Kasunduan

15 3 0
                                    


"Mr. Deimier Benedict Racelis!"

Nagpalakpakan ang mga tao. Ang daming bulungan. Buong oras ng pageant ay sya lang ang nasa isip ko.

Nang natapos ang Pageant ay sinalubong ko sya sa backstage.

"Uy! Ikaw pala 'yun!" Sabi ko sa kanya.

"Do I know you?" Masungit nyang sagot. Inirapan ko sya.

"Sorry, badtrip kasi ako kanina." Sabi ko at tumawa.

"So, kumusta ka?" Tanong nya. 

"Okay lang. Ikaw? May lagnat ka pa rin?" Tanong ko sa kanya habang nag iikot kami sa campus.

"Wala na. Actually, okay na nga pala kami. That night, she came to our house. She apologized, binili nya ko ng gamot and okay na kami." Aniya.

Kita ko ang ngiti sa mga mata nya. Ipinag paliban ko nalang yung nakita ko sa mall. Ayokong sirain ang araw nya.

"So ikaw? Kumusta ka naman?" He asked.

"Okay lang naman, buti nalang ngayon kita nameet, hindi ako masyadong busy sa school." Sabi ko.

"President ka pala dito ha." Aniya. Nginitian ko lang sya.

"Ano gusto mong kainin?" Tanong ko sa kanya.

"Anything. Ano ba masarap dito?" Tanong nya.

"Well, I recommend Francis' Pizza. You should try it!" Sabi ko sa kanya.

Sya ang umorder ng kakainin namin. Habang bumibili sya ay nag isip na ko ng pwedeng itopic namin habang kumakain.

Madaming babae ang napapatingin sa kanya habang nag lalakad sya papunta sa aming table dala-dala ang isang tray ng pagkain.

"Bakit hindi mo sinama girlfriend mo?" Tanong ko sa kanya.

"Nung nag punta sya sa bahay, umalis na sya kinabukasan kasama mga kaibigan nya papuntang Davao." Aniya. "Ikaw, kumusta lovelife?" Tanong nya.

"Nasa maling tao pa sya." Sabi ko. Tumawa naman sya.

"Hindi mo ba boyfriend yung kanina?" Tanong nya.

"Sinong kanina? Si Vince?"

"Yep."

"Walang something samin 'no. We're just friends." Sabi ko.

"Attention, Ms. President. Please come to the office right now." Rinig ko sa speaker ang boses ni Vince. Bakit ba ng daming may kailangan sa akin kapag kumakain ako?

"Looks like you're busy, huh." Aniya.

"Do you want to come with me?" Tanong ko sa kanya.

"Sure." Aniya.

Nagpunta kami sa office. Nandoon si Vince tsaka si Andrea. Napairap ako sa kawalan.

"Ano ba kailangan mo?" Maarteng tanong ni Andrea. Aba, sya pa itong nagtataray.

Pinaupo ko muna si Deimer sa couch. Naupo naman ako sa upuan sa may long table. Ganon din si Vince.

"Anong oras ka nagising?" Unang tanong ko sa kanya.

"6am." Aniya.

"6am ang call time natin diba?" Tanong ko sa kanya.

"Na-late ako ng gising." Aniya.

"Bakit? Ano ginawa mo kagabi?" Tanong ni Vince.

"Nag review ako para sa finals." Ani Andrea. Umirap ako sa kawalan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 03 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Doctors (Chat-bot Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon