♚Diary *2*♚

147 11 0
                                    

"RRRRRRIIIIIIIINNNNNNNGGGGGGG!"

Ano ba yan! Ang aga aga ring ng ring! Kitang natutulog pa yung Tao, HUH?

OMEYGEHD! 8:15 na! WHAAAAAH! Late na ko!

(AT THE SCHOOL)

"Huli ka balbon!" Sigaw sakin ni Belle

"Ano na naman yun?" Tanong ko

"Di ka naligo nuh?"

"Maliligo pa ko eh anong oras na!"

"Hoy babae! Wala pa pong alas otso!"

"Alas otso? Eh kanina pa lang pag gising ko................................................

AARRRRGGGHHH! nakalimutan ko, inadvance ko pala yung Alarm clock ng 30 mins! Letse! Di Tuloy ako nakaligo!"

Ano ba yan! Sobrang tanga ko naman! Nakakaasar! First day na first day Hindi ako naligo! Badtrip!

"Tigilan mo nga ko nuh, ginamit mo pa yung Alarm clock sa katamaran mong maligo!" Sigaw ni Belle sakin

"Hoy inaamin ko, dati Hindi ako masyadong naliligo! Iba na ata ngayon, kaklase natin si Yusef kaya maliligo na ko araw araw."

"Sus! Speaking of Yusef, ayan na ang FBs!
Alis! Huwag kang humarang sa dadaanan nila! Baka! Manuno ka!"

Hay nako! Andyan na pala Ang mayayabang! Ang yabang yabang Kala mo sila may ari ng kalsada.

"OH! TABI! TABI! TABI! KAYO SA DAANAN!" Sigaw ng kambal
Si Darrel at Darren, matagal na silang bodyguard ng FBs, pinapasweldo sila ng 12k a month, Malaki laki na rin.

"Oh! Andito na pala sila Abby at Louise!" Sigaw ni Belle

Abby and Louise,
Si Abbygail Jane D. Lopez and
Louise Merrel D. Chavez
Classmate namin sila, problema lang mas maganda sila samin.
Si Louise, naging muse namin yan, nanalo nga sya eh kase partner niya si Yusef, Ayun, binili ata ni Yusef yung boto kaya siguro nanalo sila. Napakatahimik Nyan sobra.

Si Abby naman, Man hater yan! Allergy sa lalake, naging ganyan yan simula ng nag break sila ni Clark, ex nya. Mahal na Mahal niya yun since Elementary pa lang siya, kaya nung nanligaw sa kanya, Aba! Wala pang 30 secs sinagot agad.
Kaso lang nung pagdating namin ng 3rd year, Anniversary yata nila yun ng Makita niya si Clark at Laddey na magkaholding hands at sobrang sweet.
Isusurprise pa naman sana siya ni Abby kaso wala eh! Mistulang World War 3 yung nangyare.

Teka, who is Laddey and Clark?

Si Clark Rafael C. Yuzon ex sya ni Abby then
Si Laddey Joyce M. Soprano, miyembro sya ng Spice Girls which is Ang meaning ay Malalandi, 3 silang miyembro nun,
Si Andrea Yuri A. Marquez and
Claire Maree G. Tuazon
Oh diba? Pangalan pa lang malandi na! Pano pa kaya pag nakita Mo sila?
Sobrang kapal ng make up! Eh yung uniform nga nila nagmistulang pekpek short sa Sobrang ikli.
BTW, makapasok na nga.

"Oh! Anong hinihintay niyo? Let's go!"
Sigaw ni Belle.

Kahit kailan talaga 'tong si Belle.
Papasok na sana kami ng school ng biglang.......................................................
.
.
.
.
.
.
...

"Oooooops! San kayo pupunta?" Sigaw ng kambal

"Bakit, san niyo ba kaming gustong papuntahin? Sa puso niyo?" Sagot ni Belle

"Uy! Darren! Papuntahin daw natin siya sa puso natin! BWAHAHAHAHAHA!" Sigaw ni Darrel

"Hoy Belle! Hindi ka bagay sa puso namin! Dahil Si Abby lang ang nababagay dito, Oh Abby, Flowers for you!" Sabi ni Darren

"Abby flowers daw ooh! HAHAHAHA Turuan mo nga ng leksyon yan!" Sagot ni Belle

Aba! Nakakalimutan yata nila na Man hater si Abby, hay nako Darren baka mapahamak ka.

"Wow! Flowers! Flowers pala ah!" Sigaw ni Abby

"OOOOOUUUUUCCCCHHHH!" Sigaw ni Darren

Ano bang nangyare? Sinipa lang naman ni Abby Ang Babymaker niya.
Awww! Kawawang Darren!

"BWAHAHAHAH! Yan Ang nababagay sayo! Flowers pala ah! Ano napala mo? Nawasak lang yang Babymaker mo! Kawawa ka naman!" Sigaw ni Belle kay Darren

"Oh, ikaw? Gusto mo rin bang mawasak Ang Babymaker mo?" Sigaw ni Abby kay Darrel

"Hindi po! Hindi po! Miss Abby!" Sagot ni Darrel

"Yun naman pala eh! Oh alis diyan! Dadaan Ang nga diyosa!" Sigaw ni Belle

Huh?! Ano daw? Diyosa? HAHAHA Abnormal talaga 'tong si Belle!

Mr.DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon