Part 5

54.5K 1.5K 49
                                    


SA isang magandang restaurant dinala ni Alden si Priss. Sa gitna ng pagkain ay unti-unti nilang pinapawi ang uneasiness na nakalukob sa kanilang dalawa. Nagkakuwentuhan sila tungkol sa kung anu-ano lang. Hanggang sa tumigil sa pagsasalita si Alden nang may parang namataan ito sa may pintuan ng restaurant.

Sinundan ni Priss ang tingin ni Alden at nakita niyang papasok doon si Aubrey. Agad naman silang namataan nito. Saglit na nagpalipat-lipat ito ng tingin sa kanilang dalawa saka ito lumapit sa kanilang mesa.

Pangdalawahang mesa lamang ang kinaroroonan nila ng binata kaya nananatiling nakatayo si Aubrey nang makalapit sa kanila.

"Hey guys, kumusta?" bati nito sa kanilang dalawa.

"I'm good," sagot dito ni Priss.

Nakamata naman dito si Alden, parang walang gustong sabihin. Halatadong masama pa rin ang loob nito. Parang gusto niya tuloy itong batukan at sigawan ng "uso ang mag-move on!"

Tumikhim si Aubrey. "Ahm, I was just thinking, puwedeng magsama ng chaperone sa party natin sa New Year?" tanong nito na nakatingin kay Alden.

Nagkibit-balikat naman ang lalaki. "Sure. Kahit ilan pang chaperone 'yan."

"Isa lang naman, si Joss."

"Ang bagong boyfriend mo?" sa wakas ay sabi ni Alden.

"Yes," very proud namang sagot ni Aubrey dito. "May problema ba sa iyo?" mataray pa nitong tanong sa dating nobyo.

"Wala naman. Bakit naman ako magkaka-problema? Break na tayo sa pagkakaalam ko."

Muntik nang matawa si Priss sa pag-aantipatiko ni Alden.

"Okay then," ani Aubrey na itinaas pa ang baba. "I'll see you guys sa New Year's eve."

"See you, Aubrey," paalam niya dito pagkatalikod nito.

Walang imik na nagpatuloy si Alden sa pagkain, malalaki ang subo, sunod-sunod. Halatang inis na inis.

"Huminga ka naman, baka mabulunan ka," biro dito ni Priss. "Imagine if you choke on your food to death. Anong sasabihin ko sa mga tao na sanhi ng pagkamatay mo? Na sa sama ng loob sa break-up niyo ni Aubrey ay pinasakan mo nang pinasakan ng pagkain ang bunganga mo at—"

"Tama ba namang ipamukha niya sa akin na may boyfriend na siya? At dadalhin pa niya mismo sa pamamahay ko!" parang hindi-makapaniwalang bulalas nito.

"Aba, pasensiya ka't ang bahay niyo ang venue ng party natin. Saka ano naman kung dadalhin niya ang bagong boyfriend niya doon? Affected ka?" tudyo niya naman dito.

"Damn right, I am! Heto ako't hindi pa nakaka-move on at ibabalandra na niya sa pagmumukha kong nakahanap na siya agad ng kapalit ko? That's not fair."

"Sometimes, life is not really fair, Alden. Deal with it."

"I am dealing with it, Priscilla," sabi naman ng lalaki. "Nahihirapan lang siguro ako dahil masyado akong na-attach sa relasyon namin. I was even thinking of marrying her someday." Umiling-iling ito. "What can I do? I grew up around loving and faithful couples— ang Lolo't Lola ko, ang parents ko, ang ate ko at ang asawa niyang Australian. Pati mga kaibigan ko sa trabaho'y masaya nang nagsipag-asawa. Kaya malaki ang paniniwala ko sa aming relasyon ni Aubrey, kaya ako naging matapat sa kanya't ibinigay ko lahat ng pagmamahal ko."

"Hindi masamang mag-expect. Pero hindi porke't nakita mong umubra sa iba ay uubra din sa iyo."

Kinunutan siya nito ng noo. "You're a cynic."

Tumawa siya. "Hindi ako cynic, 'no? Praktikal at realistic lang akong mag-isip."

Bumuntonghininga si Alden. "I can't keep doing this— this sulking and being miserable. Hindi maganda sa pakiramdam."

Mutual Pleasure (PREVIEW ONLY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon