Chapter 6

14 3 0
                                    


Busy ang  lahat ng student lalo na ang mga officers ng bawat department dahil ngayon ang start ng pagpapatayo ng mga booth ng bawat team . This coming Pasiklaban eight teams ang maglalaban. Halos lahat ng department ay kasali kaya mas bongga ngayon at pinaghahandaan ng bawat teams . Lahat gusto maging champions . Kaya ito kami ngayon lahat ng officers ng department namin sa field para ayusin ang booth namin. Ang team ng booth namin this time ay patungkol sa pirates. Naglanggay kami ng malaking boat at yun na ang pinaglalagyan namin ng design . Yung ibang teams kanya kanya ding tema . May nagtayo pa ng malaking spongebob , mga pang greek , meron pang pang animals ang peg. Halos lahat hindi papatalo sa booth

"D, samahan mo muna ako bili tayo merienda natin" Rain, aya ni   Gov sa akin. Hindi niya talaga pinapabayaan ang mga tao . Akalin mo siya pa naghintay sa amin. May mga volunteers din naman na tumutulong. Halos lahat nga mga lalaki

"Ayieeeeeeeeee" tukso ng mga kasamahan namin. Ganyan talaga sila sa amin. Kanina pa yan, kesyo daw napaka sweet namin ni Gov. Tangna anong sweet sa kanina pa ako inuutusan at kung ano ano ang pinapaabot? Mga pag iisip nito baliktad eh !

"Tigilan niyo na nga yan, baka magkatotoo. HAHAHA" Nica, bigla bigla na lang sumusulpot ang babaeng to . At akala ko papatigilin niya ang mga kasam namin yun pala siya ang pa talaga ang sumusulsul. Lengya ka talaga Nica!

At mas lalong kinilig ang mga kasamahan namin, lumakas ang kanilang tilian kaya pati yung mga katabing mga students sa ibang booth nakisali na din. MGA GONGGONG!

"Stop it guys" namumulang sabi ni Rain, kahit anong pilit niyang iwas ay mas lalong kami tinutukso lalo na ngayon sobrang pula ng mukha niya

"O eh ang ganda ganda naman ng bestfriend ko . Taray haba ng hair " Nica

"Tumahimik na nga kayo!" Ako, sabay hila kay Rain para makaalis na sa lugar na yun at makabili ng makakain namin

Hindi pa din sila tumigil kahit malayo na kami, yung ibang students pinipicturan pa kami . Nasulyapan ko pa ang mga barkada ni Kayle at siya sa kanilang booth. Tinutukso siya yata nila Sean at sobrang inis ng mukha niya ng bumaling sa amin pero hindi ko na siya pinagtuunan ng pansin. Galit pa din ako sa kanya !

"Sorry D ha. Mga pasaway lang takaga ang mga students sa department natin. Ang lakas makapang asar. HAHAHAHA" paghingi ng paumanhin ni Gov. Rain pero natawa din sa huli . Ang cute!

" HAHA hindi ka pa nasanay eh halos lahat ng students sa department natin ang lakas mang asar" ako

Sa CBDEM cafeteria  na lang kami bumili ng merienda kasi ito yung pinakamalapit sa field . Ayaw na din kasi lumabas ni Gov. kasi matatagalan pa daw kami. Halos lahat ng binili namin si Gov. na ang nagdala, kaya niya naman daw. Isang supot lang ang pinahawak niya sa akin atsaka yung phone at wallet niya .

"Okay ka lang ba Rain? Gusto mo hati na lang tayo?" Pag aalok ko , eh hirap na hirap siya

"Naku D, oks lang ako. Magaan lang to" Rain, nag thumbs up pa siya para ipakita na okay lang na kaya niya .  Bilib din ako sa lakas niya

Paminsan minsan napapahinto kami para magpahinga siya . Ang bigat talaga ng dinadala niya, dalawang supot ang hawak niya, sa kanan na naglalaman ng mga softdrinks at dalawa din sa kabila na may mga sandwiches at iba pa.

"Oii Gov. mukhang hirap na hirap ka ah" Sean, hindi ko namalayan na nakalapit na pala sila sa amin. Apat silang lahat, si Sean, Kayle, yung isa niyang kaibigan na unggoy at hindi ko kilalang babae . Baka classmate nila? Hmmmp

USM Series #1. Fight For SomeoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon