Isa's POV
Matagal-tagal na rin ng iwan ko siya. Matagal-tagal na rin nang subukan ko siyang kalimutan. Gusto ko ng burahin ang lahat nang kaugnayan ko sa kanya.
Habang sumisimsim ng mainit na kape dito sa Infinite Caffe di ko mapigilang mapatitig sa nagraragasang ulan. Sa pagtitig ko nito di ko mapigilan na mapaluha nang maalala ko naman ang nakaraan na nagdulot sa akin ng sakit. Gusto ko ng mag move on kaya babalikan ko ito ulit sa huling pagkakataon.
Flashback*
Tumatakbo ako para hindi mabasa ng ulan papunta sa waiting shed ng paaralan. Sa aking pagtakbo di ko namalayan na bangga ko pala ang isang tao. Napa upo ako sa lakas ng impact. Ang sakit ng puwetan ko pero mas nabahala ako sa mga libro ko, tiningnan ko ito ang at basang-basa na nito.
Pupulutin ko na sana ng may kamay na humawak dito. Kinuha pala ito ng lalaking nabangga ko. Noong mapulot ko na lahat ay tinaas ko na ang aking ulo.
Sa pagtaas ko ng aking ulo ay ang pagkahumaling ko sa lalaking mukhang diyos na nakatayo sa harapan ko. Di ko akalaing may lalaking gumagala-gala na ganito ka gwapo na kung sabagay dapat ay nakulong na ito sa sobrang kagwapohan. Nakakalaglag panty yung kanyang mga mata.
Tinitigan ko siya at minememorize ang kanyang mukha.
Sa pagtitig ko sa kanya ay nagsalita agad siya"Okay ka lang ba Miss? Hey, are you okay? Should I bring you to the hospital?" Aniya niya sabay wagayway ng kanyang mga kamay sa aking mukha. Kaya natauhan agad ako.
"Ahh, oo okay lang ako. Pasensiya na at na bangga pa kita. Salamat pala sa pagtulong sa akin. Ayy, ang basa ko na" sabi ko at tumakbo sa waiting shed, sumunod din pala sa akin ang gwapong nilalang na ito.
Tahimik lang ako nanaghihintay ng magsalita na naman siya.
"Are you really sure that you're okay? Di kasi ako mapakali at baka may masakit sayo" sabi niya.
Ang bait naman nito para di mapakali.
"Okay lang ako promise. Walang masakit sa akin" pagsisinungaling ko, sa totoo lang ang sakit talaga ng puwet ko. Bahala na basta maka usap ko lang ang lalaking ito ay okay na ako.
Natahimik na naman kami, naghintay pa ako ng ilang minuto kung magsasalita pa siya pero lumipas na lang ang limang minuto walang salita ang namutawi sa kanya.
Handa na akong magsalita ng dumating na ang sundo ko. Dali-dali na lang akong umalis doon, nakokonsensiya ako dahil ang basa pa naman siya at di pa siguro dumarating ang sundo niya.
Umuwi akong basa, pagkarating sa bahay ay nagbihis kaagad ako at nagpahatid ng pagkain kay yaya sa kwarto ko dahil ayaw kong kumain sa baba dahil andiyan ang bagong asawa ni mama. Di ko matanggap na ganon lang kadali para sa kaniya na ipagpalit si papa.
Nung dumating na ang pagkain ay kumain kaagad ako at natulog na lang dahil wala naman akong magagamit para mag study. Basa itong lahat. Natulog na lang ako para maaga akong magising.
Kinabukasan*
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Bumangon kaagad ako at naligo para maghanda sa pag pasok sa skwela. Di na ako kumain dumiretso na ako sa paaralan para di ko makita ang lampungan ng bagong asawa ni mama. I hate her.
Hinatid ako ni mang Nestor sa school. Siya ang family driver namin. Bumaba na ako ng kotse at pumasok na sa loob. Naririnig ko na naman ang bulong-bulongan nila. Lage nila akong tinatawag na nerd pero may mga naririnig naman ako na magagandang salita ang sinasabi nila sa akin. Nakakatanggap lang naman ako ng mga masasakit na salita dahil na top 1 ako sa batch namin. Na lampasan ko pa kasi ang queen bee ng school. Si Stella Minrado, yan ang tawag sakanya pero ang totoo niyang pangalan ay Stellitita Josefina Minrado. Ang bantot diba, di ko mapigilan na laitin ang kanyang pangalan sa aking isipan dahil katulad ng pangalan niya na mabantot ay mabantot din ang ugali nito.
YOU ARE READING
Tears In The Rain(One Shot Story)
Ficção GeralIlang ulit na siyang Niloko. Ilang ulit na siyang Sinaktan. Ilang ulit na siyang ginawang Tanga. Siya ay si Isa Castillo, simple lang walang arte sa sarili. Matalino at maganda pero kahit gaano pa siya kaganda niloloko parin siya ng boyfriend niya...