Dalawang taon na lang at matatapos na ang junior high school life ko. Sobrang bilis ng panahon, parang kailan lang ay nag-exam ako para sa STEP (Science, Technology and Engineering Program). Hindi ko pa rin makalimutan ang kaba sa mga kasama kong nag-exam din, ngunit iba ako. Kailanma'y hindi ko pinagdudahan ang kakayahan at katalinuhan ko.
Ilang taon na rin ang nakalipas nang mabaliw ako sa maling tao.
Mabaliw?!
Isang taon na rin ang nakakalipas nang umamin sa akin ang kaklase kong si Kendrick, ang vice president sa klase. Kaya niya ako nagustuhan dahil sa matalino raw ako.
"Congratulations for having a perfect score in your quizzes, Miss Austria," natutuwang pagbati sa amin ng adviser at math teacher naming si Mr. Baldo. "By the way, I checked everyone's Form 137. Napansin ko na line of nine rin ang lowest mo, Arianna. Walang line of eight."
Napabuntonghininga ako at umirap nang palihim.
Okay. Grade ko na naman ang napansin.
"Ilan po ba, Sir?" tanong ng president naming si Sevillon.
"Arianna's lowest remark is everyone's one of the highest."
Napabuntong hininga na lang ako habang chini-chika ni Sir ang grades ko.
I may be smart, but I hate subjects related to History. Ang daming dates na kailangan kabisaduhin. Binabalikan yung mga hindi na dapat balikan.
Yung mga mag-ex na nagsisiraan, sa huli magbabalikan. Gago lang.
Pinilig ko ang aking ulo at nakinig na lang kay Sir.
"Do you still remember your lowest grade, Miss Arianna?" tanong niya sa akin.
"Hindi na po, Sir" tugon ko. "Ang pagkakaalala ko lang po ay AP ang pinakamababa."
"Yes, and it's 93."
Bigla akong nakaramdam ng hiya at gusto na lang magpabaon sa lupa.
Talagang pinagsigawan pa sa buong klase yung lowest grade ko.
Ninety-three? Yawa.
"Seryoso?"
"Woah!"
"Lowest pala iyon? Nahiya yung 87 sa AP ko."
"Akin nga 83."
Iyan ang mga naririnig kong reaksyon ng mga kaklase ko, ngunit binalewala ko na lamang iyon.
"That's all for now. Class dismissed. Happy weekend, everyone."
Nagpaalam na kaming lahat saglit, at nang makaalis na sa room ang adviser namin ay nilapitan ako ng iba kong kaklase sabay nagbigay papuri sa mataas kong grado. Sinagot ko na lang sila nang naaayon sa maari kong sabihin.
"One of my highest ko nga iyang 93. Grabe ka talaga, Arianna," ani Kendrick.
He is Kendrick Louis Lacaden, Ken in short. Kaklase ko simula grade seven
He's also my admirer.
"Mismo," sang-ayon naman ni Kinsley.
"Ganiyan na talaga siya," sumabat naman si Cassandra, in short, Cassie. Siya ang kababata at kaklase ko simula elementary. "Sumasali pa iyan sa extracurricular activities kaya hakot award. Kulang na lang sa kaniya na mapunta lahat ng medal noon."
"OA mo naman," asik ko.
"Totoo naman kasi. Bruha!" asik niya pabalik bago kausapin si Ken. "Kung titignan mo yung kwarto niya, puro medal. Ginto lahat, walang pilak at tanso."
BINABASA MO ANG
UNREQUITED LOVE (Hidden Feelings Series #1)
RomanceHidden Feelings Series #1 Arianna finds herself deeply infatuated with her schoolmate's cousin, Rhyle, who also happens to be her childhood friend, for over 8 years. Despite her growing feelings, Arianna was convinced that her long-term crush has...