Lee Sandy

14 3 0
                                    

Biglang namulat ang mata ko sa maingay na alarm clock na halos trenta minutos na palang tumutunog.

Iba ang awra at saya ng gising ko ngayon kase alam kong wala akong poproblemahing 1st subject.

Well, sino ba namang di sasaya pag unang araw ng Christmas break 'di ba? Walang iisipin na asungot na prof na galit na galit sa halos araw araw late na katulad ko.

Biglang nabaling ang tingin ko sa pusa kong nakadungaw sa bintana na para bang may nakikita sa labas na kakaiba?

"Hoy Dysan, anong tinitingin tingin mo jan?"

Si Dysan nga pala ang pusa kong Devon Rex. Literal na "demon" to kase hayop sa sungit netong pusang to. Pero kahit ganon may sweet side pa naman siya kahit papano. Halos 7 years nadin nung naadopt ko siya sa isang pet adoption charity. Bakit Dysan pangalan niya? Wala lang. Tinatamad ako pumili ng pangalan nung nakuha ko siya kaya kabaliktaran nalang ng pangalan ko. Sandy Dysan. Hehe

Agad akong bumangon sa kama at dumungaw din sa bintana kung saan nakatingin si Dysan.

Pagkadungaw ko, wala naman akong nakitang kakaiba. Except kay Kuya Jeff na nagdidilig sa garden.

"Good morning Kuya Jeff!" bati ko sa hardinero namin habang kumakaway

"Magandang umaga din sayo, ma'am Sandy!" bati niya pabalik.

Lahat ng kasama namin dito sa bahay malapit sakin. Ewan ko ba. Di ko kaya ng walang kausap kaya halos lahat kahit di ko kilala kinakausap ko pag magisa lang ako. Sabi nga ng isa kong kaibigan buti daw hindi ako nagcocommute at baka maasar lang sakin magiging katabi ko sa jeepney everytime na sasakay ako. Friendly ba tawag dun o weird?

"ATEEE SANDYY" sigaw ni Jandy sabay higa sa kama ko na agad pinuntahan ni Sogeum.

nagulat ako sa biglang pagpasok ng kapatid ko sa kwarto.

Si Jandy ang nagiisang nakababatang kapatid ko na kasama ko lagi sa paglalaro ng XBOX. Pangalan palang alam niyo nang magkapatid kami, 'di ba? Sandy, Jandy, Sandy, Ja-- AAAH!! Ewan ko ba hanggang ngayon di ko padin magets anong trip ni mama at sa dinami dami ng pangalan sa mundo yan ang pinangalan samin.

Mabalik tayo. Aside pala sa paglalaro, hilig din niya magbasa ng libro. Kaya siguro dang talino netong batang to dahil sa mga nababasa niyang kung ano ano? 1st year college na pala siya. Sa Aki Univ. din siya nag-aaral. Sa laki ng campus minsan lang kami magkita niyan kaya di ako aware sa mga kalokohan niyan. Pero, may tiwala naman ako sa kanya.

"Pinapatawag kana nila Mama. Kakain nadaw hehe"

"Osige mauna ka na, susunod ako. Papakainin ko muna to si Disan"

"Sabay na tayo"

"Mauna kana. Wag na makuliiiit" hinila ko siya paalis sa kama at tinulak palabas ng pinto.

"Ate naman, kaya nga kita sinundo dito eh"

"Fine." agad siyang napangiti at humiga ulet sa kama habang ako dumiretso na sa cabinet kung nasaan yung pagkain ni Dysan.

"Kumain ka ng madami Dysan ah" sabi ko sa pusa ko habang nilalagay yung cat food.

"Ate ano to?" tanong ni Jandy habang may binabasa siyang lett---

"YAH!!! LEE JANDYYY" napatakbo ako ng mabilis papunta sa kinaroroonan niya at kinuha yung letter na bigay sakin ni Jackson.

"Yiiiieeeeeeee ateeeee! Bigay ba yan ni Kuya Jackson? Ang sweet niya padin kahit 2 months na kayong nagdedate" sinamaan ko siya ng tingin at sasapakin ko na sana siya pero mabait ako kaya di ko ginawa.

"Alam mo kahit kelan talaga napaka pakialamero mo. Tara na nga bumaba na tayo baka ano pang magawa ko sayo" nauna na kong lumabas ng kwarto at sumunod naman siya. Normal lang ba na pag may babaeng kapatid, pakelamero talaga? Halos kase lahat ng gamit at damit ko nahiram na niyang babaeng yan. At take note, di pa nagpapaalam. Nagugulat nalang ako pag hahanapin ko yung bagong bili kong damit, biglang nasa labahan na. Nasuot niya pala niya. Jusko po. Sakit sa ulo.

Pagdating namin sa dining nandun na si Daddy at Mommy na nakapang opisina na. Agad namin silang bineso at binati.

"Goodmorning mga anak! Kain na" bati ni Daddy samin.

Ang sarap ng ulam. Paborito kong Tuyo, Itlog, at Garlic Rice. May kasama pang Longganisa at Hotdog. Omg heaven! Agad na akong ngumuya at ninamnam ang masarap na almusal.

Usually kase nung may pasok di na ko nakakapag almusal sa bahay kasi nga lagi akong late nagigising at late na sa school kaya nagmamadali na ko.

"Mukhang masaya kayong dalawa ngayon dahil simula na ng Christmas break" nginitian namin ni Jandy si Mommy at tumango tango.

"May balak ba kayong puntahan? Or bilhin? Sandy? May lakad ba kayo ni Henry?"

"Ah--" napahinto ako sa pagsalita ng magsalita si Jandy.

"Mom, it's Kuya Jackson. Kuya Jackson is ate's boyfriend, 'di ba?" eto talagang batang to.

Napangiti si Mommy. "Nasanay kasi ako na si Henry lagi mong kasama. So, anong plano niyo ni Jackson? Dito ba siya magpapasko?" tanong niya.

"Actually mama wala pa po siyang sinasabi. Hmm.. wala pa po kaming napaguusapan ni Jackson." sagot ko. Tumango naman si Mommy na para bang 'Ahh ok' ang gusto niyang iparating.

Nga pala, si Henry na binanggit ni Mommy is yung best friend ko since birth. Yes, you read it right. Since birth. Simula pagkamulat ko kilala ko na yan si Henry. Why? Kase pareho kami ng araw ng kapanganakan. June 11, 1999. I don't know din kung pano nangyari yun pero sure ako tuwang tuwa si tito at daddy nung nalaman nilang magka birthday ang anak nila. Why?

My Dad and Henry's Dad are best of friends. Elementary best friends. May barkada pa sila nun. Tito Hanslee is my Daddy Simon's one and only best friend. Kaya yan, pati anak nila ginawa nilang mag bestfriend.

Every occasions like Christmas, Birthday, New Year, or ano pa man.. laging kasama namin ang pamilyang Lau. Last Christmas, sa bahay nila kami nagpasko. Kaya sa darating na pasko, sure na yan na dito naman kami magpapasko sa bahay at sila naman ang pupunta dito. Nonstop pangungulit nanaman gagawin sakin niyan ni Henry. Kaya nga balak ko dito sana magpasko si Jackson. Para kahit papano di ako makulit ni Henry.

"Hmm-- Hon, we're late. We should go." sabi ni Dad habang pinupunasan ang bibig niya. Tumango naman si mama at tumayo na sila.

"Sandy Jandy, mauna na kami. Just leave us a message kung may lakad man kayo ngayon ha?"

"Yes mom" sabi namin ni Joy. At bumeso kami sakanila bago sila umalis sa dining area.

Forever Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon