Chapter Fourteen

29 10 0
                                    

"HI mama and papa!" Sabi ko sabay halik sa mga pisngi nila kahit na masama pa rin ang tingin nila sa akin. Hindi ko na lang pinansin yung tingin nila sa akin. Pinabayaan ko na lang.

"Saan ka na naman ba galing?" Tanong sa akin ni mama.

"Diyan lang sa tabi-tabi." Sabi ko kahit na medyo bastos yung pagkakasabi ko at inirapan si mama.

"Huwag mong sasagutin ng ganyan ang mama mo!" Sigaw sa akin ni papa ng makita niya kung papaano ang pagsagot ko kay mama at ang pag-irap ko dito.

"Eh ano na naman ngayon kung sinagot ko siya ng ganon?! Sumagot naman ako ng maayos ha! Ano bang pakielam mo?!" Pabalik ko din sa sigaw kay papa. Mukha naman nabigla siya sa ginawa ko.

Actually, pareho sila ni mama na nabigla. Siguro hindi nila inaasahan yung ginawa kong pagsigaw. Nakakairita na kasi na parang ang sama kong anak sa paningin nila.

"Nagtatanong lang naman kami." Sabi ni mama ng makabawi sa bigla.

"Eh bakit pa ba kasi kayo nagtatanong?!" Sigaw ko ulit.

"Kasi nag-aalala kami sa'yo anak! Madalas ka na lang umuuwi ng madaling araw. Alam mo ba kung anong oras na? Ala-una na ng umaga, pero ngayon ka pa lang umuuwi. Simula ng makilala mo iyang lalaking yan, nagbago ka na." Sabi ni mama.

"Ano ngayon kung umuwi ako ng ganitong oras?! Wala namang masamang mangyayari sa akin, kasi kasama ko si Cleo! Ang hirap kasi sa inyo, hindi niyo man lang sinusubukang kilalanin si Cleo! Puro na lang masasama yung binabanggit niyo sa kaniya! Kailan ba kayo matututong intindihin si Cleo?! Boyfriend ko siya ma! Sana naman kahit papaano ay mag-open kayo sa kaniya!" Sabi ko at nilabas lahat ng saloobin ko.

"Alam mo namang sinubukan namin ng mama mo na intindihan kayo ng lalaking iyon. Pero anak, iba siya, may mali sa kaniya. Hindi siya ang karapatdapat sa'yo. Masyado kang nagtiwala sa kaniya. Binago ka niya." Sabi ni papa habang inaalo si mama na umiiyak na pala.

"Hindi niyo kasi ako maintindihan." Nahihirapang sabi ko. "Iba si Cleo kasi palagi siyang nandiyan para sa akin. Mahal niya ako. Never niya akong iiwan. Pinapasaya niya ako. Ano ngayon kung dahil sa kaniya natuto akong maglasing? Masaya ako sa king anong itinuturo sa akin ni Cleo. Kaya please lang huwag niyo na akong pagsabihan tungkol dito kasi mahal ko na din si Cleo." Sabi ko habang may tumutulo na luga sa aking mga mata. Ang hirap ng ganito. Bakit ba ayaw na ayw nila kay Cleo? Mabait naman yung tao eh. Maalaga pa nga. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Sa tingin mo ba talaga mahal ka ng lalaking iyon?!" Pasigaw na taanong sa akin ni papa. Hindi naman agad ako nakasagot.

"Walang matinong lalaki ang ituturo sa kanilang kasintahan ang mga bagay na tinuturo sa iyo ng Cleo na iyon. Hindi ka niya mahal anak! Ginagamit ka lang niya!" Sigaw sa akin ni papa.

"Sa paningin niyo hindi niya ako mahal pero ako, ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya! Mahal ako ni Cleo! Sana hindi na lang kayo ang naging magulang ko kung ganito rin pala ang ginagawa niyo sa akin! Hindi na kayo ang mga magulang ko! Matagal ng nawala ang mga magulang ko simula ng maghigpit kayo sa akin!" Sabi ko. Totoo naman eh. Hindi na sila yung kinalakihan kong mga magulang. Iba na din sila.

Bigla akong sinampal ni papa. Nabigla ako sa ginawa niya. Never pa akong sinaktan ni papa, ngayon lang. Parang namanhid ang pisngi ko sa ginawa niya. Hindi ko expect to. Hindi ko na tuloy mapigilan ang pagtulo ng aking mga luha.

"Hindi ako hihingi ng tawad sa ginawa ko sa'yo. Dapat lang sa'yo yan kasi hindi mo kami nirerespeto ng mama mo. Kung gusto mong umalis sa pamamahay na 'to walang pumipigil sa'yo. Hindi na ikaw ang anak na pinalaki namin." Sabi ni papa na lalong nagpaiyak sa akin.

"Pa. . ." Sabi ni mama

"Hayaan mo siya ma. Hindi na siya ang anak natin." Sabi nito kay mama at bumaling sa akin. "Simula ngayon wala na kaming anak na ang pangalan ang Lia Isabel Brillante Cunanan."

---

IYAK lang ako ng iyak. Nakayakap sa akin ngayon si Cleo. Oo, tama kayo. Umalis ako sa bahay at pumunta dito sa condo ni Cleo. Ang sakit lang kasi na nagawa sa akin 'to ni mama at papa. I hate them! Masyado lang talagang makitid yung mga utak nila! Mahal ko si Cleo kaya wala silang karapatan na pagsalitaan ng ganon ang baby ko!

Iyak pa rin ako ng iyak ng magsalita si Cleo. "Baby, I think you should say sorry to them. Kahit na sa tingin mo ay tama ang mga sinabi mo, ay mali pa rin yung mga sinabi mo sa kanila. They are your parents. Sila ang nagpalaki sa'yo. Siguro matulog ka muna para mamaya pagkagising mo ay pumunta kana agad doon para humingi ng tawad. I don'twant to be the reaso kung bakit hindi na kayo mag-uusap kahit kailan."

Yan yung side na hindi makita nina mama at papa kay Cleo. He's sweet and caring. Siguro nga tama siya, mali ang mga sinabi ko sa kanila. Ngayon lang ako natauhan na sobrang sakit pala ng mga sinabi ko sa kanila.

"Sige, matutulog muna ako pero kapag nagising ako samahan mo ako sa kanila. I want you there para lahat tayo ay magkaka-ayos na." Sabi ko. Ngumiti na lang siya bilang pagsagot. Ipinikot ko na lang ang aking mga mata para makatulog na.

---

NANG lumalim na ang tulog ni Isabel ay tumayo ako at tinawagan siya. Habang nagri-ring ang telepono ko ay napangiti ako. Naaayon lahat ng mga nangyayari sa plano ko. Mukhang magtatagumpay ako sa plano kong ito. Yes! Buti na lang at makakaganti na ako. Medyo matagal na din pala nuong naumpisahan ko yung plano ko. Ngayonh nangyayari na amg daoat mangyayari ay natutuwa na ako.

"John" sabi sa akin ng sumagot sa tawag ko. Napangisi na lang ako sa tinawag niya sa akin.

"Ready everything. Dapat mangyari na mamaya ang dapat mangyari." Sabi ko at pinatay ang tawag.

A/N: Gosh!! Ano kaya yung binabalak ni Jan or John? Kyaaaaaaa hahahahah. Exciting na yung mga nangyayari!! Ano sa tingin niyo yung mangyayari?? Comment your answer hahahahah

SURRENDER (completed)Where stories live. Discover now