Part 1

131K 1.8K 104
                                    


NAGTATAKANG nagpunta si Alden sa bahay ng kanyang kaibigang si Wyett sa Makati. May sorpresa daw ito sa kanya doon na tiyak na magugustuhan niya. Pagkatok niya sa front door ng malaking bungalow ay nagulat siya sa nagbukas niyon. Isang babae, nakasuot ng sexy outfit. Hindi lang basta abot-singit na sexy outfit kundi isang pang-nurse na outfit, kumpleto pa ito sa cap sa ulo.

"Hi, you must be Alden, the guy with a broken heart," maharot na sabi nito at hinila siya sa kuwelyo papasok ng bahay.

May isa pang babae sa salas na sumalubong sa kanya doon. Nakaputing outfit din ito, 'yung white lab gown na suot ng mga doktor; pero itim na pares ng panty at bra lamang ang suot nito sa loob niyon.

"W-what the fuck?!" naiusal ni Alden. "N-nasaan si Wyett?" natatarantang sita niya sa dalawang babaeng nag-umpisang ikiskis ang mga katawan sa kanya.

"In his room," malanding sagot ng babaeng naka-doctor outfit at humimas ito sa kanyang dibdib. "May tumatrabaho na sa kanya. He's on... fire."

Nanlaki ang mga mata ni Alden nang dilaan siya ng nurse sa leeg. "Saan mo gustong gamutin ka namin, lover boy? Dito sa salas or one of the spare bedrooms?"

"G-gamutin?" Lalo siyang nataranta. Pero hindi niya ikakailang natatablan din siya sa mga ginagawa ng dalawang babae sa kanya. Why, these women were so hot!

Si doktora ay hinihimas na sa pagitan ng kanyang mga hita. "Uhm, wow. Big boy," humahagikgik na komento nito nang dinakot ang ari niyang nag-uumpisa nang tumigas.

"W-w-wait!" humihingal na sabi ni Alden at pilit lumayo sa dalawang babaeng umaakit sa kanya.

Tang-ina mo, Wyett Paman! mura niya sa loob-loob. Alam na niya kung ano ang mga nangyayari. May kinalaman ito sa usapan nilang magkaibigan noong isang araw lang.

"Break na kami," balita ni Alden sa kaibigan niyang si Wyett nang kamustahin nito ang lovelife niya.

Sarado na noon ang Hive Quezon City Branch 2 kung saan siya ang branch manager. Nakikipag-inuman naman sa kanya ang kaibigan at business partner na si Wyett na siyang manager naman ng main branch nila sa Makati. Dinayo siya nito bago umuwi at niyayang uminom. Kaya heto sila ngayon sa sarado nang bar, umiinom ng brandy.

Isang disente, mamahalin at sikat na music-cum-sports bar ang Hive at dinarayo ito lalo na sa weekend nights kung saan may celebrity music performers. Lima silang magkakaibigan sa kolehiyo na orihinal na nagtayo niyon at unti-unti na rin silang nag-i-expand dahil may dalawa pang sumosyo sa negosyo nila. Papalakihin nila ang dalawang branches sa Quezon City upang para sa mga pribadong pagtitipon. Nagtatayo na rin sila ng branch sa Baguio City at pinaplano na rin ang isa pa sa Marikina.

"Ah, naging kayo ba ni Aubrey?" hirit ni Wyett. "Parang hindi ko namalayan."

Tinapunan niya ito ng matalim na tingin. "Sige, asarin mo pa akong gago ka."

"What?" pagmamaang-maangan naman nito. "Sa hindi siya parang girlfriend mo kung umasta. Parang ikaw lang itong ang umaastang may relasyon nga kayo."

Halos dalawang taon rin niyang naging ka-relasyon si Aubrey. Kababayan niya ito sa Laguna at schoolmate sa high school. Kasali rin silang dalawa sa malaking barkada. Nang lumipat ito ng tirahan sa Manila kung saan ito nakahanap ng trabaho sa isang marketing firm ay nagkalapit sila. Nauwi sila sa pagdi-date na nang naglaon ay naging isang relasyon. Everything was going smoothly, or so he thought.

"Lagi ka niyang inaaway. Lagi siyang nang-iindiyan sa mga date niyo, pati noong last birthday mo ay nakalimutan niya, hindi ba?" paalala pa ni Wyett sa kanya. "C'mon, 'tol, huwag mo na siyang panghinayangan pa. Bigyan na lang kita ng ibang ka-date."

Mutual Pleasure (PREVIEW ONLY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon