkakaroon ng pagkawili lalo na't si Vein ang rason.

Nakakaimpluwensiya naman talaga siya. Simula nang makilala ko siya, tila napapansin ko na ang mga simpleng bagay sa aking paligid. Hindi tulad noon na tanging mararangya at magagarbong bagay lamang ang binibigyan ko ng halaga.

"Humawak ka kasi sa akin para hindi ka mahulog," saad nito nang mapansin siguro na nawawalan ako ng balanse sa pag-angkas.

"Nakahawak na nga ako," tugon ko habang sinamangutan ito.

"Huwag ka sa damit humawak."

"S-saan pala ako dapat humawak?"

Nilingon niya ako bago kumawala ng sariwang ngisi. Ilang segondo lang ay walang pag-aatubili niyang hinawakan ang dalawa kong kamay at marahan na pinalupot niya ito mula sa kaniyang baywang patungo sa kaniyang tiyan.

Nanginginig ako sa kaniyang ginagawa.

"Huwag kang kabahan, masasanay ka rin," pahayag nito na may halong pamang-asar na tawa.

Naramdaman ko naman ang pag-init ng aking pisngi. This's so embarassing!

"Okay kana? Sabihin mo lang kapag mahuhulog ka. May sasalo naman sa'yo."

Paano Kung (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon