17 years ago...
"OH MY GOSH! ELO!! I'M ABOUT TO GIVE BIRTH! CALL AN AMBULANCE, NOW!" malakas na sigaw ni Zophia.
Natatarantang tumawag ng ambulance si Elo. Hindi niya malaman kung ano dapat ang uunahin na gawin. Kumalma lamang siya noong nakarating na ang ambulansya.
Agad-agad na ipinasok sa Delivery Room si Zophia. Habang nasa loob ng silid si Zophia biglang dating naman ng kaniyang magulang at mga pinsan.
"Elo where is my daughter? Is she okay? How's she doing? Is it giving her a hard time?" sunod-sunod na tanong ng Ina ni Zophia na si Doña Mary.
"Tita calm down, she's doing great besides she won't be feeling nervous anymore because all of you are here." naninigiradong sagot ni Elo.
Nakahinga sila ng maluwag dahil sa paniniguradong sagot ni Elo.
Dumaan ang ilang minuto at pinapasok na ng mga staff ng ospital ang pamilya ng manganganak. Dahil nga sa kapangyarihan na mayroon sila pinayagan ang mga pinsan ni Zophia na masaksihan kung paano ipapanganak ni Zophia ang kaniyang mga anak.
Makalipas ang ilang oras ligtas na nailabas ni Zophia si Zecharieh, kaunting tiis na lang at mailalabas na niya ang pangalawa niyang anak na si Zephanieh. Matagal nang pinlano ng mag-asawa ang ipapangalan sa anak nila, simula noong malaman nila ang kasarian ng kambal nagisip na sila ng magandang ipapangalan sa mga ito.
Hindi pa man nailalabas ni Zophia ng buo ang pangalawa niyang anak, nagkaroon na ng problema sa kaniyang paghinga. Mayroong asthma si Zophia. Dali daling inasiko ng mga Nars ang nag-aagaw buhay na si Zophia.
Hindi pa man bumabalik sa normal na pantig ang puso ni Zophia, nailabas niya si Zephanieh ng ligtas at malusog.
"Zophia look! They are so cute! Mana sa Tita!" ani ng plastik na si Ezra.
Tuwang tuwa ang magpipinsan at ang asawa ni Zophia. Hindi pa man tumatagal ng ilang minuto ng iluwal ni Zophia ang bata nagkaroon na ng bagong aasikasuhin ang mga hospital staff. Niyugyog ni Don ang kama ni Zophia dahil hindi ito nagsasalita o gumagalaw.
"Nurse get the defibrillator quickly!" Natatarantang utos ng doktor.
"Clear!"
"Clear!"
"Clear!"
Napatigil sa pag-alog si Don ng marinig at makita niya na nag-flatline ang monitor ni Zophia.
Dali dali siyang lumabas at humagulgol. Hindi niya alam kung paano na mamumuhay ang mga anak nila ni Zophia kung wala sa tabi nila ang kanilang ina. Bigla niyang naalala kung bakit pinaalalahanan siya ng mga pinsan ni Zophia na maghinay hinay kung sakaling gusto nitong magka-anak, nangunguna na si Ezra.
"Tahan na Don, magpakatatag ka para sa mga anak niyo. Naandito lamang kami kung kailangan mo ng tulong, hinding-hindi kami magdadalawang-isip na tulungan ka kung sakaling humingi ka ng saklolo lalo na sa pagpapalaki ng mga bata." sinubukan ni Ezra na pagaanin ang loob ni Don ngunit hindi pa man sumasagot si Don may sinenyasan si Ezra na hindi kilalang lalaki at tumungo ito sa kinaroroonan ni Zophia. Baka kailangan nang ilipat ang katawan ni Zophia.
-End of flashback-
Hindi ko pa rin alam kung bakit sa palagi nilang pagsumbat sa akin ay hindi ko din maiwasang malungkot. Sinabi sa akin ng Lola ko na wala akong kasalan ngunit iba ang ipinapahiwatig ng nararamdaman ng aking ama at ni Rieh. Palagi akong humingi ng tawad sa kasalan na hindi ko naman ginustong mangyari pero kahit anong gawin ko hindi pa din nila ako pinapatawad. At ang tanging sagot lamang nila ay ang tawad ay ibinibigay sa mga taong pinagsisisihan ang ginawa. Doon ako lubos na nalungkot dahil sigurado sila na ako ang gumawa niyon sa aming nanay.
YOU ARE READING
Longing for her Legitimate Right
Novela JuvenilAn elite family who lives by a very low profile. Only a few citizen of their country knows how they handle their struggles in life. Everything's in it's right places not until their youngest daughter lost her mind due to jealousy. The Galicia Family...