Prologue
Naglalakad ako sa kahabaan ng kalye na tinatayuan ng naglalakihang mga bahay na dikit-dikit.
Dala ang aking shoulder bag ay napahinto ako sa paglalakad, pinagmasdan ko ang mga tao sa 'king paligid.
Magtatakip-silim na at nagmamadali ang mga taong kasabay ko sa paglalakad, ang iba'y tumawid na sa kabilang kalye na nasa dulo ng nilalakaran ko, ando'n ang street light at ilang sandali pa ay nag-kulay green ang kulay nito kaya napahinto ang mga tao.
Tumingin ako sa langit habang nakahinto sa gitna, hindi ko alintana ang mga napapadaan sa gilid ko na nagtatakang tumingin sa 'kin.
Humigpit ang kapit ko sa itim na shoulder bag habang pinagmamasdan ang kalangitan, napakakulimlim nito na nagbabadya ng pag-ulan.
Umihip ang malamig na hangin.
"Narinig ko sa 'king kaibigan kaninang umaga na baka umulan daw ayon sa weather forecast, kailangan na nating magmadali." Nasagi ako ng isang babaeng nagmamadali habang kausap ang kasama nito.
Narinig ko ang kaniyang sinabi kaya napatingin ako sa kaniya, ngumiti ito at napatingin sa kaniyang kasama, marahil ay kaibigan.
"Pasensiya na." Ngumiti ito, tumango lang ako kaya nagmamadali silang tumalikod habang nag-uusap.
"Balik sa 'yong sinabi, nakakasama naman ng loob ang paparating na ulan, umpisa pa naman ng Mayo." Dismayadong sabi ng kaibigan ng babaeng nakabangga sa'kin.
May...
Tumingala ulit ako sa kalangitan hanggang sa naramdaman ko ang maliliit na patak ng tubig ulan sa'king pisngi.
Inabot ko ang aking pisngi at pinahid ang tubig-ulan. Napabuntong hininga ako.
May mga nakabangga ulit sa'kin ngunit hindi kagaya ng babae kanina na humingi ng paumanhin, ang mga ito ay hindi manlang nag-atubiling pagmasdan ako.
Huminga ako ng malalim nang palakas ng palakas na ang ambon mula sa langit.
Hinagilap ko ang aking dalang pulang payong sa loob ng shoulder bag ko nang makuha ito ay mabilis kong binuksan at hinakawan ang handle.
Pinagpatuloy ko na ang aking naudlot na paglalakad kanina.
Patuloy na lumakas ng lumakas ang ulan at maging ang hangin na sobrang lamig.
Humigpit ang kapit ko sa handle ng payong at patuloy na nilakad ang daan, matagumpay akong nakatawid mula sa kabilang kalye.
Nakita ko ang waiting shed na dinadaanan ng mga bus at taxi cab.
Tinahak ko ang daan patungo doon at nang makarating ay sinara ko ang aking dalang payong at umupo.
BINABASA MO ANG
The Heaven's Teardrops
FantasyI stared at the gloomy sky with so much emotions. Looking back right now, I didn't expected that everything would turn out this way. People fighting for their rights, keep risking their lives just to have the glimpse of the freedom they sought. My...