📖 ᴍɢᴀ ᴅᴀᴍᴅᴀᴍɪɴɢ ɴᴀᴘᴀᴘᴀʀᴀᴍ
ㅡ ʙᴀʟɪᴛᴀ ᴋᴏ
Balita ko, ikaw raw ay masaya
Balita ko, ikaw raw ay may minamahal na
Balita ko, mahal ka rin niya
Balita ko, limot mo na ako
Akong patuloy na nagmamahal sa 'yo
Kaya heto ako kumakapit
Kumakapit sa lubid
Sa lubid na duduyan sa 'kin
Tungo sa mundo ng paglimot
Sa mundong mayroong bagong araw
Araw na hindi ikaw
Sa mundong may panibagong buwan
Buwan na hindi magiging ala-ala ng pagtatapos ng tayo
Mundong wala nang hati upang di ko na maalala na tanging ikaw at ako na lang ang meron sa ngayon
Ikaw at ako. Ikaw at ako.
Ikaw at ako. Hindi na tayo.
Wala ng tayo
Hiwalay na tayo
Kailangan ko nang matutuhan
Kung paano pakalmahin ang apoy na nagniningas sa puso ko
Kailangan ko nang matutuhan kung paano sabayan ang agos dahil wala ka na para lumangoy at sagipin ako
Kailangan ko nang matutuhan na tanggapin ang mga pagbabago
Mga pagbabagong babago sa buhay ko subalit, mahal nagkamali yata ako
Dahil balita ko, balita ko
Lahat ng ngiti mo na minahal ko hindi na totoo
Balita ko, di kailanman nagmahal ng iba
Balita ko, di mo nalimot kailanman ako
Ako na baliktad ang lahat ng nasa isip
Ako na kumakapit sa iba
Upang limutin ka
Nagsisisi ako kaya heto ako
Babalik na muli
Sa mundong ikaw lang ang araw ko
Sa mundong ang buwan ang magsisilbing alaala na ako ang nag-iisang mahal mo
Mundong di kailanman mahahati
Dahil wala namang ikaw at ako
Ang meron lang ay tayo
Tayo
Tayo na di na muling mababago
Patawad kung sa pagsuko mo ay bumitiw rin agad ako
Nalimutan kong baka nga di mo kinaya ang lumaban ang mag-isa
Dahil ayaw kong sirain ang pantasya kong ako'y iyong prinsesa
Mali ako. Maling-mali.
Dahil di lamang ako prinsesa
Ako'y iyong kapareha
Iyong kaparehang dapat na tulungan kang pakalmahin ang apoy ng rumaragasang pagsubok
Iyong kapareha na dapat matutuhan ang lumangoy kasabay mo
Iyong kapareha na dapat matutuhan na totoong buhay ito
Maraming pagbabago at kung ayaw kong mabago pati tayo
Dapat lumaban ako kasabay ng paglaban ng prinsipe ko
BINABASA MO ANG
Mga Damdaming Napaparam
Poetrymga tulang handog sa mga puso at damdaming may inaalala. para sa mga napaparam.