Chapter Nine

37 20 0
                                    

ILANG linggo na ang nakaraan simulap noong na-ospital ako. Ilang linggo na din hindi nagoaparamdam yung mga kaibigan ko. Two weeks to be exact. Ano bang nangyari sa mga iyon? Ni hindi man nga lang aoo kinamusta. Galit ba sila sa akin? As far as I remember wala naman kaming problema. Ang may problema lang naman ay ako, si Sha at si Ros. Hindi naman sila madadamay sa galit ko kasi wala naman silang kasalanan. Sa susunod ko na lang sigurong iisipan ang mga problemang 'yon. Kailangan ko na kasing mag-ayos dahil lalabas kami ngayon ni Cleo.

Oo tama kayo, lalabas kami ngayon ni Cleo. Sa dalawang linggo na mag-kasama kami ay sobra kaming naging close. Never niya akong iniwan. Nandiyan siya sa tuwing kailangan ko ng masasandalan. Nandiyan din siya para pasayahin ako, ayaw niya daw kasing nakikita akong malungkot. I never expected that Cleo and I would be this close. Yung tipong sabay kaming kakain ng almusal lunch and dinner. Ewan ko ba pero ang gaan ng pakiramdam ko kapag nandiyan si Cleo. I feel so secured kapag nandiyan siya.

*phone beeps*

Napatingin ako sa phone kong tumujog at umilaw. May nag-text sa akin. Napangiti ako sa sender, si Cleo pala hahaha.

From: Cleo

My queen Isabel nandito na ako :).

Kyaaaaa kinikilig ako kay Cleo! Bakit ba siya ganiyan ka-sweet? Hindi ba niya alam na nakakapag-bigay siya ng heart attack sa simpleng text lang? Mabilisan ko lang din siyang sinagot.

To: Cleo

Eto na baba na po.
Sent 9:30 AM

Nagtataka siguro kayo kung bakit ganiyan tawag niya sa akin ano? Ewan ko ba kung anong trip niyang lalaki na 'yan. Last week bigla na lang niya akong tinawag na 'My Queen Isabel'. Nung first time kong marinig ay halos hindi na ako maka-hinga sa sobrang kilig. Iba yung feeling ko kapag kasama ko si Cleo, ibang-iba kay Ros.

Pagka-baba ko ay nakita ko siyang nakaupo sa sofa ng salas namin. Shemay ang gwapo niya talaga Nahuhulog na ata ako sa lalaking 'to.

Tumikhim ako para makuha ang atensyon niya, tumitingin kasi siya sa mga picture ko noong bata pa ako. Ngumingiti pa yung bwiset hahaha. Namumula tuloy ako kasi parang ang saya niya na kita niya yung mga pictures ko.

Nang tumingin siya sa akin ay mas lalong lumaki yung ngiti niya. Lalo tuloy akong namula. Bwiset naman 'tong lalaki na 'to, ang aga-aga pinapakilig ako.

"Tara na nga Cleo. Masyado ka ng natutuwang tignan yung mga baby pics ko." Sabi ko para hindi niya mahalatang kinikilig ako.

"Okay, let's go My queen." Shit yan na naman yung endearment niya sa akin. Hindi na kaya ng katawan ko yung kilig na nararamdaman ko!

Hindi ko na lang siya pinansin at lumabas na lamang ako ng bahay ko. Pumunta ako sa kotse niya at nauna ng sumakay. Ayoko kasing ipahalata sa kaniya na na-aapektuhan ako ng mga sinasabi niya. Baka lumaki yung ulo non.

Ng pumasok siya sa driver's seat ay agad din niya sinindihan ang kotse at pinaandar ito. Saan kaya kami pupunta ni Cleo? Ang sabi niya kasi ay surprise daw ang pupuntahan namin ngayon.

Ang sabi niya kasi sa akin kagabi ay magsuot daw ako ng mga komportableng mga damit. Wala talaga akong clue kung saan kami pupunta.

30 minutes na ang nakakaraan at wala pa rin kami sa destination namin. Nandito pa naman kami sa Manila eh. Sa Manila lang ba kaya ang pupuntahan namin?

