Chapter 1
Nang makarating sa apartment na tinutuluyan ko ay mabilis kong kinuha ang susi mula sa bulsa ng shoulder bag na bitbit ko.
Dalawang taon na simula ng lumipat ako dito sa San Isidro, isang maliit na syudad kumpara sa malalaking syudad na dating narating ko nang samahan ko si papa.
Ngunit sa Aragon Ecija sa norte talaga kami nakatira ng buo pa ang pamilya.
Hinubad ko ang sapatos na suot at nilagay sa shoe rack sa tabi ng pintuan, sinabit ko naman ang payong sa tabi nito.
Nakapayak akong naglakad papasok sa aking naging tahanan dalawang taon na ang nakaraan.
Pagpasok sa kwartong aking nirerentahan ay bubungad ang lamesita sa gitna katabi ng maliit na kusina at palikuran sa gilid nito.
May maliit na lumang sofa katapat nang hindi kalakihang television, ito ang nagsisilbi kong sala sapagkat hindi naman gano'n kalaki ang kwartong ito.
May isang bedroom at dalawang palikuran, isa sa kusina at pangalawa sa aking silid.
Meron ding malaking bintana sa gilid ng sala, nakasara ang kurtinang puti at maging ang salamin nito.
Inilapag ko sa lamesita ng dining ang aking shoulder bag at lumuhod upang maabot ang maliit na ref at kumuha ng tubig, walang pag-aalinlangan ko itong tinungga at napapikit na lamang.
Tumayo na ulit ako at kinuha ang bag ko bago pumasok sa aking silid.
Kinapa ko ang gilid kung nasaan ang switch, nang mabuksan ay binati ako ng tahimik kong kwarto. Isang maliit na kama na ako lang ang kasya at kung pipilitin ay kasya ang dalawa.
Sa gilid nito ang side table na may mga nakapatong na litrato at kung ano anong disensyo mag-mukhang tahanan lamang ang aking tinitirhan.
Meron akong isang malaking aparador na luma at cabinet, kasya ang mga lumang damit, sapatos at kung ano ano.
Sa gilid ng kama ko ay bintana din at sa kabila ay ang side table nga.
Pinatong ko ang aking bag sa ibabaw ng kabinet na may salamin.
Umupo ako sa'king kama at tinanggal ang basang damit at naiwan na lang ang panloob ko.
Humiga ako sa kama ng patihaya dahilan upang makita ko ang kisame na merong nakadikit na glow in the dark na mga bituin, buwan at kung ano ano pang hugis.
Lunes na bukas, umpisa ng aking klase.
Walang tumutustus sa pag-aaral ko at ako ang nagtatrabaho para roon.
Wala akong mga kamag-anak, sabi ni papa ay halos nasa ibang bansa daw ang mga kamag-anak namin at gano'n din sa side ng nanay ko, ngunit hindi ko alam kung saan at paano sila kokontakin.
Isa pa, hindi ko na nais pang maging pabigat sa ibang tao.
Sa sobrang pagod ko ay dinalaw ako ng antok.
BINABASA MO ANG
The Heaven's Teardrops
FantasyI stared at the gloomy sky with so much emotions. Looking back right now, I didn't expected that everything would turn out this way. People fighting for their rights, keep risking their lives just to have the glimpse of the freedom they sought. My...