Napupuno ng ingay at tawanan sa canteen habang tahimik akong naghihintay sa kaklase kong si Chreazelle, Zelle for short. Tanghali ngayon kaya maraming tao.
Kasalukuyan akong nakaupo sa malambot na sofa habang abala sa pagrereview para sa summative test namin sa math at science.
Sampung minuto magsimula ang lunch time ay sumulpot sa harapan ko si Zelle. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at napakunot-noo ko nang mapansing wala siyang kasama.
"Mag-isa mo lang?" halata sa boses ko ang pagkadismaya nang tanungin ko siya.
Hindi naman kasi sumama yung inaasahan kong kasama niya.
"Oo. Sorry na-late ako. Nag-overtime kasi yung teacher namin sa Filipino," tugon niya at umupo sa sofa na kaharap ko lang.
"Lagi naman," iyon na lamang ang sinabi ko at nagpatuloy sa pagre-review.
"Review na naman," Natatawang tinuran niya. "Alam mo, Arianna, napapansin ko kahit saan tayo tumambay, nagrereview ka."
"Oh tapos?" pagtataray ko sa kaniya. "Hobby ko na ang pagre-review. Saka isa pa, hindi ko masisikmurang magkaroon ng 89 below na grade, nakakahiya."
"Anong nakakahiya? Hindi naman," aniya. "Mataas na nga iyan para sa akin--"
"Sa'yo lang. Sa akin hindi," I cut her words off. "Huwag mo 'kong igaya sa inyo."
Ngumuso siya at tila hindi nagustuhan ang huling sinabi ko.
"Ikaw naman. Sinasabi ko lang naman opinyon ko," aniya.
"Alam ko. Mali ko rin namang nasabi ko yung nabanggit ko sa'yo kanina, pero hindi mo 'ko masisisi. Magkaiba naman talaga tayo," tugon ko.
"Ang taas talaga ng pride mo, 'no," natatawang tinuran niya kaya natawa rin ako. "Hindi ba uso sa'yo ang mag-sorry?"
"Hindi," diretsong tugon ko. "Kung mali sana sinabi ko, pero hindi. So don't expect that I will apologize."
"Ay english 'yun! Wala akong laban diyan."
Ang kaninang seryosong usapan ay nauwi sa tawanan. Kahit kailan talaga hindi kami nagkaroon ng seryosong usapan, maliban na lamang kung sabihin ko sa kaniya ang lihim na matagal ko ng itinatago. Kung bibilangin, isang taon na ang lumipas.
Ito yung lihim na ayaw na ayaw kong malaman ng kung sinuman, kahit siya.
Hindi naman rektang may kinalaman siya, pero isa sa pinakamalapit sa kaniya.
"Huy!"
Bumalik ako sa ulirat nang bigla niyang tinapik ang balikat ko.
"Okay ka lang? Natutulala ka."
"Oo. Okay lang," tugon ko at nag-iwas ng tingin. Panahon na nga ba para sabihin ko kay Chreazelle ang feelings ko sa pinsan niya?
Matagal ko na talaga itong gustong sabihin sa kaniya pero may pumipigil sa akin. Kaba at takot. Hindi naman sa natatakot ako na baka iwasan niya ako, pero kinakabahan ako sa posibleng marinig ko sa kaniya.
I'm too young for this. Grade four pa lang ako tapos itong feelings ko agad iniisip ko. Kung tutuusin, hindi dapat ito dapat sineseryoso ngunit iba pagdating sa kaniya.
"May sasabihin sana ako," kinakabahan kong tinuran at nilaro ang mga daliri ko. "Huwag kang boka, okay? Lalo na sa pinsan mo."
"Bakit naman?" nagtatakang tanong niya. "Hindi naman boka si Rhyle at mas lalong di niya rin sasabihin sa iba."
BINABASA MO ANG
UNREQUITED LOVE (Hidden Feelings Series #1)
RomanceHidden Feelings Series #1 Arianna finds herself deeply infatuated with her schoolmate's cousin, Rhyle, who also happens to be her childhood friend, for over 8 years. Despite her growing feelings, Arianna was convinced that her long-term crush has...