Prologue
"Engineer Garcia, ikaw muna ang umattend ng meeting sa Zapanta, pinatawag kasi ako ng president. I'll send you the details," nawala ang ngiti ko sa text ni Engineer Ortega sa'kin. Then I received the details for this afternoon's meeting.
I'm just here inside of my office, nagdedesign ng bahay na ipapagawa ng bestfriend ko. She can design her own house pero ako pa rin ang kinuha, tsk.
I replied engineer Alex,
to: Engineer Alex Ortega
Ba't ako? Si Anderson papuntahin mo.Ba't ako pa? Akala ko ba head engineer lang ang pupunta sa meeting dahil ayos lang na wala kami. Engineer Ortega's our head engineer ng project namin sa Zapanta Group.
My phone vibrated, bilis mag reply!
from: Engineer Alex Ortega
'Di makakapunta si Anderson, may meeting din siya ng 1 pm sa isang project niya sa Tagaytay.'Yung babaeng 'yon talaga!
'Di pa ako nakapag reply ay nag text ulit siya.
From: Engineer Alex Ortega
Don't worry, nandoon din si architect Mendoza. Alam mo namang 'di pa talaga natin maaasahan 'yung dalawang bagong salta.Sabagay, 'di pa talaga namin maaasahan 'yong dalawang bagong engineer sa team namin kaya walang ibang maaasahan si Alex kung 'di ako.
Sila pa talagang lahat may meeting, ugh. Great, I guess I have no choice. Bukas pa kasi ako pupunta sa isang project ko sa BGC kaya sa office muna ako ngayon.
I cleaned my table before leaving my office so that I can grab a lunch. Almost 12 pm na rin naman.
1:45 pm nang natapos ako sa pagdedesign at naghanda na para sa meeting namin sa Zapanta.
I just wore a white blouse inside of a two piece sky blue suit, tied my hair into a bun and put some lip tint. I don't wear make up kaya ayos na ako sa tint lang. Since I was a teenager, hindi talaga ako mahilig mag make up, except pag may occasions of course.
I lefy my office with just my white sling bag. Wallet, a handkerchief, phone, and keys lang naman ang kailangan ko, na'kay architect Mendoza ang presentation namin so wala na akong iba pang kailangang dalhin.
Hindi nakisabay ang traffic kaya mabilis akong nakarating sa Zapanta Group. Kinakabahan pa'rin ako, it's been years since I went here.
Nawala ang kaba ko pagpasok ng board room dahil nandoon na si architect Mendoza. I sat beside him. Nag usap kami tungkol sa isang project niya sa Quezon nang biglang bumukas ang pinto at pumasok doon ang lalaking kilalang kilala ko.
"Good afternoon, president."
"Good afternoon, Sir."
"Good afternoon, Mr. Zapanta."
Bati ng mga tao sa board room pag pasok niya. Nagtama ang mga mata namin ngunit saglit lang iyon at nagtuloy tuloy siya sa pag pasok.
My heart raced. Myghad! Calm down self, calm down.
I composed myself, inhale, exhale.
Wala ka ng pakialam dapat, Shan. Wala na. It's been years already!
"Good afternoon everyone. Let's start the meeting." bossyng aniya at umupo sa pinaka dulong upuan.
Para akong na stiff neck dahil ayaw ko talaga siyang lingunin sa inuupuan n'ya. Hindi naman napapansin ni architect Mendoza ang kilos ko kaya ayos lang.
Tatlupong minuto na ang lumipas mula ng magsimula ang meeting nang dumating si engineer Ortega. Hindi ko na muna kinausap si Alex, tumayo na ako at nagsimulang mag present sa harap.
Buong presentation ko ay hindi ko siya tinapunan ng tingin dahil kinakabahan ako, hindi dahil sa presentation, kundi sa kanyang mga titig na tagos na tagos.
Pagkatapos kong mag present ay umupo na ako sa gitna nina engineer Ortega at architect Mendoza. Kinulit ko agad si Alex.
"Akala ko 'di ka makakapunta?" tanong ko pa.
"Mabilis lang kaming natapos. At 'eto kasing si Nick, text ng text ang gago. Kailangan daw ako dito tsk," sagot niya sabay turo kay architect Mendoza. Magsasagutan na naman 'tong dalawang 'to hays.
"Luh! Totoo namang kailangan ka dito," pabulong na sabi niya at dumukwang pa sa harap ko para makita si Alex, "At ikaw ang head engineer kaya dapat nandito ka tsk," dugtong niya pa. Umirap pa ang gago, ang sagwa! Hahahaha.
Nageenjoy talaga ako pag nagsasagutan 'tong mag bestfriend na 'to. Mga isip-bata 'yan talaga 'yan sila.
Binulungan ko nalang si Nick na pabayaan nalang si Alex dahil nasa meeting pa kami, aabangan daw namin si Alex mamaya, hays isip-bata talaga.
Napahinto kami sa pagbubulungan nang may tumikhim at inagaw ang atensyon ko.
"How long would be the construction take, Engineer Garcia? In your estimation?" anang baritonong boses.
Napakurap kurap naman ako bago sumagot, shit! "Two years, more or less, Mr. Zapanta."
Pwede namang si Engineer Ortega ang tanungin n'ya, ba't ako pa? Tss.
"Okay," ang cold, "So as we can see..." at nagpatuloy na siya sa pagsasalita sa harap na parang walang nangyari.
Wala naman talaga. Wala na.
Sinong magaakala na magkakilala kami personally? Na may nakaraan kami?
-----
date written: 170320
date published: 100620Hope you like my work.. and don't forget to vote, thanks :*
twt/ig: @shanecafee
BINABASA MO ANG
Quédate Conmigo
General FictionShan, a student who's determined to finish her degree. A loving daughter, sister, and a friend. Inside of a tough looking lady is a little girl who only dreamed to reach her goals. Until she met Joshua Daniel Zapanta. What will she choose, her drea...