PROLOGUE

406 14 3
                                    

Amorous Relationship With Engineer


Tulad nang dati'y mugtong-mugto na naman ang aking mata nang magising, ilang segundong natulala ngunit sabay nun ang pagguhit muli ng aking luha sa aking mga mata.


Luhang hindi kayang pigilan, luhang may halong sakit, luhang kailan man ay hindi na ako linubayan. Akala ko, kaya ko na pero hanggang ngayon ay hindi pa pala. That scene was still bugging me until now, regretting I didn't fight for myself. It's been two years but until now I am still mourning, parang akong patay at kung hindi lang magiging kasalanan ang pagpapakamatay ay sana matagal na akong wala sa mundong ito.



Napahilamos ako sa aking mukha gamit ang kamay, kinakalma na ang sarili. Hanggang ngayon ay nasa aking dibdib pa rin ang kirot. Ang kirot na kaniyang dinulot.




I know Lola Lily doesn't want me to be like this, I'm sure even my angel. Hindi ko maiwasang mas lalong umiyak nang muling bumalik sa aking isipan ang nangyari noon. Sabunot, tadyak, sampal, kalmot, iyon na naman ang nasa aking isipan dahil iyon din ang napala ko noon kung bakit ako ganito ngayon. Ang swerte niya, napaka swerte niya dahil hindi ako nagsampa ng kaso, ang swerte niya dahil nanahimik lamang ako at nagpakalayo.




Ngunit hanggang ngayon tila gusto ko rin ng hustisya ngunit ano nga naman ang mapapala ko dahil napakayaman niya. Isang pitik lang niya ay baka ako ang mapunta sa kulongan kung nagkataon, ako ang hahanapan niya nang butas. Ang hirap, ang isang taong nanatili sa tabi ko ay hindi ko inaasahang gagamitin lang rin pala ako. I trusted him but what he did? He used me so they can hide it.


Ang aking luha ay tila parang isang gripo walang katapusan sa pagbuhos. Ang aking puso ay tila basong basag na basag na, kailan man ay hindi na yata mabubuo .

Nang mapagtantoan kong may trabaho pa pala ako ay kinalma ko na ang aking sarili bago ako pumunta sa banyo ngunit kahit naroon na ako ay tulala pa rin. Nang nasa isip ko nang dalawin ang munting anghel ko ngayong araw ay bigla akong napangiti, wari'y lumisan yata ang emosyonal kong pakiramdam ngunit narito pa rin sa aking dibdib ang sakit.


Tulad nang dati'y hindi na naman ako kumain nang agahan, sanay na sanay na. Nang makita ko kung anong oras na ay doon lang ako nagmadali, pinili ko na lamg suotin ang aking Rhea Blouse saka ito ipinareha sa aking black button fly high-rise skinny jeans. Nang makapag light makeup na ako'y sinuot ko na rin ang aking chinese laundry pumps ko.



Matapos kong tignan ang aking sarili sa salamin ay dali dali ko nang kinuha ang aking mga gamit, saka lang ako nakahinga ng maluwag nang makasakay na ako sa taxi papunta sa aking trabaho, buti at hindi naman iyon kalayuan sa kung nasaan ang aking Condo.



"Goodmorning, Ma'am Ganda," bati ni Manong Guard sa akin.



Ngumiti ako kay Manong. "Goodmorning din po," bati ko pabalik saka yumuko nang bahagya at pinagpatuloy ang paglalakad papasok sa building.



Nang makapasok na ako sa elevator ay pinindot ko na rin kung saang floor ako, tahimik lang ako habang hinihintay na bumukas ang elevator at nang tuloyan na ngang bumukas ay agad akong dumeretsa aking cubicle.




"Ganda natin ngayon ah!" Ani Krissy sa akin, I didn't speak and shook my head at her.

"Binobola bola mo na naman ako," sabi sa kaniya.

"Uy hindi ah! Pang CEO ang datingan mo, bhe! Mas maganda ka pa kesa kay Ma'am Bridgette," aniya, binulong ang panghuling sinabi dahil anak iyon ng boss namin.




"May saltik ka talaga, Krissy," bulong ko sa kaniya saka inilapag ang handbag ko, nakaramdam na muli nang komportable.


Laking pasasalamat ko sa aking makeup dahil tinago nito ang aking eyebags na umiitim na rin, joke.



Amorous Relationship With Engineer (Engineer Series #5)Where stories live. Discover now