Enrollment ngayon kaya maaga akong gumising. Excited ako na may halong kaba. Hindi pa nga ako sure sa magiging course ko....
Sabay kami nina Alexis at Asha na mag-enrol. Kasalukuyang naghihintay kami sa aming student's copy. Ang course ni Asha ay Accountancy. At ako naman at si Alexis ay Business Administration. Wala kaming choice. Gusto sana ni Alexis mag-culinary kaso huli na'ng magdecide ang parents niya kung saang school siya papasok. Tinamad na rin kasi si Alexis sa kakahintay ng mga desisyon nila kaya ayun, business Ad ang bagsak.
Gusto ko talagang mag-flight stewardess kaso hindi ako pinayagang mag-aral sa malayo. Wala naman akong choice talaga. Ayoko naman'g mag Polis, HRM, Tourism, Teacher, kaya business Ad din ang bagsak ko. Sabi din naman nila na any course will do sa flight-stewardess as long as may training.
"Ang daya-daya niyo talaga! Classmate sa lahat na subject?!" reklamo ni Asha.
"Accountancy ka kasi. Tingnan mo kami, mas relax!......" tapos nag-belat si Alexis kay Asha.
"Tash, bakit ka nag-load ng subjects??" tanong ni Asha.
"Wala akong choice. Eto ang gusto ni Mommy. Alam niyo naman'g hindi ako makakatanggi sa kanya diba??" sagot ko. Kung ang ina ng dalawa kong kaibigan ay ubod ng pagkokonsite sa kanila, ang ina ko naman ay SAKSAKAN NG PAGKA-STRIKTO sa'kin. Haywan ko ba kung bakit..! >.<
"Teka, I'm just wondering kung anong course ng tatlo?" sabi ni Asha.
"Sabi ni Lauren sa'kin na HRM daw ang kukunin nila." sabi ni Alexis.
"HRM?! Ke-lalake nilang tao?! Sayang lang yung mga utak nila noh. Tapos, ang mga studyante pa ng HRM dito sa school na'to ay puro playing safe. Baka mahawang silang tatlo sa mga ibang studyante. Naku! Believe me, magcucut na yan ng klase..." reklamo ko.
Totoo naman talaga ang lahat na sinabi ko ahh.. Dito rin kasi nag-aral yung elder sister ko noon. Isa siyang Accounting Technology student, lahat ng mga rumors o issue tungkol sa teachers, school, course, department, at maging sa estudyante ay kinuwento na niya sa'kin.
"Actually, okay naman ang HRM student sa school natin. Pero majority nga lang sa kanila ay mga playing safe." bawi ni Alexis.
"Ang sabihin mo, WAG SIRAAN ANG MAGIGING DEPARTMENT NG NOBYO MO." sabi ni Asha at nagtawanan kaming tatlo.
Pagkatapos naming makapag-enroll ay umuwi agad sina Asha at Alexis sa kanilang bahay. Kaso nagpaiwan lang ako sa school.
*calling Paj...
"Hello, Paj este Neil!" sabi ko sa phone.
"Paj? Sino yun?"
"Wala... Naalala ko lang yung .... anime!!!" palusot ko.
"Ahhh. Tash, mamaya sa Movie World na naman tayo."
"Sorry, pero hindi ako pwede ngayon eh. May ballet ako." tanggi ko.
"Sumali ka rin pala ng dance troupe? Ako din eh..How about after?"
"Sorry, pero mawawalan na ako ng energy after. At baka ako pa ang magiging palpak."
Sumali pa rin kasi ako ng ballet dance troupe sa enrollment. So, ayun.! Hindi natuloy ang lakad namin ni Paj.
First day of class. A college class.
BINABASA MO ANG
TBTA: Anastasha's Story (Book 2)
Teen FictionAnastasha's boyfriend confess to her that he's gay. And now they broke up. Anastasha was really hurt so bad. There's a guy named Neil who is now her crush, who helped her to moved on to her Exboyfriend. But the question is, would she listen to Ne...