Tatanungin ko na sana si Cleo kung saan kami pupunta ng bigla niyang tinakpan ang ilong ko. Hindi ako makahinga, ang alam ko lang ay unti-unting bumigat ang aking mga mata hanggang sa nagsarado na ito at nakatulog na ako.

---

SORRY Isabel for doing this. Surprise ko lang naman sayo ang gagawin natin eh. I promise to keep you safe and to take care of you always.

Matulog ka lang ng mahimbing diyan at gumising kapag ready na yung surprise ko sa iyo. Promise, siguradong magugustuhan mo ang surprise ko sa iyo.

Pinagpuyatan ko iyon Isabel. Sana magustuhan mo at huwag ka sanang magalit sa ginawa ko sa iyo. Part lang talaga iyan ng plano ko eh. Sorry talaga, sana huwag kang magalit my queen.

---

"ANO bang problema kay Lia? Bakit hindi ko siya ma-contact?" Tanong ko sa tatlo pang mga babae na kasama ko ngayon.

Two weeks na naming hindi makausap si Lia. Kapag tinatry namin siyang tawagan or i-text ay hindi pwede, it's like binlock niya kami sa contacts niya. Hindi ko alam ang nangyayari pati si Sha ay parang wala ng pake kay Lia.

"Ayaw din sa akin Amiel. Hindi ko pa din siya ma-contact." Sagot sa akin ni Rylie.

Halos dalawang linggo na simula ng mabalitaan namin na na-ospital si Lia. Pinuntahan namin siya pero may guy na pumigil sa amin. Sabi niya ay kaibigan daw siya ni Lia at sinabi sa kaniya ni Lia na ayaw daw niya kami makita.

I don't know if that's real pero nakakapagataka lang talaga. Nalaman din namin kay Sha kung anong nangyari and ng malaman namin lahat ay parang nagbago na siya. She became bitch! Ang sama na ng ugali! Kahit kami ay nabigla sa mga nangyari at nasaktan din kami kasi naglihim sa amin si Sha.

Pero mas masakit ang lahat ng ito kya Lia. Imagine being treated as a fool, ang sakit non. Tapos kaya lang pala sila nagkaroon ng relasyon ng Ros na 'yon ay dahil lang sa pera. Tanginang lalaki na 'yon! Ang sarap sapakin!

"Arggggggh! Ano bang nangyari kay Lia? Kailangan natin siyang puntahan!" Naiistress kong sabi. Tumayo na lang ako at hinila yung apat para puntahan si Lia. I couldn't take this anymore! Nag-aalala na ako kay Lia.

Habang papunta kami sa bahay ni Lia ay napag-usapan namin ang mga nangyayari. Maging sina Frans, Rylie at Gela ay nagtataka din.

"Hindi ba nakakapagtaka na hindi natin lahat ma-contact si Lia?" Tanong ni Frans.

"Ang weird lang na parang may pumipigil sa atin na puntahan or kontakin si Lia." Pagpapatuloy pa ni Frans.

"Tama ka diyan Frans. Parang napakalaking coincedence naman lahat tayo ay parang naka-block sa phone ni Lia. Kasi kilala ko si Lia eh, kung galit siya sa isa atin ay hindi naman niya lalahatin." Pagsang-ayong sabi ni Gela kay Frans.

Sinang-ayunan naman naming lahat ang sinabi ni Gela. Totoo iyon. Nagpatuloy na lang ako pagda-drive.

Pagkarating namin sa bahay ni Lia ay sinabi ng maid na umalis daw si Lia. May kasama daw itong lalaki. Tinanong namin kung ano ang pangalan ng lalaki.

"Si Sir Jan Cleo Manansala po ma'am." Tumango na lamang kami at lumabas na ng bahay ni Lia.

Pakiramdam ko ay may alam ang lalaking iyon tungkol sa nangyayari kay Lia at sa amin.

"Guys, we need to find out kung sino ang lalaking iyon. Pakiramdam ko siya ang may kasalanan ng lahat ng ito." Sabi ko sa tatlo.

"Yes, we need to find out who is he and kung bakit niya ginagawa lahat ng ito." Sabi ni Rylie.

A/N: thank you sa lahat ng mga patuloy na binabasa yung surrender. Thank you sa mga nag-vote and nag-co-comment. Love you all :*

SURRENDER (completed)Where stories live. Discover now