SOUTH's POINT OF VIEWMabilis kong kinuha ang lalagyan ko ng tubig na nasa isang tabi at ininom iyon kaagad. Ramdam na ng katawan ko ang pagod dahil kanina pa kami nag pa-practice.
Tiningnan ko ang oras mula sa nakasabit na wallclock, 11 na pala ng gabi at kaninang alas singco ng hapon pa kami nag simulang mag practice.
Nang mag salubong ang mata namin ni kuya Sejun ay agad itong lumapit saakin. "Okay ka lang?"
Tumango ako. Siya naman ay pinunasan ang pawisan kong noo kaya sumandal ako sa may pader na nasa likod ko at pumikit.
"Water pa?" I heard him ask.
"Hmm." Sagot ko.
Ramdam kong umalis ito sa harap ko at agad ding bumalik at inabutan ako ng isang water bottle. "Thanks." Sabi ko at nginitian siya.
Umupo naman ito sa tabi ko at maya-maya ay sumandal sa balikat ko.
"Hoy, lovebirds! Mamaya na yan, practice muna!"
Napailing-iling nalang ako at tuluyan ng inubos ang tubig na binigay saakin ni kuya Sejun.
Ilang buwan na din ang nakakaraan mula noong na-hospital ako. Naging okay naman ang pakiramdam ko, kahit minsan medyo nahihilo.
Kuya kept bugging me about going to US, but I haven't made a decision yet.
Minulat ko ang mga mata ko at nilibot sa buong practice room. Meron si kuya Josh at si kuya Ken na nag kukulitan. Si kuya Stell na sumasayaw parin kahit break time. Si kuya Sejun na nasa tabi ko at nag papahinga. Tapos si Justin na nakatutok sa cellphone niya.
Paano ko muling makikita itong scene na ito kung aalis ako?
My doctor back in the US said that if I manage to survive while they take out the bullet, may 90% na makakalimot akong muli.
Paano nalang kapag nangyari iyon?
Pero paano... kapag hindi ako naka survive?
Pero sabihin nating, tagumpay ang surgery, paano kung mawala nanaman ang memorya ko? Ano, back to zero ulit? Makakalimutan ko ang lahat ng 'to? Makakalimutan ko ang SB19? Ang A'tins?
Hindi ko yata kakayaning mawala nanaman ang memorya ko for the second time around. That'll be hell for me.
"South, practice na." Rinig kong tawag ni kuya Stell. Tumango ako at tinapik si kuya Sejun na nakatulog na yata sa balikat ko.
"Gising. Practice na."
Nag practice pa kami ng ilang oras hanggang sa pinauwi na kami. Alas dos ng madaling araw kami nakauwi.
Pag dating sa dorm ay nag shower muna ako at nag patuyo ng buhok bago tuluyang natulog na.
Alas diyes na ng umaga ng magising ako. Nag hugas muna ako ng mukha at nag toothbrush bago lumabas. Naabutan ko si kuya Stell na nag luluto ng pagkain.
Tumulong akong mag ayos ng lamesa at maya-maya pa ay sinaluhan na rin kami ng iba.
Nag kayayaan silang lumabas dahil wala kaming schedule ngayon, pero hindi na ako sumama. May check-up kasi ako sa hospital ngayon.
YOU ARE READING
SB19's New Member
Fanfiction"South Ventura, new member of SB19!" And that's where it started. That's where my life had changed. Forever. started: april 10, 2020 ended: cover by: pcy4lyf