📖 ᴍɢᴀ ᴅᴀᴍᴅᴀᴍɪɴɢ ɴᴀᴘᴀᴘᴀʀᴀᴍ
hindi naman ito inaasahan
subalit ang puso ko'y tila ginaganahan
sumusugal na muli ang damdamin
tatahak na muli ng bagong landasin
kakaiba sa una
dahil ika'y di ko naman talaga kilala
pero ganun naman talaga sa una
ang alam ko lang ngayon sa buhay ko'y iba ka na
sa tipid mong tawa ako'y nangingiti na
paano pawiin ang dismaya't lungkot na araw-araw di ka sa akin?
ano bang ginawa mo sa 'kin?
kahit anong maliit na bagay ang iyong gawin
mga munting salitang bibitiwan mo't sasabihin
ang lahat, iba ang epekto sa 'kin
isang manananghal sa mundo ng teknolohiya
ako'y nabighani mo yata
puso ko'y unti-unting nahuhulog
ang iyo rin ba?
BINABASA MO ANG
Mga Damdaming Napaparam
Poetrymga tulang handog sa mga puso at damdaming may inaalala. para sa mga napaparam.