i.

21 3 0
                                    

Matured

I like someone who can handle situations with calmness and ease. Someone who thinks of others feeling before speaking. Someone matured enough to handle our relationship. He thinks before he speaks.

One of a girl's ideal man is someone who is matured. Someone who will not start an argument just to prove he is wrong. He will understand every situation before speaking up. Matured yet sweet. He thinks seriously. Hindi lang ang edad ang tumanda, pati na rin dapat ang isipan.

"Cal is courting you?" Gulat at sabay-sabay na sigaw ng apat. Well, ako din ay nagulat n'ung sinabi niya iyon sa akin. Sino ba ang hindi? He's my best, friend to the point that we can consider each other as siblings. That's why I didn't expect him to like me. One thing is that, I'm not that beautiful, and there are many beautiful girls out there. So it's really unexpected. But expect the unexpected right?

We never know, matagal na pala akong crush ni Callum. Hangin ba? Inborn.

"Oo nga, unli kayo?"

"Wala nga kaming load eh."

Savage naman pala si Bea eh. Savage. I was toasted, burned and grilled.

"So, paano siya umamin?" curious na tanong nila and one again, sabay sabay.

"Bakit hindi siya ang tanungin niyo?"

"Nakakahiya kaya. Hindi naman kami close sa kanya." Sabay sabay tumango ang tatlo na para bang sumasang-ayon sila kay Lyn. Pinagtulungan pa nila ako. Dapat ay hindi ko na sinabi sa kanila, mga chismosa pa naman itong mga 'to. "Saka ikaw ang kaibigan naming, kaya sayo kami nagtatanong."

"So, paano nga?" Nilapit pa nilang lima ang kanilang mga mukha sa akin.

Sabihin ko na nga, wala na akong takas. Mahirap talagang magkaroon ng mga kabigan, na chismosa. Buti pa ako behave lang. Mabait akong bata. Huwarang estudyante. Masunuring anak. Hayts, ako na talaga.

"Sabi niya gusto raw niya ako at kung p'wede raw bang manligaw."

"Yun na yon?" Para silang hindi natuwa sa ginawang pag-amin ni Cal. Bakit sa kanila ba umamin? Demanding ng mga ito. "Mas nakakakilig pa ata ako sa kanya eh."

Tumango ang tatlo sa sinabi ni Acy.

"Ikaw? Eh hindi ka nga crush ng crush mo."

"Hoy! Walang personalan." Tinawanan naming siya dahil totoo naman. "One day, crush na rin ako niyan. Maghintay lang kayo."

"Baka naman mainip kami ng sobra kakaintay?"

Pang-aasar pa ni Pia.

"Hintayin niyo lang dahil pag dumating araw na iyon."

Siguradong-sigurado na talaga siya na ika-crushback siya. Pag talaga 'to eh hindi nangyari, pagtatawanan ko talaga siya ng very hard.

"Sigurado ka diyan?" Tinaas ni Bea ang kilay niya kay Acy, na parang nanghahamon. Ganun din naman ang ginawa ni Acy. Pag talaga 'tong dalawang 'to ay nagkapikunan, pag-uuntugin ko sila. "Mas mataas pa ata yung chance na pumuti yung uwak."

Alam kong nasisimula nang mainis si Tracy, knowing na never pa siyang na-crushback. Saket diba? Pero totoo naman kasi, habol pa siya nang habol d'un sa lalaking hindi manlang siya magawang tignan. Gustong gusto lang talaga kasi ni Acy. Pinayuhan na naming yan na huwag maghabol, di worth it habulin yung taong yun. Wala eh, mahal na niya eh.

"Grabe ah. Palibhasa gusto ka din nung crush mo."

Maarte pang naghawi ng buhok ang gaga. Edi siya na na-crushback. Magbe-break din kayo, sa chat lang naman niyo mahal ang isa't isa. Naging MU sa chat at nagkaroon ng label sa chat, tapos sa totoong buhay hindi nagpapansinan.

IdealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon