Pakawalan niyo kami...
Gumising ako, hindi para humigang muli
Gumising ako, hindi para managinip pa ng sandali
Gumising ako, hindi para tumunganga't ang kisame'y matingnan muli
At maisaisip na tayo'y nasa hawla't ilang araw nang namamalagi
Bumangon ako, hindi upang kumain lang
Bumangon ako upang malinis, mawaldas ang dumi at amoy na masangsang sa katawanBumangon ako, hindi upang manatili lang
Bumangon akong nag-aabang na baka isang araw, sa hawla'y makawala na tayo ng tuluyan
Umay na ba ako?
HINDI!
Pagod na ba ako?
Medyo, kaunti!
Kating-kati na ba ako?
Oo, palagi!
Kating-kati na akong tumapak sa labas ng hawlang tayo ay namamalagi
Sa mundo ngayon, may iba't ibang klase ng hawlang nabuo
UNA: Hawlang Kinakalawang
Ang hawlang ito ay may maruming rehas.
Ang rehas na ito'y kinakalawang na maaaring kahit na ilang segundo lang ay nagkukumahog kang kumawala, e ikaw ay makalalabas
Ang rehas na ito ay hindi sigurado
Pwede kang magwala kung gugustihin mo
Pwede kang sumigaw kung nanaisin mo
Puwede mong iratatat 'yang bibig mo sa amo natin na nagpakulong sa iyo
Iyan ang hawla para sa matitigas ang ulo!
Gaano nga ba kahirap sa inyo ang ipako 'yang mga paa niyo sa loob ng hawla niyo?
Gaano ba kahirap ang maghintay, ang manatili, ang maupo lang at makinig sa kung ano man ang ipinagkaloob sa atin ng ating amo?
Gaano ba kahirap sa inyo ang hindi subukang kalasin ang kandado't lumabas lamang para makisayaw sa mga kagaya niyo?
Gaano ba kahirap ang isaksak iyan sa mga kokote niyo?
Pangalawa: Hawlang kinakalawang dahil hindi na naagapan
Ang hawlang ito naman ay medyo nadaanan sa ginawa ninyong masamang panahon
Kagaya sila ng mga nauna ngunit labag sa kalooban ang lumabas upang makalamon
Hirap silang manatili dahil baka ilang segundo'y hawla nila'y babagsak
BINABASA MO ANG
Mga Pasalitang-Tula Kong Tungkol Nino
PoetryAng mga nilalaman ng bawat pasalitang-tula na ito ay maaaring tungkol sa kahit sinong taong nakasalamuha ko. Maaaring sitwasyon nakasalamuha mo, niya, nating lahat o ng buong mundo. Ilan sa mga pasalitang-tulang narito ay nasa youtube account ko. Na...