"Cause, someday someone's gonna love me the way I wanted you to need me someday someone's gonna take your place ...Oh, one day I'll forget about y——"Queen Rainheart Buenavista!!?" naputol ang aking pagse-senti sa sigaw ng aking kaibigan.
"What!?", pabalik kong sigaw sa kanya.
"nagse-senti ka na naman, sabi ko pinapatawag ka!"
"Nino!?", tanong ko. Di kami galit sa isa't-isa sadyang malakas lang talaga ang music kaya kailangan naming magsigawan.
"ni Heaven, mama mo raw tumatawag!", sagot ni Lovely.
Padabog kong nilapag sa kama ang aking laptop at humarap sa kanya.
"Nasan ba si Langit?", tanong ko ulit.
"SPM", sagot niya sabay irap sa akin.
Aba! Loko tong babaeng toh! Parang timang!
"PAG-IBIG!!!", pagbabanta ko
" Psh, Nasa kwarto niya ULAN!"
"Sasagot din naman pala pinapatagal pa", pagtataray ko.
Inirapan niya lang ako, Kaya umalis na ako.
Pagkarating ko sa kwarto ni Heaven naabotan ko siyang kausap si mommy sa telephono.
"Langit", tawag ko sa kanya.
"Ahh, tita andito na po si Rain," sabi niya sa kabilang linya.
"Labas muna ako Ulan," sabi ni Heaven sabay abot sa akin ng telepono.
Tumango lang ako sabay abot.
"Oh hello Mom, napatawag ka? Miss mo na ako noh?", panunukso ko sa kanya.
"Syempre naman, darling. We missed you...pero aside of that birthday ng lolo mo remember?",
"Ay! Oo nga pala, bakit?", tanong ko.
" Anong bakit? Umuwi ka dito sa bahay, isama mo mga kaibigan mo.
Naging makalimutin ka na ah!,
Siya ba'y nakalimutan mo na?""Mom naman! Busy lang sa school, at saka past is past wag mo nang ipaalala",
" Oo na, punta kayo dito.", pagsuko niya
"Ngayon na? As in?", tanong ko.
"ayy hindi bukas pa, bukas e ce-celebrate ang birthday ng lolo mo..tsk!", pamimilosopo niya sakin.
Nanay ko nga talaga siya, pareho kaming...pilosopo!
"Wag ka ng magdrive ng kotse, ipapasundo ko nalang kayo kay Manong Jimmy," I nooded as if na nandito siya sa harapan ko. "I need to hang up na may aasikasohin pa ako, take care kayo okay? See you later." habol niya.
"Yeah, see you." sagot ko, bago binaba ang telepono.
Akala ko pa naman anong sasabihan.. Hayyyst! Kinabahan tuloy ako.
Binalita ko agad sa kanila na may party sa bahay bukas at doon muna kami mag-stay ngayon hanggang bukas kaya agad-agad silang nagsitakbuhan papunta sa kaniya-kaniyang kwarto para kumuha ng mga gamit.
It's already 3:34pm at kararating lang namin sa tapat ng mansyon, yeah mansyon namin. I'm not rich, my parents are.
"Teytey!", pagpasok ko palang sinalubong agad ako ng aking 4 years old na kapatid.
Simonne (Say-mon) Rey Buenavista.
"Hello young man, how are you?" sinalubong ko rin siya ng yakap at binuhat.
BINABASA MO ANG
'Till WE Meet AGAIN
RomancePosible bang ang dating nasira na pag-ibig ay maibabalik? Posible bang ang pagmamahalan na matagal ng natapos ay magsisimula ulit? Paano pag ang taong matagal mo ng kinalimutan ay magpapakita at magpaparamdam uli? . . . . . Kaya mo bang harapin muli...