MALAKAS akong napa buntong hininga habang naka tingin sa kawalan. I already took a nap on the maid's quarter but it wasn't enough, para akong pumasan ng isang sakong bigas dahil sa sakit ng aking katawan. I carefully touch my shoulder and massage it a bit para man lang gumaan ang aking pakiramdam.
Standing here at the island counter preparing a snack for my masters while thinking about things that I will do after leaving this villa in a month.
Mabuti nalang at nag pasa na ako ng aking resume sa isa sa mga companya dito sa lugar. I'm a fresh graduate in Colegio De Santa Fe, with latin honor, together with my friend Bonsi. Hindi ko nga alam bakit pa ako nag pupumilit na maging katulong dito sa villa e marami namang kompanya ang himahabol sa akin.
When Bonsi called me the other night, she actually asked if I was willing to pass my resume to Casa Grande, one of the Montemayor's competitors here in Bantayan Island. Nag dalawang isip pa ako, dahil gustong gusto kong manatili sa villa. But Bonsi stopped me.
"Gaga ka. Eh, hindi naman ganon ka laki ang sweldo mo jan sa villa! At staka, Villacampa food resources are hiring! Mas malaki pa ang sahod at hindi ganon ka hirap ang trabaho." Bonsi on the other phone said.
"And the Casa Grande Clothing line is also hiring. Napag alaman ko rin kay Benjo na nag pasa ka daw ng resume mo sa kanya?"
Well, there's nothing to hide anymore. "Yup, Benjo was there when I passed my resume to the Casa Grande."
"Well, what about Villacampa?" Malakas akong bumuntong hininga.
Naka upo ako ngayon sa wooden bench sa likod ng villa. Tanaw mula rito ang malaking Rancho at bukirin ng mga Montemayor. The dim lights from the ranch makes it more majestic. Halos sumasabay ito sa mga ning-ning ng mga bituin sa langit. The cloudy night and cold breeze of the air makes me cold. Mabuti nalang at nag dala ako ng jacket bago lumabas ng maids quarter.
"Pag iisipan ko."
"Wag kanang mag isip!" Sigaw ni Bonsi sa kabilang linya.
"And also, pinasa ko narin iyong resume na ginawa nating dalawa sa kompanya..."
My eyes widened. "Bonsi!" Irita kong agap.
"I'm sorry okay? Naman kasi, ang ganda kaya ng offer ng mga Villacampa! I can't resist!"
Ngumiwi ako. "Akala ko ba na gusto mong maging katulong dito sa villa para makita mo si Stevan?" Hindi ko mapigilang agap at itinaas ang kilay habang deritso paring naka masid sa mga bituin.
"Che! Bwesit na Stevan na iyon!"
Tumaas ang aking kilay at walang pasabing tinignan ang telepono na hawak.
"Huh? Bakit naman, akala ko ba crush mo iyon?" Nag tataka kong agap dito.
What changed Bonsi.
Narinig ko pang bumuntong hininga ang kaibigan bago ito nag salita. "Clara, can you be honest with me?" Seryosomg turan nito.
Mas lalong nag dikit ang aking mga kilay. "Ano ba iyon?"
"Bakla ba si Stevan?!"
"Anong bakla?!"
"Si Stevan! Bakla sya diba?!"
My jaw dropped and I laughed.
"Shut up! Diba bakla sya? Diba, diba?" Pag pupumilit pa ng kaibigan.
"Anong pinag sasabi mo, hindi bakla si sir Stevan no!"
"Liar! I saw him buying some lingerie sa isang sikat na lingerie store sa centro nong napa daan ako para ipasa ko ang resume natin!"