Chapter 5

9 2 0
                                    

A/N: Advance sorry po sa mga typo error. Pasensiya na po 😔


Nandito kami ngayon nila  Nica sa CEIT cafeteria with our friend Gelo agri student yan . Sa layo ng department nakapasyal pa siya dito no? Bakit? Syempre ano pa ba, MAGPAPALIBRE daw siya dahil ayaw niyang gumastos this day . Ammp Kuripot kamo!

"Gelo wala ka ba talagang hiyang kumag ka at nakuha mong magpalibre sa amin? Like lengya nakuha mong pumunta dito? Pero ayaw mong gumastos? " -Nica , kanina pa siya galit kasi lahat ng pagkain niya kinukuha ni Gelo

Actually kanina pa sila nagbabangayan simula nung pagka upo namin mismo dito

Pinagtitinginan na nga kami, paano ba naman kung makipagsigawan sila dito. Atsaka kilala din itong si Gelo kasi baseball player,not to mention na siya ang team captain. Kaya yung mga babae dito parang nga kitikiti sa sobrang kilig. Wala sa mukha niya! Hmmp napakachildish kasi, minsan lang nagseseryoso at ang minsan na yun sa loob lang ng field!

Tsk. Maingay!

"Brad eh otso pesos lang naman ang pamasahe ehh , iniwan ko nga ang sasakyan ko dun para less gasolina" -Gelo , halos hindi na niya masabi ang mga salitang yan sa dami ng pagkain sa bunganga niya . DUGYOT!

Natapon pa sa akin ang iba. Nakakainis

"Yakk! Naman Gelo, ang dumi mo!"

Pero siya tawatawa lang at mas lalo pa niyang ginawa

"Yakk naman gelo, ang dumi mo! LANGYA Dina ang arte mo din eh!" He said mimicking me

"Tsk. Bwisit ka kumain ka na nga jan! Baka masapak na kita pag hindi ka tumigil" pananakot ko sa kanya

"Anong nangyari sayo beh?Ba't ang sungit sungit mo ngayon?Diba dapat masaya ka kasi nagdate kayo kahapon ni Kayle mo!"

Bigla naman naubo si Gelo at natapon lahat ng pagkain sa bibig niya . KADIRI!

"sorry sorry brad, nagulat ako!" Paghingi niya ng paumanhin at pinunasan ang mukha ni Nica na natapunan niya

"Putragis Gelo!" Namumula na si Nica  sa inis . HAHAHAHA

"Nag sorry na ako brad . Nagulat lang talaga ako sa sinabi mo"-
Gelo

"Tsk. Pero di nga Dina ano bang nangyari at nakabusangot ka jan eh dapat nga ngayon magtatalon ka na saya?" Pangungulit pa ni Nica

Ayaw ko na sanang maalala yun pero pinaalala pa ng bruha kasi sa tuwing binabalikan ko ang nangyari mas lalo ako nalulungkot . Hindi ko naman kasi iniexpect na ganun pala siya ?

Flashback

Kanina pa ako dito naghihintay sa labas ng condo namin. Sabi kasi sa text ni Kayle ay siya na daw ang susundo sa akin, So hindi na ako magdadala ng sasakyan . 8:00 am ang call time namin pero hanggang ngayon 8:23am  wala pa din siya . Naiiyak na ako kasi para na akong tanga dito , pinahiram na ako ng guard ng upuan kasi naawa na siya sa akin. Maya't maya tinitingnan ko ang relo ko! Kainis kanina pa siya late!

Pinipigilan ko lang talaga na wag tumulo ang luha ko  dahil sa sakit at pagka awa sa sarili

Masyado ba talagang mahirap siputin ako ?

Pinaasa lang ba talaga niya ako na manonood kami ?

Patingin tingin ako sa aking relo at sa tuwing may sasakyan na dumadating umaasa ako na siya na yun .

USM Series #1. Fight For SomeoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon