Kabanata III

16 1 0
                                        

"Mukhang mabilis kang magtiwala kaagad, ibang iba ka sa Alejandro na nakilala ko" seryosong sabi niya na nagpahinto sakin.

Matagal kaming walang imik tila tinatansya ang reaksyon ng bawat isa.

"Kaibigan tila gulat na gulat ka sa sinabi ko" natatawang sabi niya. "Inaalam ko lamang ang iyong magiging reaksyon" Pagpapatuloy niya.

Natahimik ako sa sinabi niya, ngunit nabalik din sa ulirat nang yayain niya pa ako sa ibang shop. Ilang mga tao ang ipinakilala sakin ni Andres, ang iba'y kilala ni Alejandro ang iba'y kakilala ni Andres.

Magdidilim na nang makauwi ako sa bahay namin. Pagpasok ko ay sinalubong kaagad ako ni Esmeralda.

"Kuya Alejandro kamusta ang iyong pagbisita sa tahanan ng Dela Peña?" bungad niya sakin.

"Wala naman ako'y niyaya lamang ni Andres na mamasyal sa bayan" wika ko.

"Mabuti naman kung ganoon halika't nasa hapag kainan na si ina at ama hinihintay ang iyong pagdating" masayang bati niya sakin.

Nagdiretso naman kami sa dining Area nila. Pagkarating ko ay nakaupo na si Don Alfredo sa gitna sa tabi niya si Doña Amada. Hinihintay nga nila ako at hindi pa sila nagsisimula.

"Magandang gabi ina, magandang gabi ama" wika ko, paglapit ko sa kanila. Napatingin naman sila sakin at napangiti.

"Tamang tama ang iyong pag uwi sapagkat hindi pa kami nagsisimula" wika ni Doña Amada, naupo naman ako sa tabi ni Esmeralda, nag dasal muna kami bago kumain, titino talaga ko rito. Habang kumakain ay pansin kong tahimik lang ang bawat isa. Nang matapos sa pagkain ay saka lamang nagsalita si Don Alfredo.

"Maaga kang magpahinga Alejandro sapagkat bukas ay isasama kita sa munisìpyo upang ipakilala sa mga kasamahan ko sa pamahalaan" wika ni Don Alfredo. Nagulat ako sa sinabi niya never ginawa yon ni daddy sakin.

"Masusunod ama" ngiti ko, bagamat kinakabahan ay gusto ko ring makita ang iba't ibang lugar sa panahong ito. Unti unti ay nakakapag adjust na ko sa panahong ito, ayokong manatili rito dahil hindi akin ang katauhang ito ngunit ayoko namang masira ang buhay na dadatnan ng totoong Alejandro dahil sakin kung gagawa akong kalokohan dito. Kahit gago ako may puso naman kahit papaano.

Sinunod ko ang sinabi ni Don Alfredo, kaya naman maaga pa lang ay gising na 'ko nag handa para mamaya, nagpatulong ako kay Rosita kung paano ang pananamit kapag pupuntang munisipyo ngunit sabi niya ay normal lang naman ang pananamit doon sapagkat wala namang okasyon.

"Ginoo huwag kang kabahan hindi naman Gobernador Heneral ang iyong kikitain" natatawang wika ni Rosita, ngumiti lamang ako. Ngiting natatae.

Habang nasa byahe ay kinausap ako ni Don Alfredo. Siguro ay pansin niyang kinakabahan ako.

"Ngayon ka lamang sumang ayon na sumama sa akin sa munisipyo kailangan pa palang ikaw ay mawalan ng ala ala upang maisama kita" Natatawang wika ni Don Alfredo, siguro ay tinatanggal niya ang kaba ko.

"Bakit po ayokong sumama?" tanong ko.

"Ang lagi mong katwiran sa akin ay ayaw mong kumilala ng mga taong mabuti lamang kapag ikaw ay  nakaharap, hindi ka mabilis magtiwala sa mga tao" Pagpapaliwanag niya habang nakatingin sa harap. Siguro nga ay iyon ang isa sa personality ni Alejandro, kailangan kong mas lalong mag ingat.

"Narito na tayo huwag kang kabahan mabubuti ang mga tao rito" wika ni Don Alfredo, tumango lamang ako at sumunod sa kanya pag kababa.

Maraming bumabati samin, malaki ang munisipyo may mga ilan guwardiyang nakatayo sa bawat sulok. May ilan na sumunod kay Don Alfredo. Ipinapakilala niya ako sa mga tao roon, masaya naman akong bumabati sa kanila. Bagamat istrikto ang itsura ni Don Alfredo ay pansin kong masayahin siya bawat bumabati sa kanya ay nginingitian niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 20, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Walking in the PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon