Chapter 2 - I Will Never Give Up On You!

7 0 0
                                    

Charles's POV

Okay. Ako si Charles Park, ex-boyfriend ni Rhianne. I honestly don't know kung bakit EX na, basta nung nilapitan ko siya nung time na yun, sampal ang inabot ko. Until now, di ko alam kung bakit. Lagi akong pumupunta ng bahay nila para makasama siya, pero di niya ako kinakausap. Kaya eto nanaman ako umaasang magkakabalikan kami.

Kasalukuyang papunta ako ngayon sa bahay nila. Daily habit na 'to. May dala akong flowers at chocolate. Finally, nandito na ako. Nagpara ako sa gate at bumusina. Agad naman binuksan ng guard ang gate.

"Sir Charles, magandang gabi po.", bati ni Manong Cesar sa akin.

"Magandang gabi rin po, Manong Cesar. Si Rhianne po ba nandiyan?", sabi ko.

"Ay. Hindi po ba niya nasabi sa inyo na ngayon ang alis niya papuntang Paris? Nasa airport na po yata sila. Akala ko nga po ay sasama kayo.", Manong Cesar

"Wala naman po siyang sinabi. Tatawagan ko po muna.", ako.

Tumawag ako pero cannot be reached. Malamang pinatay na niya ang phone niya. Sinabi ko kay Manong Cesar na pupunta na lang ako ng airport baka sakaling maabutan ko pa sila.

On the way na ako ngayon sa airport.

"TRAFFIC! Takte naman! Bakit ngayon pa sa dinami-dami ng araw?!", sabi ko sa sarili ko habang bumubusina. Tinignan ko ang relo ko at nakita kong 7:00 na. Ang bilis ng oras. Sana naman maabutan ko pa sila.

Umuunsad na rin trapiko at nakita kong malapit na ako sa airport. Nandito pa sana sila. Narinig kong may papaalis na eroplano. Sana naman hindi pa yun sila. Nilapitan ko na ang guard at nagtanong.

"Guard, papuntang saan po ba yung eroplanong kakaalis pa lang?"

"Papuntang Paris ho, sir., Guard.

"Ganun po ba? Pwede po ba akong pumasok? May hinahanap po kasi ako.", sabi ko naman.

"Pasensiya na po, sir pero hindi po pwede kung wala po kayong ticket o hindi po kayo aalis ng bansa."

Oo nga naman pala. Wala na pala akong pera. Tatawagan ko na lang muna si Manong Cesar para tanungin kung saan papunta sila Rhianne. Agad namang sinagot ni Manong Cesar ang tawag ko.

"Hello, Manong? Alam niyo po ba saan papunta sila Rhianne?"

"Sa pagkakaalam ko, iho sa Paris yun.", sabi sa kabilang linya.

"Paris?!"

"Oo, iho. Bakit?"

"Nakaalis na po sila. Uuwi na lang po ako.", sabi ko nang may halong kalungkutan.

"E iho, sundan mo na lang bukas.", oo nga naman. Susundan ko bukas.

"Sige po, manong. Salamat po.", at binaba ko na. Tama si Manong. Masusundan ko naman talaga siya e kung gugustuhin ko lang.

I WILL NEVER GIVE UP ON YOU, RHIANNE! I SWEAR, I'LL NEVER DO!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 25, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Can we fall one more time?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon