LOVELLE'S POV
Mabilis lang lumipas ang araw at hindi ko namalayang malapit na pala ang acquaintance party ng school namin. Kaya sa tatlong linggo habang nag aaral ako ih naghahanda na ako ng susuotin ko kasi naman ang theme ng party na yun ay mag gogown lahat ng babae at mag tutuxedo naman yung mga lalaki. Hindi naman kasi ako sanay mag suot nang mga ganoong damit at hindi ko rin alam kung ano ang mga kailangan kaya nagpatulong nalang ako kay yaya linda...
Yaya linda, nakahanap kana po ba nang susuotin ko sa party?.. Tanong ko kay yaya habang nagliligpit ng plato ko dahil katatapos ko lang kasing kumain...
Ay oo anak, nagtanong ako doon sa kakilala ng mommy mo, Ayon tinulungan niya ako at ipapadeliver na dito mamaya ang gown mo at yung mga pinabibili ko sayo ha dapat mayroon ka non.. excited na sabi ni yaya...
Opo yaya linda nasulat ko naman po lahat nang mga kailangan bilhin... Oh sige yaya, kayo po munang bahala dito. Pupunta na akong mall ngayon bibili ako nang heels at mga kailangan para sa party... hinayaan ko na si yaya mag asikaso sa kusina at umakyat nako sa kwarto para kunin ang wallet ko at diritso na sa mall...
Habang nasa daan, natanaw kong may malapit palang coffee shop dito sa village namin hindi naman kasi ako lumalabas ng bahay kaya nag desisyon muna akong pumanhik sandali sa coffee shop para bumili ng kape...
Pagkapasok na pagkapasok ko palang ay agad ko namang nakita ang lalaking kaklase ko na akala niya eh ma iinlove ako sa tingin niya...
Tss, kapal... inis kong sabi...
Di ko nalang siya pinansin at agad akong natungo sa counter para mag order nang kape...
Good morning maam, what's your order?? Nakangiting sabi niya...
One expresso miss... sabay abot ng card ko...
Okay maam, can you wait for 5 minutes maam? ... tanong niya...
Okay... tipid kong sabi...
Kaya umupo muna ako at hinintay ang kape ko...
Napansin kong tinitignan ako nang lalaking iyon kaya tinignan ko rin siya...
Tumayo naman siya at naglakad patungo sakin...
Hi? Lovelle right?? Im Jayrell your classmate in chemistry... sabay lahad ng kamay niya at nakangiti pa...
Nagdadalawang isip pako kung tatanggapin ko ang kamay niya kase parang hindi naman siya tung lalaking nakaharap ko noong una. Hindi naman ngumingiti yun ih at seryoso ang mukha. Nakapagtataka lang...
Kaya tinanggap ko na lang agad ang kamay niya para magshake hands baka magbago pa ang mood ng lalaking ito at bumalik sa pagiging seryoso...
Yes Im lovelle, nice meeting you jayryl.. sabay abot ng kamay niya at nginitian ko siya...
Would you mind if I sit here??... pormal na sabi niya...
Akala ko ba marunong magtagalog tu... bakit english nang english... mauubusan naman ako ng salita dito...
Pwede bang mag tagalog ka.. Baka di nako makapagsalita mamaya kasi ubos na ang english ko... inis kong sabi...
Oh! Okay, parang nagulat pa...
Maupo kana.. baka magbago pa ang isip ko at itaboy kita dito.. maarte na sabi ko at inoffer sa kanya ang upuan...
Mabilis naman siyang umupo...
Habang hinihintay ko ang inorder ko eh. Napansin kong ang tahimik naman nitong kasama ko, akala ko makikipagkwentuhan itong lalaki tu dahil dito siya umupo. Hindi naman ako pinapansin. Bakit pa siya lumapit dito anong gusto niya? Makikiupo lang para may kasama?... Kaya kinalabit ko siya..
YOU ARE READING
Destined To Love You (Still On Going)
RandomLove is everything... Love is a choice... Love is responsibility... Love is complicated... Love is powerful... Love is the opposite of pain... But... What is the LOVE that a person wanted? What is the LOVE supposed to be? And What is the truth abou...