"Napakaganda niya, Kuya!"
Sobrang bigat ng mga mata ko, pumipintig sa mumunting sakit ang ulo.
"Wag ka nga maingay, baka magising siya,"
Nakukunot ang noo ko dahil sa palalang kirot ng aking ulo. Hanggang sa naimulat ko na ang aking mata. Agad akong napapikit dahil parang ang hapdi ng mata ko. Nang mag mulat ulit ako ay wala ako maaninaw kundi liwanag at kulay asul at puti. Anong meron? Bakit anlabo?
"Hala Kuya! Nagising ko ata siya!" boses ng isang bata.
Sa aking pag titig sa dalwang kulay ay kumirot na uli ang aking ulo dahilan upang akoy mapapikit at hawakan ang aking ulo. Ang sakit!
"Kuya, tawagin mo ang doktor!" Boses ng bata na halos hindi ko na marinig dahil sa sakit.
Agad akong dinaluhan ng doktor upang mapagaan ang aking pakiramdam. Dinig ko ang tuwa sakanila kahit na nahihirapan ako. Anong nakakatuwa? Nasasaktan ako!
"Wag mong pilitin ang sarili mo, dahan-dahan hija..imulat mo uli ang mga mata mo, tapos wag ka muna mag isip, andito ako para alalayan ka," masuyong sabi ng doktor.
Ginawa ko ang sinabi niya. Ngayon ay nasa apat na ang nakaputi..at isang naka asul. Dahan-dahang nag linaw ang mata ko. Tatlong mukha ang bumungad sa malapit sa mukha ko. Ang isa ay doktor, ang isa ay cute na bata..at isang lalaki.
"Congratulations, hija! You made it! Dapat ka magpasalamat sa Panginoon sa pangalwang buhay na ibinigay niya!" Pahayag ng doktor.
Napako ang tingin ko sa lalaking naka asul, nag lilikot ang mata niya at hindi ko alam kung bakit di siya makatingin sakin. Sunod ay sa dalwang nurse sa likod ng doktor.
"Hello, Ate! Ano po pangalan mo? Niligtas ka ni Kuya ko!" Mayabang na sabi ng batang lalaki.
Napatikhim naman ang lalaki at agad hinablot ang bata. "Uuna na po kami, salamat po dahil hinayaan niyo na utang muna ang pag gagamot sakaniya, ngayong gising na siya siguro ay mababayaran na niya iyon," paalam ng lalaki.
"Pero Kuya! Tinatanong ko pa pangalan hmp—" tuluyan na siyang nahigit ng 'kuya' niya.
"So..Hija, may mga itatanong sana ako sayo para icheck ka, 'e. Maayos ba pakiramdam mo? May masakit ba?" Tanong ng doktor.
"Y-yung ulo ko po.." halos masamid ako sa boses ko na parang tuyong-tuyo.
"Reresetahan kita ng gamot para diyan, sa ibang katawan ba, wala? A-ang pagitan ng hita mo, kung di mo mamasamain ang tanong ko, may pagbabago ba?" Weird na tanong nito.
Umiling ako dahil wala. "Wala naman po akong ibang nararamdaman—"
"Hija.." putol nito sakin.
"Didiretsuhin na kita, napapansin kong wala kang alam at base sa insidente, siguradong wala kang natatandaan," sa sinabi niya ay parang biglang sumabog ang isip ko.
Bigla ako nag isip nang di mahagilap na ideya at mga salitang di alam kung paano sabihin. Na blanko ako bigla. Nangilid ang luha ko.
"You are suffering from amnesia.." paglinaw ng doktor.
Bumuhos ang luha sakin. This is worse than death for me. Mas natatakot akong mawalan ng ala-ala kaysa mamatay. I feel so lost and alone!
"Calm down hija, baka makasama ito saiyo," paalala ng doktor.
Hinagpos ng nurse ang aking likod ng dahan-dahan. Lalong sumakit ang ulo ko sa pag-iyak.
"Control your emotions please, paano ko masasabi saiyo ang nangyari kung ganiyan ka?" Sabi ng doktor.