Someone
"Thanks, ingat ka." Sabi ko at hindi na siya pinababa para pag buksan ako.
Ganon ulit ang nangyari. Bumaba ako nang wala pa sa tapat ng bahay namin dahil baka may makakita sa 'min at kung ano pa ang isipin.
Bumusina siya ng dalawang beses bago nag U-turn at umalis papalayo.
Pag pasok ko ng pintuan namin ay gulat ako nang makita si Tita sa harapan ko.
"Saan ka galing?" Bungad niyang tanong nang masirado ko ang pinto.
"Sa bahay po ng kaklase ko." Pagsisinungaling ko dahil hindi niya alam na nagtatrabaho ako at hindi niya puwedeng malaman.
"Sa kaklase o sa bahay ng boyfriend mo?" Kunot noo ko siyang tinignan.
"Boyfriend? Wala po akong boyfriend." sagot ko.
"At sa 'kin kapa talaga mag sisinungaling? Huh, Zarra?" galit niyang asik sa 'kin.
"Totoo naman po ang sinasabi ko,"
"'Wag na tayong maglokohan dito! Isusumbong kita sa Daddy mo. Puro pag lalandi ang inaatupag mo. Akala mo hindi ko alam na gin-gabi ka lagi nang uwi?" N-no...
"'W-Wag po tita," nauutal kong aniya "Hindi naman po pag lalandi ang inaatupag ko. Nag aaral po ako. W-Wala po akong boyfriend," I dried my throat. Sumasakit na ito dahil sa pag pigil kong lumuha.
"You can't fool me. Isusumbong kita!" Sigaw niya at iniwan akong tulala.
Naramdaman ko ang isang patak ng luha sa kanang pisngi ko. Pinahid ko ito at umakyat na sa kwarto ko.
Kailan nga ba ako nag sabi ng totoo na pinaniwalaan nila? I smiled.
Magiging masama nanaman ang tingin sa 'kin ni Daddy kahit wala namang katotohanan ang sasabihin ni Tita. Kung isumbong niya nga ako.Pumasok ako sa loob ng banyo at binabad ang sarili sa tapat ng shower.
Minsan nang nangyari ang isumbong ako ni Tita kay Daddy at pinaniwalaan ito kahit wala namang katotohanan. Sinumbong niya akong pinakealaman ko ang kaniyang mga gamit at kumuha ng pera kahit hindi naman totoo. I never tried to enter their room. Kaya paanong mangyayaring ako?
"Zaziel, sinasabi ko sayo! Ayoko ng batang malikot ang kamay." Nanggigil niyan sigaw sa harap ko at ni Daddy.
Umiiyak lang akong nakatingin sakaniya. Umiiyak nalang ako dahil hindi ko na kayang mag salita para i-defend ang sarili ko dahil wala naman akong kakampi rito. Even Daddy. Masyado na siyang napaikot ni Tita kaya mismong ako, mismong ako na anak niya hindi niya na pinaniniwalaan.
"Kakausapin ko nalang ang bata. Huminahon kana muna dyan at baka makasama sayo," pag-aawat sakaniya ni Daddy. She's pregnant.
"Ang laki nang nawala sa pera ko Zariel! Papaano ako kakalma? Nawawala din ang isang kwintas ko!" Sigaw niya ulit.
"H-Hindi ko po kayang gawin—" naputol ang sasabihin ko nang sumigaw siya ulit.
"Manahimik kang bata ka! Malikot na nga ang kamay mo sinungaling kapa!" H-Hindi totoo yan...
"Umakyat ka muna sa kwarto mo Zarra! Mag-uusap tayo mamaya!" Galit na utos sakin ni Daddy.
"Pero Dad—" nahinto ako ng sigawan niya ako at hawakan sa braso.
YOU ARE READING
Dos Fuente #1: When Will I Be Enough
Teen FictionThis is the first series of Dos Fuente.