"15 Ideas for My Ideal Guy"
I smiled after reading the title written here in my notebook. Inside this are the factors on how will I find the right man for me. You don't need a reason for you to fall in love but having an ideal is not bad at all right? After all, this is just your basis, a basis whether you want to follow or not. Also, loving someone who is completely your standards and taste is a whole different feeling.
"What's that Viel?"
Tanong sa akin ng kaibigan ko na si Callum na nakakunot ang noo habang hawak hawak ang pagkain na binili sa canteen. Wala na talaga siyang ginawa kun'di ang kumain pero hindi naman tumataba. Hope all. Nagulat naman ako nang bigla niyang hablutin mula sa akin ang notebook. Sinubukan kong kunin mula sa kanya ang notebook pero tinaas niya ito. Dahil di naman ako katangkaran at matangkad siya hindi ko ito naabot. Bakit ko pa nga ba sinubukang abutin? Alam ko namang di ako matangkad.
"15 Ideas for my Ideal Guy." Lalong kumunot ang noo niya sa nabasa pero unti-unti rin itong napalitan ng ngisi.
"Wow ideal, bakit ideal ka girl?" akusa niya sa akin.
"Bakit hindi ba Cal? If I know crush mo na siguro ako matagal na," sabi ko habang naka crossed-arms at naka-taas ang isang kilay.
Humalakhak siya nang sobrang lakas, habang nakahawak ang isang kamay sa tiyan na para bang sobrang nakakatawa ang sinabi ko, at ang isang kamay ay nakaturo sa akin na para bang nang-iinsulto. Sinamaan ko siya ng tingin, saka tumalon nang sobrang taas at binatukan ng sobrang lakas. Dahil d'on ay napatigil siya sa pagtawa. Ang kaninang saya ay napalitan ng sakit at ngayon sa ulo na nakahawak ang kanyang kamay.
"Mapanakit ka talaga," nakangiwi niyang sabi, iniinda pa rin ang sakit.
"Masakit?"
"Oo, palagi mo na lang akong sinasaktan."
"Kasi palagi mo akong binibwisit."
"Weh? Baka nga ako ang nakalagay dito sa ideal mo. Number 1, gusto ko sa isang lalaki ay matured..."
Bago pa niya mabasa lahat ay inagaw ko na. Bwisit 'to, pahamak na lang palagi. Inirapan ko siya habang siya ay nakasimangot. I stick my tounge out to annoy him more, and also being the childish him, did the same, buti pa ako ay mature. Tumayo ako para pumunta sa canteen ng school. Pupuntahan ko lang ang barkada ko. Sabi ko mabilis lang ako kasi kukuhanin ko lang yung notebook, pero natagalan dahil sa Callum na 'yon. Bwisit.
"Oh? Akala ko ba mabilis ka lang, halos 30 minutes kang nawala," nagtatakang tanong sa akin ni Acy.
Lima kami sa barkada at ako ang pinakamabait. Ako rin ang pinakacute. Well, to describe our squad, we are a a squad full of chaos. Puro kalokohan sa iba't ibang paraan. Our friendship is one of the most precious things that I will surely treasure forever.
"Bwisit kasi si Cal, inagaw sa akin 'to," pinakita ko sa kanya ang notebook ko.
"Bakit? Natatakot kang makita niya ang pang---." Hindi ko na hinayaan na ituloy ni Pia ang kanyang sasabihin dahil mabilis kong tinakpan ang kanyang bibig. Bwisit, mamaya ay may makarinig.

BINABASA MO ANG
Ideal
Genç Kurgu"15 Ideas for My Ideal Guy" We don't really need a reason for us to fall in love. But having an ideal isn't bad. Ideas for your ideal that will give you factors to chose who to fall in love with, but how will you follow that ideas when you start fal...