Tredici

609 29 5
                                    


Panay lang ang tango ko sa nagtatatalak kong ate dahil magpahanggang-ngayon ay para parin akong lumulutang sa mga binitawang salita ni Chase, pakiramdam ko ako ang pinakamaswerteng babae sa buong mundo. Do I really get to deserve him? I think not.

'Wow, akala ko ba deserve mo lahat? Kase feeling mo, walang lalaking hindi magkakagusto sayo?'

Yeah. And that was before . Magmula nung makilala ko si Chase, pakiramdam ko...hindi ako karapatdapat sa kanya... kase masyado nga kaming magkaiba.

Kaya nga eto ako ngayon at nagbabalak na pumunta sa bahay nya para lutuan siya ng paborito nyang 'spaghetti'. It's been a week or so, ngayon nalang ulit ako makakapunta sa baby ko dahil ayoko naman siyang istorbohin dahil sunod-sunod ang exams nila, but ofcourse, constant naman yung communication namin and besides, we see each other before and after school. Yup before, kase maaga na akong pumapasok at hindi na rin ako sumasama kina Hannah kapag gumigimik sila o umiinom... ayokong magalit o maturn off siya sa'kin. Corny? Paki ko, haha.

"I know ate, okay? I know!" ganti ko nang narindi na ako sa kaka instruct nya sa'kin tungkol sa dapat kong gawin

I appreciate her effort on teaching me but I'm not a kid that needs to be told several times.

"O sige nga kung alam mo, anong gagamitin mo, olive oil or butter?" nakapameywang nyang tanong

"Butter, duh."

Nagmake-face siya at napanguso nang makuha ko ang tamang sagot. Tss, napakadali.

"Nag-aalala talaga ako kay Aries eh, baka malason mo o baka magkaLBM. First time mo pa naman." umiiling nyang saad

"You know what ate? You're just over reacting. Bakit ko naman lalasunin ang boyfriend ko?" mataray kong tanong, pinagdidiinan ang 'boyfriend'.

Napahawak naman ng dibdib si ate na tila nasaktan kahit wala namang masakit sa sinabi ko. Arte.

'At ikaw, hindi?'

"Kailangang harap-harapan? Oo na sige na, ikaw na may boyfriend! Kapag talaga etong si Dark maging boyfriend ko--ipagdidiinan ko din."

"Dark? Sinong Dark?" taka kong tanong

"Yung author ng paborito kong libro, hihihihi." ngiting-ngiti nyang sinabi

Author? Asa pa siya. Lawak ng imahinasyon. Kakabasa nya yan eh.

"Baliw ka na ate." komento ko habang naglalagay ng ingredients sa paper bag

"Wow. At ikaw hindi? Hindi ka pa baliw nyan ah? Hindi ka pa baliw sa pagngiti mo mag-isa sa tuwing kaharap mo ang cellphone... hindi ka pa baliw sa pagkukumahog mong makita siya at pasayahin siya. Hin--"

"Oo na ako na ang baliw! Baliw ako kay Aries, okay na? Atleast, ako baliw ako sa totoong tao, ikaw baliw ka sa taong hindi mo man lang nakikita o nakakausap! Sige libro ka pa!"

Napanganga yung ate ko---and I bet ikaw din na nagbabasa neto kase, affected ka din.

"Oy hindi ah--totoong tao kaya yun kaya nga nakakapagsulat di--"

"Ate, bye!"

Hindi ko na pinakinggan ang litanya niya tungkol sa fictional nyang jowa at nagtuloy-tuloy nalang papunta sa aking kotse.

I'm wearing a yellow checkered tank top and a white short shorts paired with my white LV flats. Nakalugay ang itim kong buhok at meron akong make-up ng slight. I'm always the 'extra' type of girl kaya maski ang paper bag na dala ko na pinaglagyan ng mga ingredients ay may tatak din... Gucci.

While I was on my way to Chase, I can't help but to feel anticipated... nagkita naman kami kahapon pero parang mas nasasabik akong makita siya sa bahay nya... hmmm, smells like more quality time together!

I'll Never Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon