SOUTH's POINT OF VIEW"Kiro! Come down here, kakain na tayo!"
"Coming, mom!"
I saw Kiro running through the staircase and eventually sitting down beside me. And on my left side was my kuya, Keith.
We prayed before we started eating. "South," dad called.
I looked at him while chewing my food. "Are you sure you're ready to go home?"
"Yes."
It's been five years since I left. Supposedly, two years lang, and then it got extended and extended and extended. But on the bright side, I'm completely okay now. No more bullets.
After eating, I went out to our garden. Umupo ako sa bench at hinawakan ang bracelet na binigay saakin ni Justin noong first year anniversary ng SB19.
For the first two years, I kept in contact with them, pero nung tumagal, I deactivated my accounts, thinking na baka umuwi ako ng wala sa oras dahil sa pagka miss ko sakanila.
But If you ask me, yes, I know how they are. Madami na silang songs na na-release for the past five years. They are doing so well and I am so proud.
Miss na miss ko na sila. Sobra.
Five years na ang nakalaan. Handang handa na ulit akong bumalik sakanila.
"South!" Lumingon ako sa tumawag saakin at nakita si Five.
Five Lim. My Chinese friend. Nagkakilala kami sa hospital, just like me, may sakit rin siya, Congenital Heart Disease. Nagpa heart transplant siya and he is healthy as new as of today. Nasa iisang ward lang kami kaya kami naging close.
"Five! Hey, how are you?"
"Okay naman ako." Napangiti ako nang sagutin niya ako sa tagalog.
Sabi kasi niya, turuan ko raw siyang mag tagalog para kapag nag uusap kami ayos lang na mag tagalog ako, dahil sabi niya, alam niyang may komportable akong nag tatagalog.
"Naks. Gumagaling mag tagalog ha." Sabay hawi ko sa buhok niya. Tumabi siya saakin sa bench at bumuntong hininga.
"I'm excited, South." He said.
Napakunot naman ang noo ko. "Excited saan?"
"Sa pag punta natin sa Pilipinas." Ngumiti ito. "I'm excited to meet your friends, especially Justin." Then he wiggled hos eye brows. Halatang inaasar ako.
Madalas ko kasi siyang kwentuhan ng tungkol sa SB19 noong nasa hospital kami. Inirapan ko siya habang siya ay patuloy sa pang aasar saakin.
"Stop it, Five. Hindi kita isasama sa Pilipinas." Saway ko. Pero binaliwala niya lang ito at nag labas pa ng dila na parang bata.
"Wala kang magagawa, may ticket na ako! Bleh!" Sabay takbo niya papasok sa bahay.
Agad naman akong tumakbo para habulin ito.
Ilang minuto rin kaming nag habulan hanggang sa suwayin kami ni mommy. "Tama na yan, lalo kana, Five. Stop running, alalahanin mo yang puso mo."
Dahil doon ay tumigil na kami sa pagtakbo. Tiningnan ko siya at nag labas ng dila, kagaya ng ginawa siya kanina. "Bleh!" Pangaasar ko. Inambahan naman niya akong susuntukin.
"KUYAAAA!" Sigaw ko at tumakbo papunta kay kuya at nag tago sa likod nito. Siya naman ay hindi alam ang gagawin at nakatayo lang habang kumakain ng ice cream.
"Tumigil na kayong dalawa diyan." Sabi ni mommy kaya kumalma na kami ulit at pumunta sa sala kasama si kuya at nanood nalang ng movie.
Hindi ko namalayan ay nakatulog na pala ako, pagkagising ko, nasa kwarto na ako at madaling araw na. Pumunta ako sa cr para mag hilamos at nag suot ng jacket at pumunta sa veranda ng kwarto ko.
Pasikat na rin ang araw, at nakatitig lang ako doon.
"I hope you're looking at the sun too, right now." I whispered.
We might not be in the same place right now, but at least, we're both looking at the same sky. And that's enough, for now.
"I miss you." I whispered as tears started falling from my eyes.
