"Ginoo saksi ang buwan at mga bituin sa langit maaari ko bang malaman kung magkapareha tayo ng nararamdaman?" seryosong sabi nya. Nagulat ako sa sinabi ng babaeng 'to, hindi ko man maaninag ang mukha nya pero alam kong nakatingin siya sa mga mata ko. Hinihintay ang magiging sagot ko.
"Crush mo ko?" Malokong sabi ko. Alam kong nagulat siya sa sinabi ko, kaya naman dali dali niyang binuksan ang isang lampara upang magbigay liwanag saming dalawa.
"Sino ka?!!!" sigaw niya sakin. Unti unting tumama ang liwanag na galing sa lampara sa mukha naming dalawa. Isang babae na maliit ang mukha, matangos na ilong, kakaibang mga mata ang nasa harap ko. Bagamat seryoso ang mga mata niyang nakatingin sakin ay hindi ko itatanggi na maganda sya. Siguro ay may half sya. Inilapit nya pang Mabuti ang lampara sakin para siguro maaninag ako. "Hindi ikaw si Ginoong Pablo sino ka bakit ka naririto?" seryosong sabi nya.
Nakakatakot naman pala ang mga magagandang babae rito. Magsasalita pa lang sana ko nang biglang hinatak niya ang kamay ko.
"Huwag kang maingay, may paparating" Dinala niya ako sa pinakasulok, sa tagong lugar. Saglit na natahimik ang lugar. Ilang saglit pa ay dumating ang mga kawal ni Don Alfredo, siguro ay hinahanap na 'ko. "Ginoo ang lampara" bulong niya sakin. Tumingin ako sa lampara na naiwan sa pwesto namin kanina. Nakalimutan naming patayin!
Hindi na ko nakasagot dahil biglang lumapit ang isang kawal sa lampara na nagbibigay liwanag.
"May lampara rito mukhang may tao nga rito" sabi ng isang kawal. Naglakad lakad siya dala ang lampara namin upang tanglawan kung may ibang tao nga doon. Napadaan siya sa pwesto namin. Kinakabahan ko namang hinawakan ang balikat ng babaeng kasama ko upang parehas kaming yumuko. Mabuti na lamang ay may mga naka imbak na kung ano anong bagay sa harap namin. Hindi naman kami napansin ng kawal, ilang saglit umalis na rin sila. Lumabas na rin kami sa aming pwesto.
"Bakit mo ba ako hinatak? Pwede namang magpakita na lang tayo at wala naman tayong ginagawang masama" sabi ko. Gulat siyang napatingin sakin at nagsalita.
"Ginoo nawawalan ka na ba sa iyong katinuan? ayokong isipin nila na may namamagitan satin, kaya tayo lamang ang narito!" wika ng babae.
"Ayoko rin naman 'no" mabilis na sabi ko. Aba, aba hindi purkit maganda siya ay gusto ko na siya, nangako ako sa sarili kong wala 'kong magiging chix dito.
"Talaga? hindi ko malaman kung bakit naririto ka gayong si Ginoong Pablo ang inaasahan kong naririto! ikaw ba ay umiibig sakin kaya mo ako sinundan dito?" wika ng babae. Napaka hangin naman ng babaeng 'to.
"Hindi ako aware na sa panahong ito ay meron ding mahahangin na babae" wika ko.
"Ikaw ay nawawalan na sa katinuan kung kaya't kung ano anong salita na ang iyong nababanggit. Ayokong matulad sayo!" wika nya at nagmamadaling umalis.
Hindi ko na sana s'ya makita rito!
Pagkatapos ng pangyayaring 'yon ay tinuloy ko ang balak ko pero wala kong nakita, bigong bumalik ako sa loob at alam kong nag aalala na sila Doña Amada. Umuwi kami after nila akong makita. Kinaumagahan ay nagising ako dahil sa katok ng katulong.
"Ginoo ikaw ba'y gising na? Nakahanda na po ang umagahan"
Napatayo ako at binuksan ang pinto.
"G-ginoo" nagulat ang familiar na mukha sa akin. Napansin ko naman na wala pala akong damit pangtaas kaya agad kong sinarado ang pinto upang magdamit. Binuksan ko naman iyon pagkatapos.
"Ikaw ay pamilyar sa akin nagkita na ba tayo? wika ko nang makita kong nasa labas pa rin siya. Nabalik naman siya sa diwa nang magsalita ako.
"Ako po si Rosita, ako po ang anak ng isa sa tumulong sa iyo noong ikaw ay nakitang sugatan noon sa kagubatan" wika niya, ah siya yung tumawag non ng manggagamot.

BINABASA MO ANG
Walking in the Past
Historical FictionAlexander Paul Marquez is a famous basketball player at his university and one of the so-called "university chixboy". He is an adopted son of a well-known businessman in the country but he never felt the love from his family. A tragedy will change...