Question: May book 2 po ba ang DA?
Answer: Wala po at wala na po akong balak gumawa ng Book 2 ng Dauntless Academy. However, a sequel is POSSIBLE pero mapupunta siya sa ibang series which is connected sa Galaxias series. Story siguro ng anak ni Eshtelle at Asher.
-
Question: May special chapters po ba?
Answer: I'm planning to add special chapters after I finished the whole series. Probably two to three special chapters each story.
-
Question: Sinong nanalo sa Choque de la Magia?
Answer: There was no winner dahil sinira ni Eshtelle Alexa ang sistema ng CDLM at nagkaroon ng aberya sa labas ng tournament dahil doon. (Issue regarding King Sherbet and Galaxias). Pero nabanggit doon sa Sanctum Academy na inilagay na rin ang Lunaticus bilang winner sa nakaraang tournament upang itago at hindi na palawakin ang issue tungkol sa nangyaring kaguluhan sa loob ng CDLM.
-
Question: Bakit puro Ash ang pangalan ng characters?
Answer: Una sa lahat, yung tatlong may 'Ash' sa pangalan ay may connection sa bida (Asher, Ashley, and Ashton) as mentioned in the story. Pangalawa, trip ko lang talaga ipangalan iyon kasi nagustuhan ko HAHAHAHAHA.
-
Question: Sila Eshtelle at Asher pa rin ba ang nagkatuluyan even after the epilogue?
Answer: I recommend you to read Sanctum Academy. (Medyo spoiler) May appearance silang dalawa roon kasama si Linus. May connection sila sa bida ng Sanctum Academy.
-
Question: May story ba si Linus Michelli? Saang series po siya kasama?
Answer: Meron, pero secret muna kung saan. 🤪
-
Question: Saan po inspired 'yong story niyo?
Answer: Inilagay ko na ito sa note bago magsimula ang story pero sige ieexplain ko. Ang concept ng buong Galaxias ay inspired sa concept ng Divergent while ang concept naman ng Choque de la Magia tournament ay inspired sa The Hunger Games.
-
Question: Nabasa ko po yung complete list of stories niyo. Yung Beyond Galaxias Series po ba ay kadugtong ng Galaxias Series?
Answer: Yes po. Bale magiging ganito po ang order "GALAXIAS SERIES - BEYOND GALAXIAS SERIES - HALF BLOOD SERIES". Ang Galaxias series ang introduction to Beyond Galaxias series at ang Half Blood series naman ang epilogue of Galaxias series.
-
Question: Magkakaroon po ba ng storya ang magiging anak ni Eshtelle at Asher?
Answer: Yes. Sa Half Blood series.
-
Question: Saan po tungkol ang Beyond Galaxias series? Ilang story po 'yon?
Answer: It's composed of three different stories. Halos lahat ng leading characters doon ay nabanggit na o mababanggit sa Galaxias series. The concept of the whole series is about the love between two people beyond the boundaries of Galaxias and Earth.
-
Question: Saan po tungkol ang Half blood Series? Ilang story po 'yon?
Answer: Three stories din. Nabanggit ang tungkol sa characteristics ng isang half blood sa Nexus Academy: The Enchanted Home. Doon iikot ang konsepto ng buong series.
-
Question: Ano pong genre ng Ardor Academy?
Answer: More on Action and Thriller.
-
Hi! I'll update this kapag may panibagong Q&A akong idadagdag. You can send me your questions via private message or maybe you can comment it below. Thank you! x
BINABASA MO ANG
Guidebook
RandomA complete and quick guide/compilation of facts about itsartemiswp's stories.