"Hey..."
"Five..."
When he saw me crying, he hugged me tightly. And I just cried my heart out while he was hugging me tightly. "I miss him, Five."
"I know. Konting tiis nalang, South. Kinaya mo nga ng 5 years, eh." He caressed my hair while saying that.
We stayed like that for a few minutes before I calmed down. "Thank you."
"For what?" He asked while fixing my hair.
"For being here with me."
"I'm here with you because you were also there when I needed someone." He explained and smiled.
"Smile kana. Makikita mo na yung baby mo in a few days." Pangaasar niya nanaman. Kaya't medyo napangiti rin ako.
Two days have passed. Nandito kami ngayon ni mommy sa mall at bumibili ng mga pagkain na pwedeng iuwi.
Uuwi na kami sa susunod na araw at hindi ko alam ang dapat kong maramdaman. Dapat ba akong ma-excite? Dapat ba akong matakot? Hindi ko alam.
Tahimik lang akong nag tutulak ng cart habang si mommy ang pumipili ng mga bilihin. Kumuha lang ako ng isang box ng chuckie at isang plastik ng hershey's chocolates at wala ng iba.
Nang mabili na ni mommy lahat ay bumalik na kami sa kotse, dumaan pa kami sa mcdo at nag drive thru.
Pag dating sa bahay inilagay ko muna sa ref yung mga binili namin ni mommy na chocolate at chuckie ko bago ako pumunta sa kwarto at nag impake.
Makalipas ang ilang oras dumating na rin si Five dala ang mga gamit niya. Doon muna siya sa guest room nag pahinga habang ako ay nag kulong sa bahay buong mag hapon.
A day have passed, and today, nandito na kami sa airport papuntang Pilipinas. Kanina, I talked to someone I'm close with sa company dati at tinanong kung may schedule ba ang SB19 today, sabi niya wala, so maybe, I'll go there later.
Ilang saglit pa ay tinawag na ang flight namin. Five held my hand tightly, saying, its gonna be okay, its gonna be alright.
Buong flight ay natulog lang ako para may energy ako mamayang pupuntahan ko sila. And after a few hours, we finally landed.
Nasa Pilipinas na ulit kami. I'm finally back.
Bumuntong hininga ako at sabay kami ni Five na hinintay yung bagahe namin. I kept sighing and I think nairita na si Five saakin.
"Stop sighing, please." He said.
"Sorry, I can't help it. I'm nervous." I said while smiling nervously.
"Hey, look at me," he said, so I did. "You have no reason to be nervous, South. I'm sure they will welcome you with open arms. And I'll be there naman if the opposite happens." He smiled and pat my head.
Nang makita niya ang bagahe namin ay siya ang kumuha nito at dumiretso na kami kung nasaan sina mommy. Mag e-stay muna sila sa malapit na hotel dahil aantayin pa namin yung sasakyan naming susundo saamin dito.
"I'll take your luggage, South." Kuya said. Tumango nalang ako. Pati yung kay Five ay kinuha na niya.
Iba kasi ang sasakyan nila sa sasakyan namin. Dahil sila, pupunta sa hotel, kami naman ni Five pupunta sa dorm.
Nang makarating na kami ay napabuntong hininga akong muli.
"I'm here. I'm back." I said and pressed the doorbell.
A/N: HELLO! Sorry for the very very matagal na update. I'm super busy with my modules and activities wala akong masyadong time para mag update. Pero malapit na rin naman itong matapos so maybe mamadaliin ko nalang hehe. Sana nag enjoy kayo sa chapter na 'to huhu. Medyo rushed siya kasi madaming gusto ng updates. Pero inuulit ko po, ayaw ko po ng mga comments na nag papa rush ng updates since madami rin po akong ginawa. Yon lang po.
YOU ARE READING
SB19's New Member
Fanfiction"South Ventura, new member of SB19!" And that's where it started. That's where my life had changed. Forever. started: april 10, 2020 ended: cover by: pcy4lyf